10 CLUB

1427 Words
Mharimar's POV Tahimik lang akong nakaupo sa back seat habang nasa tabi ko naman si Mr. Jill. Tahimik lang din ito habang nakatanaw sa labas ng bintana nitong sasakyan. Pilit kong pinapakalma ang sarili kahit ramdam kong bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Mr. Jill. Habang tumatakbo ang oras at palayo ng palayo ang sinasakyan namin ngayon ay mas lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko. "Saan niyo ba talaga ako dadalhin?" matapang kong tanong sa kaniya. Unti-unti siyang lumingon sa akin. "Sa bago mong tirahan." malamig niyang sagot tsaka muling bumaling sa bintana. Huminga akong malalim. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin doon? Bago kong tirahan? Napatingin ako sa labas ng bintana nang maramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan, mas lalo pa akong kinabahan. Sign na ba ito na hihinto na itong sinasakyan namin. Ilang saglit lang din ay huminto nga kami sa tapat ng isang gusali na may kumikislap na mga ilaw. Naunang lumabas si Mr. Jill habang ako ito blanko at wala sa sarili. Hindi ko alam kung nasaan kami. Pagbukas ng pinto ay kaagad akong hinawakan ng dalawang lalaki at hinatak palabas. Nagpupumiglas ako. Ayaw kong sumama sa kanila. Sinarado nila ang sasakyan at muli na naman akong hinila papasok doon sa gusali na nasa aming harapan. "Sandali...nasaan ba tayo?" kabado na tanong ko sa kanila tsaka lumingon sa paligid. Tumingin naman sa akin ang lalaking nakahawak sa braso ko. "Hindi mo ba nakikita? Nandito ka ngayon sa isang night club. Pagmamay-ari ito ni Mr. Jill." "C-club?" "Malaki-laki ang kasalanan mo kay Mr. Jill babae. Alam mo bang hindi marunong magpatawad si boss. Pinakialaman mo lang naman yung mahalagang tao sa buhay niya." "A-ano?" "Bakit mo ba kasi nilason 'yong taong pinakamahalaga sa buhay niya? Sa tingin mo ba titigilan ka ni boss kahit pa makita ka niyang nahihirapan? Hindi ganoon si boss. Kahit pa babae ka, hindi ka niya plalampasin. May parusa ang sino man na makialam sa mga taong mahalaga sa kaniya at ito na ang iyong parusa. Sigurado akong gagapang ka at magmamakaawa kay boss." ngumisi ang lalaki. Napailing-iling na lang ako. "Maawa ka. Wala akong kasalanan. Wala akong ginawang masama sa mga taong sinasabi mo. Pakawalan niyo na ako. Please..." "Kay boss ka magmakaawa. Sigurado naman ako kahit na magmakaawa ka hindi ka niya pakakawalan." Tuluyan na nga niya akong hinila hanggang sa makapasok kami sa loob. Pagpasok na pagpasok pa lang ay narinig ko ang hiyawan at natanaw ko naman mula sa kinaroroonan ko ang isang babaeng nagsasayaw sa gitna ng entablado habang nakasuot lamang ito ng katiting na saplot. Tanging bra at panty habang paulit-ulit na umiikot at gumigiling sa poste na nasa harapan nito. "Sa susunod ikaw naman ang sasayaw diyan." napasinghap ako ng bigla na lamang bumulong sa akin ang lalaki. Para bang nagtayuan ang mga balahibo ko. Hindi sa lamig kundi takot. Maya maya lang din ay hinila niya na naman ako. Dinala niya ako kung saan nakaupo si Mr. Jill habang lumalagok ito ng alak. Naka-dekwatro ng upo at nakasandal naman sa sandalan ng kinauupuan niya ngayon. "Boss, anong gagawin natin sa babaeng ito?" tanong ng lalaki habang ako gusto ko ng tumakbo palayo dito. Alam kong nakatitig siya sa akin ng matalim kaya naman umiwas kaagad ako ng tingin. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin. "Dalhin mo siya dito." utos niya. Kaagad naman akong hinila ng lalaki palapit sa kinaroroonan nito at itinulak para mapaupo sa tabi niya. "Iwan mo muna kami." maawtoridad na utos niya. Kaagad naman umalis ang lalaki kaya naman kaming dalawa na lang nandito nakaupo sa mahabang sofa. Ayaw kong tumingin sa kaniya. Nakakatakot ang mga titig niya. Para akong lalamunin ng buhay dahil sa galit niya. "Nakikita mo ba ang babaeng 'yan?" napatingin ako sa babaeng tinuturo niya. Yung babaeng nasa entablado na halos hubo't hubad na. "Bukas ikaw ang papalit sa kaniya." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Iniisip ko pa lang na sasayaw ako sa gitna ng entablado habang pinapanuod ng mga kalalakihan parang gusto ko na lang lamunin ng lupa para makawala sa lugar na ito. "Ano bang nagawa ko bakit mo ginagawa sa akin 'to?" Kaagad na dumapo ang kamay niya sa aking panga at pinisil ito. Sa gulat ko ay napaatras ako. Ang sakit ng panga ko dagdag pa ang matalim niyang mga tingin sa akin. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam?" mas lalong dumiin ang pagkakapisil niya sa aking panga dahilan para mapapikit ng mariin ang aking mga mata. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang pagtulo naman ng aking mga luha. What have I done to deserve this kind of punishment? I never deceived anyone, I never hurt anyone. Pero bakit ganito? Why did my life end up like this? Gusto ko lang naman makatulong sa Nanay kong niloko ng Tatay ko. Gusto ko lang naman maiahon sa kahirapan ang pamilya ko pero bakit ganito? Hindi ko deserve 'to. Pabalang niyang binitawan ang aking panga kaya unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. "I don’t think anyone would be interested in you, even if you stripped on that stage. Look at yourself. You're a f*****g nerd." Namalayan ko na lang na sinusuyod ko na ng tingin ang aking sarili. Nagulat na lamang ako ng Hawiin niya ang aking mukha. Pinatagilid niya ako at para bang tinitingnan niya ang bawat side nito. Maya maya lang ay tumikhim siya at iniwas ang paningin sa akin. Napansin kong may hinugot siya sa kaniyang bulsa. Nakita kong phone ito. May tumatawag yata sa kaniya kaya napatayo ito. “Stay right there. Don’t even think about running because no matter where you hide, my men will find you,” he warned me before walking away. Sinagot niya ang tumatawag sa kaniya. Napalingon ako sa paligid. Kailangan kong makaalis dito. Gagawin ko ang lahat para makatakas sa lugar na 'to. Nawala sa paningin ko si Mr. Jill kaya napatayo kaagad ako. Pansin kong walang nakabantay sa akin kaya sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa hanggang sa binilisan ko na ang aking paglalakad. Kaunti na lang ay mararating ko na ang pintuan. Mag-focus ka, Mharimar. Kailangan mo makaalis sa lugar na ito. Dahil kung hindi, baka kinabukasan pulutan ka na ng mga lalaking hayok sa laman. Kaunting-kaunti na lang mararating ko na ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na nga akong makalabas sa magulong lugar na kinaroronan ko. Tumakbo kaagad ako ng makalabas sa lugar na iyon ngunit may narinig akong boses ng mga kalalakihan sa likuran ko. "Hindi puwede." mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko ngunit natigilan ako ng makita kong may humintong sasakyan sa tapat ko. Bumaba mula doon si Mr. Jill. Hindi ako makapaniwalang nandito kaagad siya sa aking harapan. Habang kanina lang may kausap pa siya sa phone habang tumatakas ako. "I already warned you." giit niya. Nangatog na naman ang aking mga tuhod. Nasa likuran ko na ngayon ang mga lalaking humahabol sa akin. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ng hinawakan na nila ako sa braso. "Take her back inside. Let her starve. Huwag na huwag niyong pakakainin " mariin niyang utos sa mga ito. "Make sure na nakaayos na siya bukas pagdating ko. Gusto kong makita kung paano siya pagpiyestahan ng mga kalalakihan." dagdag pa niyang sabi. "Yes, boss." Halos matulala ako sa sinabi niya. Napakawala niyang puso para gawin sa akin 'to. "Please...pakawalan mo na lang ako. Please..." pakiusap ko sa kaniya ngunit tinalikuran lang niya ako at sumakay na sa kaniyang kotse. Habang ako ito hinila na ng tuluyan ng mga tauhan niya at muling ipinasok sa loob ng club. Dinala nila ako sa isang kwarto. Itinulak nila ako papasok sa loob kaya naman bumagsak ako sa sahig. Huli na para habulin ang mga ito dahil naisarado na nila ang pinto. Napahawak ako sa aking tiyan. Kanina pa ako hindi kumakain. Mali, kagabi pa ako hindi kumakain kaya kumakalam na ng sobra ang tiyan ko. Sinubukan kong tumayo at kinalabog ang pinto. "Tulungan niyo 'ko please!" pagsisigaw ko habang patuloy na kinakalabog ito. "Please..." nanghihina kong pakiusap. Gutom na gutom na ako. Napaupo na lamang ako sa sahig. Kahit na ano pa siguro ang gagawin kong pagmamakaawa ay hindi nila ako pakakawalan dito. "Nay, sorry po." nakatingalang sambit ko habang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "Akala ko, magiging maayos na ang buhay natin dahil nakapasok ako sa magandang trabaho pero mali pala ako. Ito ako, nakakulong at nagugutom pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD