Chapter 45 Walang tigil sa paghagikhik sa may likod ni Lust habang siya ay pinipilit na kalmahin ang sarili. Parang buo-buo pa rin ang pawis niya sa noo. Gusto niyang magsisi na pinayagan niya si Psyche na magmaneho. Gusto niyang ibalik ang oras at bawiin ang pagpayag niya. Holy Christ. Kumakabog pa rin ang dibdib niya at hindi niya ma-imagine ang hitsura niya nang halos paliparin ni Psyche ang sasakyan sa kalsada. “Takot ka, Baby Damulag?” tunatawang biro pa nito sa kanya kaya pumihit siya kaagad at hinaklit ito sa baywang. “I swear to he’ll it’ll never happen again—ever again.” He snapped but she just giggled. Pumikit siya at huminga ng malalim. Bakit para siyang magkakasakit sa puso dahil sa kalokohan ng asawa niya. But it’s damn okay. She’s the funniest woman in this