Mharimar
Isa-isa kong pinulot ang aking mga saplot na nagkalat sa sahig kahit pa nahihirapan akong igalaw ang aking mga hita. Kahit na anong pilit kong alalahanin ang nangyari wala akong maalala. Sumasakit na ang ulo ko pero kahit ni kaunting eksena man lang ay walang sumagi sa isip ko.
Natigilan na lamang ako nang maalala si Serene. May usapan kami na magkikita sa bar ngunit hindi siya pumunta.
Paano na? Anong gagawin ko ngayon? Nakuha ang virginity ko ng lalaking hindi ko naman kilala.
Sinulyapan ko kaagad ang perang nakalatag sa kama.
Ang dami nito.
Hindi ko mapigilan na bilangin ito. Tama ba? One hundred thousand? Kapalit ng virginity ko? Kung tutuusin pambayad na rin ito ng bill sa hospital ng kapatid ko pero hindi ko pa rin matanggap na nawala ng ganoon lang ang pinakaiingatan ko.
Ano nga ba pinagkaiba nun sa inuutos ni Serene sa akin? Hindi ba't inutos niya sa aking sipingan ko ang boyfriend niya. At least hindi ang boyfriend niya ang nakauna sa akin.
Napapikit ako. Sa pagpikit ko kusang bumagsak ang aking mga luha.
Ano pa maibibigay ko sa lalaking mamahalin at makakasama ko habang buhay? Ano pa magiging regalo ko sa kaniya sa araw ng kasal kung ngayon wasak na. Hindi na buo. May kulang na.
Magbibihis na sana ako ngunit natigilan ako ng makitang wala ng makakapitan ang hook ng bra ko dahil punit na ito. Nanlaki ang mga mata ko.
A-anong nangyari? Bakit napunit ang bra ko?
Napatakip ako ng bibig ng makitang maging pala ang panty ko ay punit din.
A-ano? Anong isusuot ko ngayong punit na ang mga ito?
"Ahh..." napangiwi ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Kaagad ko rin sinapo ito.
----
Naramdaman kong inilapag ako sa malambot na kama. Nakapikit lang ang mga mata ko dahil tuwing iminumulat ko ito para bang umiikot ang paligid.
Nakaramdam ako ng init. Gusto kong maghubad kaya hinawakan ko ang laylayan ng damit ko tsaka ito unti-unting hinuhubad pataas. Itinapon ko ito kung saan.
"What do you think you're doing, woman?" galit na tanong ng lalaking nasa aking harapan.
Mas lalong nanlabo ang paningin ko dahil bukod sa nahihilo ako, malabo pa ang paningin ko kapag walang suot na salamin.
"Naiinitan ako." sagot ko tsaka naman sinunod ang aking skirt. Hinubad ko rin ito at inihagis sa mukha ng lalaking nasa harapan ko. Nakita kong nasalo niya ito.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
"Don't try me, woman." naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa leeg ko ng bumulong ito sa akin. Hinapit niya rin ang bewang ko dahilan para makaramdam ng pagnanasa.
Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Naiinitan at parang gusto ko siyang halikan dahil sa lapit ng aming mga katawan.
"Angkinin mo 'ko please..." pakiusap ko sa kaniya. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.
Maging ako ay hindi rin makapaniwala.
"What did you say?"
"Angkinin mo 'ko." muling bulong ko sa kaniya.
Sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking leeg. Nanlaki ang mga mata ko. Ito ang gusto ng katawan ko kaya hinayaan ko siyang halikan ako sa aking leeg hanggang sa maramdaman ko ang pagkapunit ng bra ko.
"I'll let you taste me, woman but in one condition." muli ay bulong niya sa akin.
"A-anong condition?" mahinang sambit ko.
"Humiga ka lang. You’re not allowed to touch me or kiss me. Let me be the one to kiss you.” gumapang ng tuluyan ang mga halik niya sa dibdib ko.
Bumilog na lamang ang labi ko dahil hindi makapaniwalang pinunit niya na ang bra ko ngayon naman ay ang panty ko.
Tumayo ito at naghubad ng pang-itaas na saplot. Napalunok ako ng makita ang mabuhok nitong dibdib. Ilang beses akong napalunok.
Bago pa man ako makapagsalita ay umibabaw na ito sa akin. Halos maduling ako dahil sa lapit ng dibdib niya sa aking mukha at ang bango pa. Nanunuot sa ilong ko ang amoy nito na para bang hindi kaagad-agad nawawala. Para akong nahimasmasan sa amoy pa lang ng perfume niya.
Kung saan-saan gumapang ang labi niya sa parte ng aking katawan. Puwera na lang sa labi kong hindi niya hinahalikan.
Bumilis ang t***k ng puso ko, lalo na ngayong naghuhubad siya ng kaniyang saplot pang-ibaba. Tinakpan ko kaagad ang aking mga mata.
Ayaw kong makita ang bagay na 'yon.
Ilang segundo pa ang nakalipas ay naramdaman ko ulit itong dumagan sa ibabaw ko. Pinaghiwalay niya ang aking mga hita dahilan para mapaawang ang aking labi.
"This is what you want, right?" napapaos nitong bulong sa akin. Hindi pa man lumipas ang ilang segundo ay napangiwi na ako sa sakit ng bigla niya akong pasukin. Bumaon ang aking mga kuko sa likod niya.
"Ahh!" napahiyaw ako kasabay ng pagkagat ng balikat niya.
"s**t! Why did you bite me huh?"
"Ang sakit." halos maiyak ako sa sakit. Nagtama ang aming paningin. Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.
"Don't tell me—"
Unti-unti niyang hinugot sa akin ang kaniyang sandata tsaka ito tiningnan. Napansin ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata.
"Y-you're a virgin."
"Ang sakit." halos maiyak ako.
Napabuntong hininga siya. "Ito ang gusto mo hindi ba? Bakit ngayon nagrereklamo ka? This is your fault woman. Huwag kang mag-inarte diyan na para bang kasalan ko kung bakit tayo nandito."
-------
Iniling-iling ko ang aking ulo ng maalala ang lahat na nangyari kagabi. Itinuloy niya pa rin kahit na alam niyang virgin pa ako.
Hindi lang isang beses kundi nasundan pa niya ito.
Hindi ko matandaan kung ilang beses akong inangkin ng estranghero ngunit sa hapdi na nararamdaman ko ngayon. Para bang ilang beses siyang nagpakasasa sa katawan ko.
Wala ako sa sariling lumabas ng silid na kinaroroonan ko. Kahit pa mahapdi pa ang pakiramdam ko sa pagitan ng aking mga hita. Wala akong choice kundi ang lumabas na dahil hindi ako puwedeng manatili sa silid na 'yon. Wala akong suot na bra at panty kaya malamig sa pakiramdam.
Magulo rin ang buhok ko. Hindi ko alam ngayon kung saan ako pupunta. Lalo pa at bago lang ako dito sa Manila. Kagabi lang ay diretso akong hinatid ng tauhan ni Serene sa bar. Inaasahan kong susunod si Serene ngunit hindi siya nagpakita sa akin.
Napadaan ako sa tiangge. Tamang-tama naman dahil may hawak akong pera. Bumili muna ako ng pamalit kong damit. Pinalitan ko rin ang maiksing skirt na suot ko ng pantalon at katulad ng nakasanayan kong suotin. Tshirt lang din ang partner nito.
Nakahinga ako ng maluwag ng makapagbihis ako. Dito ako mas comfortable kaysa sa suot ko kagabi.
Pagkatapos kong magbihis ay napadaan ako sa tindahan para sana makigamit ng cellphone. Kailangan kong matawagan si Nanay para maipadala ang pera sa kanila.
Hindi ko na alam kung nasaan ang phone ko. Naiwala ko yata kagabi habang lasing ako.
"Bibili ka ba, ineng?" tanong ng may-ari ng tindahan.
"P-puwede po ba akong makigamit ng cellphone? May tatawagan lang ho sana ako." pakiusap ko dito.
Napatitig ito sa akin ng matagal.
"Sigurado ka ba? Hindi ka ba magnanakaw na kunwari makikigamit ng cellphone?"
"Hindi po. Importante lang po ang tatawagan ko. Nawala ho kasi ang cellphone ko. Sige na po."
"O sige, kung talagang kailangan mo. Ito." ibinigay niya sa akin ang de-keypad na cellphone. "Tatawag ka lang naman 'di ba?"
"O-opo."
"Ayan, gamitin mo."
"Maraming salamat po."
Mabuti na lang memorized ko ang number ni Nanay kaya hindi ako nahirapan na tawagan ito.
Ilang segundo lang ay sumagot din kaagad ito.
"Sino 'to?"
"Nay, ako po ito, si Mharimar."
"A-anak, ikaw pala. B-bakit ibang number itong gamit mo?"
"N-nawala ho kasi yung cellphone ko. Nakikigamit lang po ako. K-kamusta na ho ang kapatid ko?"
"Ayos lang ang kapatid mo."
"Mabuti naman po. Makakalabas na po siya ng hospital, Nay. May hawak na po akong sapat na pera para sa kulang nating bill."
"T-talaga anak?"
"Opo, Nay. Ipapadala ko ho kaagad ito sa inyo."
"Ipapadala? Hindi ka ba uuwi?"
"Hindi po. Kailangan ko po munang maghanap ng trabaho dito para makatulong sa inyo."
"Pasensya ka na, anak."
"Ayos lang po yun. Kailangan ko na rin talaga magtrabaho para naman kahit papaano may income ako at mapapadalhan ko kayo buwan-buwan."
"Salamat, anak."
"Sige na po, Inay. Ibababa ko na po ito dahil naghihintay po ang may-ari nitong cellphone."
Hindi pa man nakapagsalita ulit sa kabilang linya si Nanay ay tinapos ko na ang tawag ko at ibinalik sa may-ari ang cellphone.
"Maraming salamat po, Manang."
"Walang ano man."
"M-magkano po?"
"Huwag ka ng magbayad, ineng."
"P-pero nagamit ko ho ang load niyo."
"Huwag ka mag-alala, unlimited calls naman ito."
"S-salamat po."
Magpapaalam na sana akong umalis ng biglang nahagip ng paningin ko ang isang matandang babae na tumatawid mag-isa.
"Ay! Jusko!" bigla akong kinabahan. Napatakbo akong bigla para lang matulungan ko ang matanda kahit pa masakit ang pagitan ng aking mga hita.
Mabilis naman akong nakalapit dito. Inalalayan ko itong tumawid. Nagulat pa nga ito ng bigla ko siyang hawakan sa braso.
"Maraming salamat, iha." sabi nito ng tuluyan nga kaming makatawid.
"Walang ano man po. Sa susunod po dapat po may kasama kayong tumawid. Delikado po kasi para sa inyo, Lola."
Napangiti ito. "Napakabuti mo naman na bata. Anong pangalan mo, iha?"
"Ako po si Mharimar."
"Mharimar?"
"Mharimar Buret po."
Bahagya napangiti ang lolo.
"B-bakit ho kayo natawa, lola?"
"Pasensya ka na iha. Ngayon lamang ako nakarinig ng apelyido na ganiyan. Anong maitutulong ko sa 'yo. Tinulungan mo akong tumawid kaya dapat may maitulong din ako sa iyo."
"Naku po, Lola. Hindi ho ako humihingi ng kapalit. Nag-alala po kasi talaga ako kanina habang nakita ko kayong tumatawid."
Muli itong napangiti.
"Saan ho ba kayo pupunta, lola? Sasamahan ko na ho kayo."
"Diyan lang ako iha. Huwag mo na akong ihatid. Kaya ko na ito."
"Wala pa naman ho akong bahay na nakitang matitirahan kaya puwede ko po kayong ihatid sa bahay niyo."
"Wala kang bahay na matirahan?" natigilan ito.
"Opo, naghahanap pa lang po ako."
"Bago ka lang ba dito?"
"Opo, kagabi lang po."
"Kung ganoon sumama ka sa akin. May kilala akong puwede mo matitirahan."
"T-talaga ho?"
Naku, buti na lang talaga at nakilala ko si Lola. Mukhang may alam siyang nagpapa-rent kahit na kwarto lang.
Katulad nga ng sabi nito. Sumama ako para makita ang bahay na tinutukoy ni Lola.
Isa itong parentahan na mga apartment. Wala akong sapat na pera para makapag-rent ng apartment.
Kaya tinanggihan ko ito. Kahit na kwarto lang basta may matutulugan ako sapat na sa akin.
"W-wala pa ho akong pera para makapag rent ng ganitong klaseng apartment, Lola. Wala pa ho kasi akong trabaho."
"Huwag mo problemahin ang renta ng apartment na ito. Kilala ko ang may-ari nito. Kung gusto mo ng trabaho meron din akong alam na puwede mong pasukan. Tamang-tama nangangailangan ng personal assistant iyong kilala kong kompanya, iha."
"Ho? P-personal assistant? W-wala po akong sapat na kaalaman para sa trabahong 'yon, Lola." napakamot tuloy ako sa aking batok.
"Huwag kang mag-alala, may experience man o wala, tumatanggap sila basta't willing ka lang matuto sa gawain bilang personal assistant, iha." dumukot ito sa bulsa. May ibinigay siya sa aking card.
Saan naman kaya niya nakuha ito?
"Mag-apply ka kaagad bukas. Sigurado akong matatanggap ka riyan."
"P-pero..."
"Walang pero- pero iha. Kailangan mo na kaagad pumunta diyan bukas para magpasa ng iyong resume." sabay kindat ni Lola sa akin. Napangiti na lamang ako.
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.