Chapter 44 Gimbal si Lust nang makita si Psyche na nakaupo sa driver’s seat ng kotse at kitang-kita iyon sa mukha nito, kaya naman napahagikhik siya. In fairness sa asawa niya, hindi ito nakaformal at nakafit na pantalon. Bakat na bakat ang kayamanan sa harap. Agad siyang napalunok. May pupuntahan kaya ito pagkatapos siyang ihatid sa mansyon? Para kasing nagpapogi ito lalo. Hindi ito mukhang thirty-two, mukha itong twenty-two. “Haneps, bagets na bagets ah. Saan ang lakad, kamahalan?” tukso ni Psyche kay Lust pero naglalakbay na ang isip niya at pilit na iniisip kung saan ito rarampa. “Get your butt off my seat.” Masungit na utos nito sa kanya na hindi pinansin ang biro niya. Kahit kailan ay napakasungit talaga nito. Pwes, hindi siya aalis sa driver’s seat. “Ayoko nga. Ako ang