11 EXCLUSIVE

2578 Words
Mharimar's POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nagising ako sa ingay na nasa paligid ko. Alam kong nandito pa rin ako sa kwarto na pinagdalhan sa akin ng mga tauhan ni Mr. Jill. Pinapanalangin kong sana panaginip lang ang lahat pero hindi. Alam kong hindi dahil nandito pa rin ako sa kwartong kinalalagyan ko. Nakatulog ako kagabi na kumakalam ang sikmura hanggang ngayon paggising ko, ramdam ko ang sobrang pagkagutom. "Gising na siya." Narinig kong sabi ng babae kaya napalingon ako doon. Nakita ko ang dalawang babae na nakaupo sa kama habang nakatingin sa akin. "S-sino kayo?" napaatras ako ng sabay silang tumayo. "Kami lang naman itong pinadala dito para ayusan ka." sagot ng isa tsaka ito tuluyang naglakad palapit sa akin. "Huwag kang matakot sa amin. Isang tao lang dapat kinatatakutan mo dito." biglang bulong nito sa akin. "S-sino?" "Sino pa nga ba? Yung may-ari ng club na ito, si Mr. Jill." Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lang tumunog ang tiyan ko. Kumukulo na dahil sa gutom. "Gutom ka na." ani ng babae. Tumango na lamang ako. "Hayaan mo pakakainin ka muna namin bago ka namin aayusan." Biglang nag-sink in sa isip ko ang sinabi ni Mr. Jill kagabi. Bigla akong kinilabutan para sa sarili ko. Ayokong sumayaw sa entablado ng nakahubo't hubad habang pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan ang katawan ko. "T-tulungan niyo 'ko please...ayoko rito. Tulungan niyo 'kong makalabas dito please..." pakiusap ko sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa. "Oh, poor." iiling-iling na sambit ng babae. "Ganiyan naman din ako dati. Ayoko rin dito pero ng masanay na ako at simula ng makakuha na ako ng pera dahil sa ginagawa kong pagbibilad ng katawan ko sa mga may datong. Ito ako, nagustuhan ko rin ang ginagawa ko. Wala na 'kong pakialam kahit pa babuyin nila ako basta't pagkatapos nun tiba-tiba ako." proud pa na sabi ng isang babae. "Kaya kung ako sa 'yo, ayusin mo na lang ang trabaho mo." Napailing ulit ako. "Hindi ako nagtatrabaho dito. Kinidnap lang nila ako at dinala dito." paliwanag ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako. "Talaga? Kinidnap ka? Sa hitsura mo, mahirap paniwalaan. Alam mo kasi, ang mga pumapasok dito at pinipilit lang nilang pumasok dito ay yung magaganda, sexy at hindi katulad mo. Tingnan mo nga 'yang buhok mo. Parang hindi ka pa yata marunong magsuklay. 'Yang suot mo, mas manang pa sa 1980's na tita ko. Yang glasses mo nakakatanda kaya tingnan 'yan." lait nito sa akin. "Pero dahil kami ang inutusan para mag-ayos sa 'yo, huwag ka mag-alala. Gagawin ka namin ngayong star of the night. Mamaya ka pa naman sasayaw eh!" "Ayoko." iiling-iling na sabi ko. "Wala ka na ngang magagawa. Nandito ka na kaya hindi ka na puwedeng umatras pa. Once na nakapasok ka na, hindi ka na puwedeng lumabas. Puwera na lang kung type ka ni Mr. Jill. Katulad ng isang kasamahan namin dito. Nagustuhan ni Mr. Jill kaya inilabas niya dito at ibinahay pa yata." kwento pa ng mga ito. "Ano nga bang pangalan ng babaeng 'yon, Patty?" tanong nito sa kasamahan niya. "Hindi ko na maalala. Hindi nga natin alam kung sila pa rin hanggang ngayon eh!" sagot naman ni Patty. Wala na talaga akong pag-asa na makaalis sa lugar na 'to. Mukhang bantay sarado at kaunting oras na lang ang hihintayin sasayaw na ako sa entablado suot ang kapirasong saplot. Mamaya maya lang ay bumukas ang pintuan nitong kwarto. Pumasok ang isang matandang babae dala ang tray na may pagkain. "Ayan na pala lunch natin."sabi ni Patty. Inilapag ng natanda sa table ang mga pagkain. "Halika na." yaya ng babae sa akin. 'Anong pangalan mo?" tanong pa niya. "M-Mharimar." tipid na sagot ko. "Halika na, Mharimar. Ako nga pala si Sussy at siya naman si Patty." pakilala nito. Tinanguan ko na lamang ang mga ito. Dahil gutom na gutom na ako, hindi na ako nagmatigas pa na lapitan sila. Gusto ko ng kumain dahil kumakalam na ng sobra ang aking sikmura. Hindi gumagamit ng kutsara sila Patty at Sussy. Nagkakamay lang silang kumakain at feel na feel naman nilang nasa bahay lang sila. Ako naman, dahil nga gutom ako. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sumubo na rin ako para malagyan ng laman ang aking tiyan. Pagkatapos nga namin kumain ay inutusan nila akong maligo. Pero dahil labag sa loob ko, ilang minuto pa ang nakalipas bago nila ako napapasok sa loob ng banyo. Sinadya kong magtagal sa loob ng banyo. Hindi ako naliligo kundi nagmumukmok at nakaupo lang ako sa tabi habang yakap ang sarili kong mga tuhod. "Mharimar! Bilisan mo na!" sigaw ni Patty habang kinakalampag ang pintuan ng banyo. Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakaupo na tila wala sa sarili. Naririnig ko ang sunod-sunod na pagkalampag nila sa pinto pero hindi ko sila pinansin. "Mharimar! Lumabas ka na diyan! Huwag mo na hayaang mga tauhan pa ni Mr. Jill ang magpapaligo sa 'yo!" Bigla akong natauhan at napatayo mula sa pagkakaupo. Mas hindi ko siguro kakayanin kung paliliguan ako ng mga tauhan ni Mr. Jill. "M-maliligo na!" sigaw ko. Nanahimik sa labas. Wala na akong naririnig pa na kalampag. Pagkatapos ko ngang maligo ay lumabas na rin ako dahil nakaramdam ako ng lamig. Paglabas ko nadatnan ko sila Sussy at Patty nakaharap sa vanity mirror. Nakatapis lamang ako ng tuwalya ng lumabas kaya hiyang-hiya ako sa kanila. Napalingon sila sa akin. "Sa wakas! Natapos ka rin." irap ni Sussy sa akin. "Halika na dito." utos naman ni Patty na may hawak na make-up. Dahan-dahan aking naglakad palapit sa kanila. "Umupo ka." utos ni Sussy. Umupo ako sa tapat ng vanity mirror. "Maganda ka naman pala." wila ni Sussy habang tinititingnan ako sa salamin. "Kapag wala siyang suot na salamin at maayos ang pagkakalugay ng buhok niya. Natural na ganda ang makikita sa kaniya." wika naman ni Patty. Pinagmasdan ko ang sarili sa harapan ng salamin. "Malabo ba mga mata mo kaya ka nagsusuot ng salamin?" tanong naman ni Patty. Tumango na lamang ako. "Walang problema. May sulosyon about diyan." aniya. "Marami naman tayong iba't ibang kulay ng contact lens. Sabihin mo lang kung anong gusto mo." sabi naman ni Sussy. Nag-umpisa na silang ayusan ako. Nilagyan nila ng make-up ang mukha ko. Ang labi ko naman ay pinahiran nila ng pulang lipstick. Ang kilay ko naman ay inahitan nila para mas gumanda pa ang shape. "Nag-shave ka ba?" tanong ni Sussy na ikinabigla ko. "A-anong—" tanong ko na hindi ko nagawang tapusin. "I mean, wala ka na bang buhok diyan sa—alam mo na." turo niya sa pagitan ng aking mga hita. "Dahil kung meron pa, kailangan natin 'yan ahitan. O 'di kaya wax na lang natin para mas makinis tingnan." dagdag pa na sabi niya. Wala naman akong buhok dahil alaga ko sa pag-shave. Umiling-iling na lamang ako. "W-wala." nahihiya pa na sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon." Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang patuloy nila akong inaayusan hanggang sa matapos kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Napaawang na lang ang aking labi ng masilayan ang sarili sa salamin. "Napakaganda mo naman." mangha na sabi ni Sussy. "Nakatago pala 'yang ganda mo." wika naman ni Patty. "Lagyan na muna kita ng contact lens para hindi malabo ang paningin mo." Napaatras ako ng makita ang nasa daliri ni Sussy. "A-ano 'yan?" bigla akong natakot. "Contact lens para sa mga mata mo. Para hindi malabo ang paningin mo. Hindi mo gagamitin ngayon ang glasses mo kaya kailangan mo nito. Relax ka lang hindi ito masakit." Napailing ulit ako. "Ayoko." "Ang kulit mo. Hindi nga 'to masakit eh!" pinilit pa rin na ilagay ni Sussy sa mga mata ko ang bagay na 'yon kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang. "Tapos na." aniya. Tiningnan ko ulit ang sarili sa salamin at ganoon na lamang ang pagsilay ng ngiti sa aking labi ng makitang nagbago ang kulay ng mga mata ko. "W-wow!" napahanga ako. Nakalimutan ko sandali ang kalagayan ko pagkatapos ng pag-aayos kong ito. "Tapos na!" sabay na sigaw ng dalawa. "Magbihis ka na." utos ni Sussy sa akin. Napatingin na lamang ako sa kaniya ng makitang may hawak na siyang saplot. "Ito isusuot mo." aniya. Napansin kong napakaiksi ng palda na 'yon at ang pang-itaas naman ay halos bra na lang. "A-ayoko." gusto kong tumakbo ngunit hindi ko magawa. Wala akong matakbuhan at kahit pa tumakbo ako at makalabas dito matutunton pa rin nila ako. "No choice ka na, gurl. Ito talaga isusuot mo kahit ayaw mo pa." hinawakan ni Patty ang braso ko. "Isuot mo na 'to para matapos na tayo." muli ay utos ni Patty sa akin. Umiling-iling ulit ako. Hindi ko talaga kayang isuot 'yon. Napakaiksi. "Isusuot mo ba o tatawagin ko na lang mga tauhan ni Mr. Jill sa labas para sila na magsusuot sa 'yo nito?" Mukhang wala na yata talaga akong choice. Labag man sa loob ko ngunit wala na akong nagawa kundi ang isuot ang kapirasong saplot na hawak niya. "Dito ka na magbihis sa harap namin. Pareho lang naman tayong mga babae dito." Napapikit na lang ako habang unti-unti kong ibinibihis ang kapares at kapiranggot na saplot. Nang matapos ay bahagya kong sinulyapan ang sarili sa salamin. Jusko! "Sexy ka naman pala." komento ni Sussy. "Mukhang maraming mabibighani sa 'yo ngayong gabi. Bukod sa makinis na maputi pa." komento naman ni Patty. Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng kwarto. Labag man sa loob kong lumabas ay wala na akong nagawa ng pumasok sa loob ang dalawang tauhan ni Mr. Jill. Nagmakaawa ako sa kanila ngunit hindi pa rin nila ako pinakinggan. Habang hinihila nila ako palabas ay pinaghahampas ko sila sa kanilang mga balikat at braso ngunit wala man lang sa kanila ang mga hampas ko. Tuluyan nila akong nailabas sa kwarto. Tinahak namin ang kahabaan ng hall way hanggang sa makababa na nga kami ng tuluyan. "Alam mo na ang gagawin mo. Umakyat ka sa stage at sumayaw ka." paalala sa akin ng lalaki. Umiling ako. "Ayoko." tanggi ko habang tinatakpan ko ang aking hinaharap. "Wala kang magagawa. Si boss ang may utos nito. Alam mo ba kung nasaan siya? Nandoon siya." turo niya sa dating pwesto ni Mr. Jill kagabi. Hindi ko ito nakita. "Papanuorin ka niya kaya galingan mo." iniwan niya na ako. Napansin kong sinenyasan nito ang isang babae kaya ito lumapit sa akin. "Halika na. Kailangan mo ng umakyat sa taas." hinawakan ng babae ang kamay ko at pilit akong hinihila paakyat sa taas. -------- Third POV "Boss, handa na ang babae." sabi ng tauhan ni Sebastian ng makalapit ito sa kaniya. Habang siya naman ay naghihintay na umakyat si Mharimar sa stage. Lumagok siya ng isang basong alak. Halos mapako ang paningin niya sa babaeng dahan-dahan na naglalakad sa gitna ng stage. Habang hila hila nito ang laylayan ng maiksing palda. "Is that her?" tanong niya sa kaniyang tauhan. "Yes, boss. Nagulat nga ako kanina dahil nag-iba ang hitsura niya. Ibang-iba sa hitsura niya kahapon." sagot nito. Napako ang paningin ni Sebastian sa babae. Tila familiar ito sa kaniya ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Unti-unti itong gumalaw. Dahan-dahan lang ang pagsayaw nito at halata dito ang kaba at hiya sa mga lalaking nanunuod. "Puwede ba! Ayusin mo 'yang pagsayaw mo!" rinig na rinig na sigaw ng lalaki. Muling gumalaw ang balingkinitan na katawan ng dalaga. Sa bawat galaw nito ay umiigting naman ang panga ni Sebastian dahil sa kakaibang dulot nito sa kaniya. Ang buong akala niya ay magugustuhan niyang makita itong pinagpapantasyahan ng mga lalaki ngunit ngayon parang nagbago ang ihip ng hangin. Gusto niyang makuha ito at solohin lamang ang dalaga. ------ Mharimar's POV Hindi ko talaga akalaing sasayaw ako sa gitna ng maraming kalalakihan. Pinapanuod at pinagpapantasyahan ang aking katawan. Habang sumasayaw ako sunod-sunod naman na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang sumayaw. Paano ko nagagawa ito habang kagabi, iniisip ko pa lang para na akong mababaliw. Naghiyawan ang mga lalaking nanunuod sa akin. "Hubarin mo na 'yang maiksing palda mo, Miss! Gusto namin ng mas higit pa diyan!" sigaw ng isa sa mga lalaking nanunuod sa akin. Natigilan ako. "Hubad!" sunod-sunod na sigaw ng mga ito. Nakagat ko na lamang ang labi ko at ipinikit ang mga mata ko. Napatingin ako sa kabilang direksyon ng makitang papalapit sa akin ang tauhan ni Mr. Jill. Nilapitan niya ako. "Tama na 'yan." bulong nito sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. May isang babaeng umakyat sa stage. Iyon siguro ang kapalit ko kaya tuluyan na niya akong hinila pababa dito. Nagalit pa nga ang ibang lalake dahil hindi pa raw tapos ang show ko pero pinababa na ako. Wala rin naman silang nagawa dahil nilapitan na sila ng iilang mga lalaking malalaki ang katawan. "Saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko dito habang hila-hila ako. Alam ko na kung saan niya ako dadalhin. "May naghihintay sa 'yo." sagot niya. Natigilan ito at ganoon din naman ako. Nandito na kami ngayon sa harap ni Mr. Jill. Nakadipa ang mga kamay nito sa sandalan ng couch. Alam kong nakatitig siya sa akin. "Iwan mo na kami." utos niya sa kaniyang tauhan. Napalunok na lamang ako dahil sa klase ng mga titig niya sa akin. Alam kong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Lumapit ka dito!" utos niya ngunit hindi ako gumalaw. Hindi ko siya sinunod. "Anong kailangan mo?" matapang na tanong ko dito kahit na mas kumabog pa ng husto ang dibdib ko. "Come closer so you'll find out!" maawtoridad na utos niya sa akin. Hindi pa rin ako gumalaw kaya siya itong tumayo at unti-unting naglakad palapit sa akin. Kitang-kita ko kung gaano kalagkit ang mga titig niya. Napaatras ako ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. Sa pag-atras ko hindi ko na namalayan na wall na pala ang nasa likuran ko kaya napasandal ako. Nagulat na lamang ako ng hapitin niya ang bewang ko tsaka nito inilapit ang mukha sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng mainit niyang hininga. Nanunuot rin sa ilong ko ang kaniyang perfume. Ang mainit na pagdampi ng kamay niya sa bewang ko ay tila ba kuryente na nakakapaso. Bumilis ang t***k ng puso ko. Lalo na ng dumampi ang labi niya sa leeg ko. Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata. He's kissing me. Mas dumiin ang pagkakahapit niya sa aking bewang. Ngayon nasa tenga ko na ang mukha niya at unti-unting bumulong. "I've made up my mind. I’ve decided that you should be exclusive to me." pinisil niya ang bewang ko kaya napaigtad ako habang nanlalaki ang aking mga mata. "Pagsasawaan muna kita bago kita ibigay sa kanila." dagdag pa niya tsaka paulit-ulit na pinisil ang bewang ko. Hindi ako nakapagsalita. Napakurap-kurap naman ang aking mga mata. “Kapag sinabi kong maghubad ka, maghubad ka sa aking harapan." maawtoridad na bulong niya sa akin gamit ang napapaos nitong boses. Napailing ako. "H-hindi ko kayang gawin 'yon." sa wakas, nagawa ko rin magsalita pagkatapos ng ilang segundong pagkakabigla. Nagulat na lamang ako ng dumapo sa aking panga ang kamay niya. Pinisil niya ng mariin ang panga ko. "Ahhh!" napahiyaw ako sa sakit. "Hindi ka puwedeng tumanggi." mas lalo pa dumiin ang pagkakapisil niya sa aking panga. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan kung bakit nasa hospital ngayon si Grandma. Kapag may nangyaring masama sa kaniya. Hindi lang ito ang parusa ko sa 'yo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD