3 Her virginity

2041 Words
Mharimar "Mharimar!" napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa akin. Kilala ko ang tricycle na 'yon. Tinutulak ko ang kariton na puno ng gamit namin. Ang bigat dahil ilang malalaking bag rin ang laman nito. Si Manong Tasyo pala. Bumaba siya mula sa tricycle saka lumapit sa akin. "Anong nangyari? Bakit may mga dala kang gamit?" Binitawan ko ang kariton. "Si tatay, naibenta niya na ang bahay sa kabet niya." pagod na sagot ko. "Ano? S-sinong?" "Si Aling Sita. May relasyon pala silang dalawa." "Aba, jusmiyo! Nagawa ni Fernando 'yon?" Tumango na lamang ako. Pagod na pagod ako sa katutulak. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta ngayong wala naman akong hawak na pera. Isa pa, wala akong mapupuntahan. "Saan ka pupunta ngayon niyan?" "Hindi ko po alam." "Aba'y uulan na. Halika, sumakay ka na sa tricycle ko. Kung wala kang mapupuntahan pumaroon ka muna sa bahay." "Nakakahiya po sa inyo, Manong Tasyo." "Bakit ka naman mahihiya sa akin? Kaibigan ko rin yung nanay mo. Isa pa, kami lamang ng anak ko ang nasa bahay. May isang kwarto pa roon na puwede niyong matulugan." "S-salamat po, Manong Tasyo." wala na akong choice kundi sumama na lamang dito kaysa magpalaboy ako sa daan. Kinuha niya ang mga gamit sa kariton at inilagay ang iba sa bubong ng tricycle habang ang iba naman ay katabi ko sa loob. Mabuti na lang dumaan si Manong Tasyo dahil kung hindi—ewan ko na lang kung saan ako pupunta. Saan ko ilalagay ang mga gamit namin? "Narito na tayo." aniya. Nandito na kami ngayon sa tapat ng kanilang bahay. Isa-isang kinuha ni Manong Tasyo ang mga gamit sa bubong tsaka ito ipinasok sa loob. Ako naman ay kinuha na rin ang mga katabi kong gamit sa loob saka sumunod sa loob ng bahay. Pagpasok ko nga ay nasilayan ko ang anak ni Manong Tasyo. Ang pagkakakilala ko siya si Leni. "Anak, dito na muna pansamantala sila Mharimar sa bahay kaya maging mabait ka sa kaniya." bilin ni Manong Tasyo. "Opo, Tay." sagot naman ni Leni habang nakatingin sa akin. Ini-expect kong tatarayan niya ako pero hindi ko inaasahang ngingitian niya ako. "Hi! Welcome ka dito sa bahay. Huwag kang mahihiya." sabi nito sa akin. Hindi naman pala siya masungit. Usap-usapan kasi masungit siya dahil nga hindi namamansin. "Salamat." "Maiwan ko na muna kayong dalawa rito, Leni. Asikasuhin mo na muna ang bisita natin." "Opo, Tay." Medyo nakahinga ako ng maluwag. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng sala. Kahit papaano may masisilungan kami kung sakaling lalabas na ng hospital ang kapatid ko. Ang problema ko lang ngayon kung paano ko sasabihin kay Inay ang masamang bangungot na ito. Sigurado akong masasaktan siya ng sobra. Lalo pa at akala niya kaibigan niya si Aling Sita. Kung sino pa ang kaibigan niya siya pa pala ang sisira sa relasyon nila ni Tatay. "Ahm!" Napatingin kaagad ako kay Leni ng tumikhim ito. Ang lalim na pala ng naiisip ko kaya bigla akong natulala. "Halika, ihahatid kita sa kwarto mo. May bakante pa naman kaming kwarto. Tutulungan na kita sa mga gamit mo." sabi niya tsaka kinuha ang dalawa kong malalaking bag. Hinatid niya ako sa maliit na kwarto. Sigurado akong iisa lang ang kakasya sa kama at mukhang masikip rin ito para sa aming tatlo nila Nanay at ng kapatid ko. Kailangan ko pa rin maghanap ng ibang matitirahan. "Pasensya na, maliit lang ang kwarto." "O-okay lang. Nakikitira na nga lang ako." "Ikaw lang ba mag-isa? A-anong nangyari bakit nag-iisa ka lang? Hindi ba't may bahay kayo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napabuntong hininga ako. "Si Tatay, may iba siyang babae. Binenta niya rin ang bahay kaya wala kaming matitirahan ngayon." "Naku! Nakakalungkot naman ang nangyari sa inyo." "P-pasensya ka na kung dito ako nanggugulo. Huwag ka mag-alala kapag nakahanap ako ng matitirahan lilipat din kaagad kami." "Sus! Ano ka ba? Mas gusto ko nga kung nandito kayo eh! Para may kasama ako. Napakalungkot din kung mag-isa dito sa bahay. Si Tatay kasi palaging umaalis kasi nga namamasada." "Maiwan na muna kita. May niluluto nga pala ako. Nakalimutan ko na." "S-sige. Nang makalabas si Leni ay umupo ako sa kama. Napag-isip-isip kong pumunta muna ng hospital kaya nagpaalam na rin ako kay Leni. Pagdating nga ng hospital ay nadatnan kong sinusuri ng doctor ang kapatid ko. "Nay..." sambit ko kaya napalingon sa akin si Nanay. "Anak, nandito ka na pala. Kasama mo ba ang tatay mo?" Napailing ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ito? Sigurado akong doble ang sakit na mararamdaman ni Nanay Nang makaalis ang doctor ay nilapitan ko kaagad ang kapatid ko. Hinaplos ang noo nito. "Ate..." para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ng kapatid ko. Kahapon kasi ay hindi man lang siya nakapagsalita. "Kamusta pakiramdam mo?" "Ilalabas na sana siya sa susunod na araw. Problema nga lang ay hindi nagkasya ang perang binigay ni Serene kaya hindi pa makakalabas ang kapatid mo. Kailangan pa ng isang daang libo bago siya makakalabas." "I-isang daang libo?" Grabe! Bakit sobrang laki naman. "Oo, anak." Napakamot ako sa aking batok. Saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga. Lalo na sa kalagayan namin ngayon. "Anak, bakit hindi mo pa kasama ang Tatay mo? Baka may nahanap na pera ang Tatay mo." "Huwag na ho kayong umasa pa sa taong 'yon, Nay." "A-anong ibig mo sabihin?" "Habang kayo nagpapakahirap dito nandoon siya nagpapakasarap." sa inis ko ay tuluyan ko na ngang nasabi ito. Napansin ko ang pag-awang ng labi ni Nanay. "A-anong ibig mo sabihin, Mharimar?" "Nasa ibang palda na po si Tatay, Nay." "A-ano? H-huwag ka nga magsalita ng ganiyan sa Tatay mo." "Dahil 'yon ang totoo." "Anak, hindi mo alam mga pinagsasabi mo." "Totoo ang sinasabi ko, Nay. Nagpapakasarap na ngayon sa ibang babae si Tatay. Huwag na ho kayong umasa sa kaniya dahil naibenta niya na ang bahay at pinalayas na rin tayo ng bumili sa bahay." "A-ano?" napahawak sa dibdib si Nanay. "N-Nay, a-ayos ka lang?" napasandal ito sa dingding. Dahil sa galit ko, bigla ko na lang nasabi ito sa kaniya. Sa halip, na dapat ay pinagliban ko muna. "Totoo ba ang mga sinasabi mo, Mharimar?" halos hindi pa rin siya makapaniwala. Tumango na lamang ako. "Kahit ako, hindi rin makapaniwalang nagawa ni Tatay sa atin 'to. Ngayon pa talaga kung kailan kailangan natin siya." sambit ko habang sunod-sunod na tumulo ang mga luha. Pagtingin ko ganoon din si Nanay. Umiiyak na rin ito. ------- PRESENT... Mali talaga akong uminom pa ako ng alak. Kaunti pa lang nainom ko umikot na kaagad ang paningin ko. Jusko po, tulungan niyo ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayong umiikot na ang paningin ko. Nasaan na nga ba ako? Nandito pa rin naman pala ako sa table ko kanina. Nasaan na nga ba ang cellphone ko? Kailangan kong tawagan si Serene. Kanina ko pa siya hinihintay pero kahit anino niya hindi nagpakita. "Mukhang tiba-tiba tayo dito." Narinig ko ang boses ng mga lalaki kaya napalingon ako. "Miss, mukhang lasing ka na. Ihahatid ka na namin." biglang umupo ang isang lalaki sa tabi ko. "K-kaya kong umuwi mag-isa." sagot ko dito sabay tulak sa kaniya. Ngunit hindi ito umalis. Ngumisi pa nga ito. Napatingin naman ako sa aking harapan naroon naman ang isang lalaki. Ganoon din ang mga ngisi niya. Para bang may binabalak na masama. "Uminom ka na lang ng tubig, Miss para mahimasmasan ka." ibinigay ng lalaking ito ang hawak na baso. Hindi ko nga ba alam kung bakit bigla akong nauhaw ng sabihin nitong tubig iyon. Kaagad ko itong nilagok. Ngunit, mas naramdaman ko pa yata ang pagkahilo. Bigla rin uminit ang paligid ko. Pinagpapawisan ako. "Ang init." nagpaypay ako gamit ang sarili kong mga kamay. "Halika na, Miss ihahatid ka na muna namin sa silid para makapagpahinga ka." narinig kong sabi ng lalaki sabay akay sa akin. Inilagay niya sa kaniyang balikat ang aking isang braso habang ang isang lalaki naman ay nasa kabila ko. "T-teka...s-saan niyo 'ko dadalhin?" nalalasing na tanong ko sa mga ito. "Magpahinga ka muna." sagot ng isa. Wala akong lakas para umalis o itulak ang mga ito. "B-bitawan niyo 'ko!" pinilit kong pumalag ngunit hindi ko magawa. Wala akong lakas. "Bitawan niyo 'ko! G-gusto ko ng umuwi. Serene! Tulungan mo 'ko!" sigaw ko sa kawalan. Nakita ko na lang binuksan nila ang pintuan. Ipinasok nila ako sa loob. Kahit pa umiikot ang paningin ko, kitang-kita ko ang biglang pagsarado ng lalaki sa pintuan. "L-lalabas na ako." sinubukan kong tahakin ang pintuan ngunit hindi ko pa man naaabot ito ay may humila na sa kamay ko. "Sa amin ka na ngayon. Isa pa, bayad ka na. Malaki din binayad sa amin ni boss para buntisin ka kaya paunahan na lang sa amin ng kasama ko kung sinong makakabuntis sa 'yo." "A-ano?" kinabahan ako. "S-sinong boss niyo?" "Hindi mo na dapat pa malaman." sagot nito tsaka itinulak ako sa kama. "Tu—long!" naramdaman ko ang pagsuntok nito sa tiyan ko. Nawalan ako ng lakas. Napatingin na lamang ako sa kanilang isa-isang naghuhubad ng mga saplot. Napailing ako. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata. Nang maimulat ko ito ay nakita kong wala na sila sa harapan ko. Nagkaroon ako ng pag-asa na makaalis sa kinaroroonan ko. Kahit pa masakit ang sikmura ko ay pinilit kong tumayo. Pagtayo ko, doon ko narinig ang mga boses nila sa loob ng banyo. "Ako naman." rinig kong sabi sa loob ng banyo. "Heaven ito, pare." dagdag pa. Anong ginagawa nila? "Para akong dinadala sa langit." narinig ko pang sabi mula sa banyo. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa pinto saka ito pinihit. Sa wakas! Nagawa kong makalabas ngunit tila narinig nila ang paglabas ko. "Ang babae! Nakalabas!" narinig kong sigaw ng mga ito kaya binilisan ko ang paglalakad kahit pa hilong-hilo ako. Pinilit ko pa rin. Hanggang sa maramdaman ko ang matigas na bagay na bumundol sa aking mukha. Napatingala ako. Doon ko nasilayan ang mukhang kanina ko lang din nakita. "Ikaw na naman." inis na sabi nito sa akin. "T-tulungan mo 'ko." sambit ko tsaka unti-unting nandilim ang paningin ko. ------ Naimulat ko ang aking mga mata. Ang sakit ng ulo ko...t-teka, kakaiba ang nararamdaman ko sa p********e ko. B-bakit masakit? Nasapo ko ang noo ko. Hindi lang ulo ang masakit sa akin kundi maging ang p********e ko. Halos hindi ko maigalaw ang aking mga hita. N-nasaan ako? Sinuyod ko ng tingin ang kabuuang silid. Bigla na lamang nag-flashback sa isip ko ang nangyari. Tumatakbo ako habang hinahabol ng dalawang lalaki hanggang sa masubsob ang aking mukha sa matigas na dibdib. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Malabo sa paningin ko. "Damn! She's a f*****g virgin." Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nasilayan ko ang likod ng isang lalaking nakatapis lamang. Ang lapad ng likod niya. Tila ba may kausap siya sa phone. Bumaba naman sa bewang niya ang paningin ko kaya kaagad kong tinakpan ang aking mga mata. Jusko! Ano ba itong pinasok ko? A-anong nangyari kagabi? Naiiyak na lang na tanong ko. Kumikirot pa rin ang p********e ko na para bang may nakasalpak na kung anong matigas na bagay dito. Wala naman akong maalala sa nangyari. "Mabuti naman gising ka na." malamig na boses ang bumungad sa akin. Tinanggal ko kaagad ang kamay kong nakatakip sa aking mga mata. Unti-unti akong tumingala at doon ko nasilayan ang mukha ng gwapong nilalang. "Here's the money. Take it. If it's not enough, just tell me." malamig na sabi nito sa tsaka itinapon lamang ang pera sa kama. Natulala na lamang ako. Para bang panaginip lamang ito. Sa isang iglap lang nakuha ng lalaking ito ang virginity ko. "Don't you dare tell anyone about this. Is that clear?" banta niya pa sa akin. Hindi pa rin ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha habang mahigpit na nakakapit sa kumot na nagsisilbing takip sa hubad kong katawan. Tumalikod na siya sa akin at nagsuot ng kaniyang mga saplot. Hanggang ngayon para akong tuod na nakaupo sa kama. Hindi makapagsalita. Shock pa rin sa mga nangyari. Sino ba siya? Bakit kung makapagsalita para bang pag-aari niya na ang mundo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD