2 TRAYDOR

2370 Words
Mharimar Nangangatog ang mga tuhod ko. First time kong makapasok sa lugar na ito. Bar daw ito sabi ni Serene. Napakaraming tao at ang ingay. Yung iba nga ay lasing na at may naglalampungan na rin sa kani-kanilang mga table. May nagsasayawan rin sa gitna. Ano ba 'tong pinasok ko? Habang sinusuyod ko ng tingin ang buong paligid ay panay rin ang hila ko sa napakaiksing skirt na suot ko. Ngayon lang kasi ako nakasuot ng ganito kaya naiilang ako. Parang ayaw ko na lang maglakad dahil sa iksi nito. Para akong mahuhubaran sa kaunting galaw lang. Hindi ko pa suot ang salamin ko kaya naninibago ako. Nasaan na ba kasi si Serene? Plano niya 'to kaya hindi ko pa alam kung anong susunod kong gagawin. Hindi ko nga alam kung nasaan ang boyfriend niya. Parang gusto ko na lamang umatras. Hindi ko kaya 'to. Gusto ko na lang umuwi at maghanap na lang ng ibang paraan. Ang hirap ng pinapagawa ni Serene sa akin. "Serene, please...pumunta ka na dito." naiiyak na ako. Hindi na ako mapakali. Ang mga tuhod ko parang gusto ng bumigay dahil sa taas ng takong nito. First time sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Hi, Miss!" Napalingon ako. Dalawang lalaki ngayon ang nasa aking harapan. Para bang mga lasing na. May dalang alak at nilalaklak lang nila ito. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Sabay tingin sa isa't-isa. "Bakit nag-iisa ka lang? May kasama ka ba? Puwede ka namin samahan kung wala kang kasama." "O-okay lang ako. Hinihintay ko lang ang kasama ko. Puwede na kayong umalis." sabi ko sa mga ito tsaka ito tinalikuran. Pagtalikod ko, bigla kong naramdamang may humaplos sa mga hita ko kaya napalingon ako. Sinalubong ako ng dalawa ng kani-kaniya nilang mga ngisi. Sigurado akong sila ang nanghipo sa akin. "Miss, ang sexy mo at ang ganda pa. Sumama ka na lang sa amin. Tutal, nag-iisa ka lang din naman. Kaming dalawa naman ay walang ka-table." sabi ng isang lalaki. "Oo, nga naman. Sa lugar na 'to hindi ka dapat nag-iinarte. Pinasok mo 'to kaya dapat nakikisama ka." dagdag pa ng isa. Medyo nainis ako sa sinabi ng mga ito pero pinilit kong maging kalmado. "Pasensya na, may hinihintay kasi ako." "Ang sungit mo naman. Gusto ka lang naman namin maka-table." sabi naman ng isa at itinaas sa ere ang bote. "Pasensya na ho talaga. Hindi talaga ako puwede. Iba na lang ang yayain niyo." "Ikaw nga ang gusto namin." Nanlaki ang mga mata ko ng biglang hawakan ng isa ang kamay ko. Habang ang isa naman ay hinawakan rin sa kabila. "Huwag ka na kasing maarte. Sasamahan mo lang naman kami sa table. Wala naman kaming gagawin. Kaya ka nga nandito para mag-enjoy 'di ba?" Bigla na lamang nila akong hinila kung saan kaya naman nagpupumiglas ako. "Bitawan niyo 'ko! A-ano ba?" Napalingon ako sa paligid. Nagdadasal na sana may makakita sa akin at sa mga lalaking ito. May nakakita nga pero balewala naman sa kanila. Ganito ba talaga ang lugar na 'to. "Serene, please nasaan ka na?" Naipikit ko ang aking mga mata. Patuloy pa rin akong hinihila ng dalawang lalaki hanggang sa makarating kami sa table. "Umupo ka, Miss!" madiing utos ng lalaki sa akin. "Ayoko." pagmamatigas ko. Napansin kong may isang lalaking papalapit sa puwesto namin ngunit tumigil ito sa isang table. Siya lang itong nag-iisa kaya naisip kong baka matulungan niya ako. Kaagad kong winakli ang mga kamay ng mga lalaking nakahawak sa akin at kaagad na tumakbo doon sa gwapong lalaki. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-raming tao dito, sa kaniya pa ako lumapit. Bunos na lang siguro sa napakagwapo niyang mukha at parang mas pagkakatiwalaan compared sa mga mukha ng ibang lalaki dito. Natigilan ito sa paglagok ng alak at napatingin sa akin. Nagtama ang aming mga paningin. Ngayon lang yata ako nakakita ng kasinggwapo ng lalaking ito. Mas gwapo pala siya sa malapitan. Para akong nakakita ng artista. Sa TV lang naman ako nakakakita ng ganito kagwapong nilalang. Bahala na. "Sir..." nagmakaawa ako rito. "T-tulungan mo 'ko. Y-yung dalawang lalaki pinipilit nila akong umupo sa kanilang table." turo ko sa dalawa na papalapit na sa amin. Tiningnan din naman niya ako mula ulo hanggang paa tsaka gumalaw ang kaniyang panga. Napatingin siya sa ibang direksyon kaya napatingin din ako doon. May dalawang lalaki doon na malalaki ang mga katawan. Sinenyasan niya lang ang mga ito tsaka ito gumalaw at nilapitan ang dalawang lalaking nambabastos sa akin. "You're safe now. Puwede ka ng umalis." malamig niyang tugon sa akin tsaka ito muling lumagok ng alak. Mas natitigan ko pa siya ngayon. Grabe, ang gwapo naman niya. May magaganda siyang mga mata na para bang nangungusap. Mukhang madami na siyang nainom. Napakatangos pa ng ilong niya at ang labi niya, napakaganda ng hugis nito. Napalunok na lamang ako ng dumapo sa kaniyang adams apple ang aking paningin. Sumabay rin sa paglunok ng kaniyang alak ang paglunok ko sa aking laway. Nadadala ako sa kaniya. "Miss?" "A-ahm!" napatikhim ako ng mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. "Baka may balak ka ng bitawan ang mga braso ko? Kung makapulupot ka sa akin para kang linta. Hindi mo naman ako kilala." masungit niyang sabi sa akin. Bigla tuloy nagbago ang pagtingin ko sa kaniya. "Those men are gone. My bodyguards already drove them away kaya puwede ba bitawan mo na?" tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Oh!" kaagad kong hinablot ang aking kamay "S-sorry." napangiwi ako. "G-gusto ko sanang magpasalamat. S-salamat dahil tinulungan mo 'ko." nakangiting sabi ko sa kaniya sa kabila ng mga pagsusungit niya. Kumunot ang noo niya tsaka gumalaw ang panga niya. "Alam mo ba kung bakit ka nababastos? Dahil diyan sa suot mo." sinuyod niya na naman ng tingin ang kabuuan ko. "Hindi mo naman pala gustong mabastos sa lugar na 'to bakit nagsuot ka pa ng ganiyan kaiksing skirt." Nagsalubong ang kaniyang makakapal na mga kilay. Napakasungit naman ng lalaking 'to. "Another thing, you should’ve known what could happen before you even came into a place like this. If you don’t want to be harassed, then maybe you shouldn’t have come here in the first place.” Natigilan ako. Napakasungit nga niya. Nagpasalamat lang naman ako pero ito pa ang napala ko. Ang dami na niyang sinabi. Kung hindi nga lang dahil kay Serene hindi ako papasok dito. Flashbacks Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine ang kapatid ko. Nasa pintuan na ako ng marinig ko ang boses ni Inay. Tuluyan na nga akong pumasok sa loob. Nagulat ako ng makitang nandito si Serene. "A-anong ginagawa mo dito, Serene?" kaagad na tanong ko nang mapalingon sila sa akin. "Anak, nariyan ka pala." bati ni Inay. "Kararating ko lang. Pupunta na sana ako sa bahay niyo ngunit naisip kong dalawin muna ang kapatid mo" sagot ni Serene. "Hay naku, anak. Itong kaibigan mo napakarami niyang dala. May mga prutas, pagkain at nagbigay pa ng pera para daw sa gastusin dito. Napakabait talaga nitong kaibigan mo." sabi ni Inay. "T-talaga...salamat, Serene." Nahihiya na ako sa mga pinagagawa ni Serene. "Basta't ikaw. Isa pa, hindi naman na kayo naiiba sa amin. Kaibigan ka ni Mama at parang magkapatid na rin naman ang turingan namin ni Mhari." sagot naman niya. "Kamusta anak? Nakahanap na ba ng pera ang itay mo para sa bills ng kapatid mo?" Bigla akong nalungkot. Napailing na lang. "Hindi pa po umuuwi si tatay." sagot ko dito. Simula pa kagabi ay hindi ko nakikita si itay sa bahay. "Jusko, nasaan na kaya ang tatay mo? Ang paalam niya manghihiram siya ng pera sa boss niya pero bakit wala pa?" halata sa mukha ni inay ang pag-aalala. "Huwag po kayong mag-alala, Ante. Ako na ho ang bahala sa bills ni Mervin." Sabay na napaawang ang labi namin ni Nanay. "Naku, nakakahiya na sa iyo Serene. Masyadong marami ka ng natutulong sa amin. Hindi ko na alam kung anong ibabayad ko o paano kita mababayaran." napakamot ng ulo si Inay. "Ayos lang ho 'yon, Ante." nakangiting sabi ni Serene. Dumukot ito sa hawak nitong purse bag. "Ito po, Ante." ibinigay niya ito kay Inay. Nanlaki ang mga mata ko sa kapal ng pera na hawak niya. "Naku, Serene hindi ko matatanggap ito." Nakahinga ako ng maluwag ng tanggihan ito ni Inay. "Huwag na ho kayong tumanggi, Ante." Hinawakan ni Serene ang kamay ng nanay ko tsaka ito tuluyang ibinigay. Napaawang na lamang ang aking labi. Kaagad kong nilapitan si Serene. Hinawakan ko ang kamay niya. "Puwede ba mag-usap tayo sa labas?" bulong ko dito "Yeah, sure." Tuluyan ko ng hinila si Serene palabas ng kwarto kung saan naka-confine ang kapatid ko. Nang makalabas ay napahinto ako. Hinarap ko siya. "Serene, napakalaki ng pera na 'yon. Hindi namin kaagad mababayaran 'yon." sabi ko dito. Napangiti naman ito "Tanggapin mo na kasi ang alok ko. Kapag tinanggap mo, hindi mo na babayaran pa 'yon. Magkakaroon ka pa ng bagong trabaho." Napaisip tuloy ako. Sa ginawa niya parang wala na akong karapatan tumanggi. "Napakahirap ng ipinapagawa mo sa 'kin, Serene." napabuntong hininga ako. "Ano bang gusto mo? Naghihirap ang pamilya mo o gagawin mo ang isang gabi na pinapagawa ko sa 'yo at magkakaroon ka pa ng trabaho after. Pumili ka, Mhari." Natigilan ako at napaisip na naman. "Pag-iisipan ko." "Basta't isipin mo yung sinabi ko, Mhari." Huminga akong malalim. Hindi ko talaga kaya ang pinapagawa ni Serene. Iniisip ko pa lang para na akong nilalamig. Makikipagsiping ako sa isang lalaking hindi ko kilala. Napaka-imposibleng magagawa ko 'yon. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Serene nagpaalam na rin ito na umalis. Uuwi din daw siya sa kanila para bisitahin ang mama niya. Habang ako ay nagpaalam na rin kay Inay na umuwi. Pagdating ko sa bahay, maingat kong inihakbang ang mga paa papasok sa loob. May naririnig kasi akong hagikhik ng isang babae. Siguro nagdala na naman ng babae si Kuya sa bahay. Ngunit pagdating ko sa maliit naming sala ay narinig kong hindi ito nanggaling sa kwarto ni Kuya kundi sa kwarto nila Inay at Itay. "Ano ba Fernando, nakikiliti naman ako diyan. Uuwi na ako baka biglang dumating ang pamilya mo noh!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Tatay at ang sinabi ng babae. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Ano ka ba, Sita wala dito ang asawa ko. Ang mga anak ko naman...wala dito. Siguro nga sa mga oras na ito nasa hospital si Mharimar." Napatakip ako ng bibig. Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Tatay ito kay Inay at ang masakit pa, si Aling Sita ang kabet ni Tatay. Kaibigan rin ni Nanay. Unti-unti akong humakbang palapit sa pintuan. Doon ko nakitang nakapatong si itay sa ibabaw ni Aling Sita. "Itay?" Sabay silang napalingon sa akin. Nagulat ng makita ako. Pareho silang napatayo mula sa kama. "A-anak, nariyan ka pala." "Itay, paano mo nagawa 'to? Paano mo nagawa 'to kay Nanay?" nanginig ang labi ko. "A-anak, m-magpapaliwanag ako." "Magpapaliwanag? Paano? Kitang-kita ko at narinig ko pa ang mga sinabi mo kay Aling Sita. Hindi ako makapaniwalang magagawa niyong lokohin si Inay at sa kaibigan niya pa." tumulo ng tuluyan ang aking mga luha. Ngayon pa lang naaawa na ako sa Nanay ko. Habang siya nasa hospital walang tulog sa pagbabantay sa kapatid ko pero ito si Tatay nakikipaglandian sa kaibigan ni nanay. "Ano ka ba, Fernando? Sabihin mo na sa kanila ang totoo." sambit naman ni Aling Sita. "A-anong totoo?" "Ang totoo, binenta na ng tatay mo sa akin itong bahay niyo. Kaya sa madaling salita. Sa akin na ang bahay na ito. Ngayon kung magmamatigas ka puwede na kayong lumayas ng ina at kapatid mo, hindi ba, Fernando?" ipinulupot ni Aling Sita ang mga braso sa bewang ng tatay ko. Napatakip na naman ako ng bibig. "Totoo ba 'Tay?" "A-anak..." "Totoo po ba?" napasigaw na ako sa galit. "O-oo." nakayukong sagot nito. Bumagsak ang mga balikat ko. Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala. Nagawa ni tatay sa amin ito. Ang buong akala ko pa naman siya na ang pinaka-perpektong tatay dito sa mundo pero hindi pala. Sa kabila pala ng kabaitang pinapakita niya sa amin may nakatago pala doon na lihim. Napailing-iling na lamang ako. "Paano mo nagawa sa amin ito, Tay? Habang nasa hospital ang kapatid ko at nagpupuyat si Nanay sa pagbabantay sa hospital nandito kayo nagpapakasarap." "Patawarin mo 'ko, nak." Sinubukan niya akong lapitan ngunit umatras ako. "Huwag kang lumapit sa 'kin. Hindi na ikaw yung tatay ko." pumiyok ng tuluyan ang boses ko. Sunod-sunod rin na pumatak ang mga luha ko. "Puwede ba, Fernando. Napag-usapan na natin 'to hindi ba? Paaalisin mo ang pamilya mo dito." muling nagsalita si Aling Sita. Nilingon naman siya ni Tatay. "Tumahimik ka muna, Sita!" "Bakit ako mananahimik? Sa akin na ang bahay na ito at ikaw sa akin na rin kaya dapat lang lumayas sila dito! Lumayas kayo!" nakapameywang na sigaw ni Aling Sita. Nagtungo ito sa kabinet at pinagtatanggal ang mga gamit ni Inay at itinapon sa sahig. "Anong ginagawa niyo?" "Tinatanggal ang mga gamit na walang kwenta dito sa bahay. Bibigyan kita ng trenta minutos para ligpitin ang mga gamit niyo. Dahil kung hindi mo magagawa 'yon ako na mismo ang magtatapon ng mga 'yan sa labas!" sigaw nito. "Napakawalang hiya niyo." "Walang hiya na kung walang hiya. Sa akin na ang bahay na ito kaya bakit ako mahihiya? Full paid na ang tatay mo kaya sa kaniya mo na lamang itanong kung nasaan ang pera para naman may panggastos kayo ng nanay mong walang kwenta." "Huwag mo pagsabihan ng ganiyan ang nanay ko!" napatayo ako at handa siyang sabunutan ngunit humarang sa aking harapan si Tatay. "Anak, umalis ka na. Ito ang pera. Tanggapin mo na. Ibigay mo sa nanay mo." Napaawang ang labi ko ng makita ang perang hawak ni Tatay. Sa inis ko ay winakli ko ito kaya nagkalat ito sa sahig. "Hindi ko kailangan ng pera niyo! Mahawa pa kami sa kakatihan ng kabet mo. Magsama kayo ng babae mo, Tay! Sana lang hindi niyo pagsisisihan 'to!" Sunod -sunod na tumulo ang aking mga luha. Awang-awa ako sa nanay ko. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD