Chapter 46 Parehas silang nakasilip ni Lust sa may pader habang pinapanood ang dalawang matanda sa garden. Hagikhik siya nang hagikhik habang tutop ang labi at ang mister naman niya ay nakatayo sa may likod niya. Parang teenage girl si Bianca sa paningin niya dahil hindi maalis ang pagkakapula ng mukha no’n sa kilig. Buhay na buhay pa rin ang walang kapantay na pagmamahal ng beyanan niyang babae para sa dati no’ng asawa kaya tama pala ang Papa niya. Pagmamahal ang kailangan ni Bianca mula sa una nitong minahal. “True love really comes once in a lifetime. Look at them, damulag. They’re so sweet.” Kalabit niya sa t’yan ng mister niya na naghahalo na ang amoy ng ginisa at mamahalin nitong perfume. “Yeah?” Anito lang naman kaya tumango siya. Alam niyang wala naman itong isasagot