Mharimar
Pagpasok ko sa isang area ay napalingon ang lahat sa akin.
Hindi ko makita ang office ng CEO. Naligaw pa yata ako sa laki ba naman ng building na ito.
Their eyes glued to me.
Ano bang gagawin ko? Mag-isip ka, Mharimar. Pinasok mo ang trabahong 'to kaya dapat lang maging matalino ka.
"Uhm!" tumikhim muna ako. "Excuse me,” mahina kong sabi.
May isang babaeng nakasalamin na biglang tumayo mula sa mesa at nilapitan ako. “Ikaw ba ang bagong assistant?” seryoso nitong tanong sa akin. Mabuti na lang nauna na siyang magtanong sa akin.
Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko o itatanong ko sa kanila. Para bang naging blanko ang lahat sa akin.
"A-ako nga po. Itatanong ko sana kung nasaan ang office ng CEO. Kanina pa kasi ako naliligaw." napayuko ako sa hiya.
"Ah, so ikaw pala ang kapalit ko,” sabi niya, napatitig tuloy ako sa kaniya. Medyo may edad na pala yung dating assistant.
“Kanina pa kita hinihintay. Halika, ituturo ko sa’yo kung saan ang office ni Mr. Jill."
Napabuga ako ng hanging at bahagyang ngumiti. “Salamat po. Akala ko kasi naligaw na naman ako,” biro ko. Medyo natawa siya sa sinabi ko.
"Sumunod ka na sa 'kin."
Nag-umpisa na nga siyang maglakad. Lumabas kami sa area na pinasukan ko at muling naglakad sa hall way.
Tahimik lang kaming naglalakad kaya rinig na rinig ko ang pagtambol ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung magagawa ko ba ng maayos itong pinasok kong trabaho. Wala akong alam sa pagiging assistant pero natanggap ako. Kaya himala talaga na nangyari 'yon.
Nandito na rin naman ako. Itutuloy ko na ito. Natanggap na ako, aatras pa ba ako? I'll try my best ika nga nila.
Huminto kami sa isang pintuang may nakasulat na...
“Mr. Sebastian Jill – Chief Executive Officer.”
Bumilog ang aking labi ng mabasa ang pangalan na 'yon.
Napalingon sa akin ang babae. Ako naman ay napatingin sa kaniya.
"Hindi nga pala ako nakapagpakilala sa 'yo. Ako ang dating assistant ni Mr. Jill. I'm Bonny Reyes." pakilala niya sa akin.
Bonny? Parang bun-i.
Bahagya akong natawa sa isip ko. Sa gitna ng kaba ko nagawa ko pa talagang magpatawa.
"Tawagin mo na lang akong Ms. Reyes."
"O-okay po, Ms. Reyes."
"Humanda ka na. Papasok na tayo sa loob. Ipapakilala muna kita kay Mr. Jill bago kita ihatid sa desk mo."
"S-sige po."
Kabado ako 101 percent.
"Relax ka lang. Mabait naman si Mr. Jill pero..."
Jusko! Bakit may pero pa?
"Huwag mong kalimutan, gusto niya ng maayos at tahimik sa paligid niya. Ayaw niya ng paulit-ulit." paalala niya.
"O-okay po."
Sinimulan na ngang katukin ni Ms. Reyes ang pinto. Habang ginagawa niya 'yon ako naman ito nagdadasal at pinapanalangin na sana mabait itong boss ko.
"Come in!"
Narinig kong sagot mula sa loob. Boses pa lang para bang nakakatakot na. Mas lalo pa tuloy akong kinabahan.
Binuksan ni Ms. Reyes ang pinto. Kaagad akong sinalubong ng lamig mula sa aircon. Maluwang ang opisina, napapalibutan rin ng salamin kaya tanaw ang siyudad mula dito. Iyon talaga ang una kong napansin hanggang sa mapako ang aking paningin sa gitna kung saan naroon nakaupo ang aking boss.
Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Hanggang sa mag-angat ito ng tingin.
Bumilog ang aking labi ng masilayan ang kaniyang mukha.
Napaatras akong bigla. May naalala akong hindi ko na dapat naaalala pa. Ang gabi kung kailan nawala ang p********e ko. Ang virginity kong iniingat-ingatan noon na kinuha ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Hinding-hindi ako puwedeng magkamali, siya 'yong kumuha ng virginity ko.
Hinding-hindi ko makalimutan ang gwapo niyang mukha. Nakaukit na yata 'yon sa isip ko.
Napayuko na lang ako. Baka kasi makilala niya ako.
Nag-angat na lamang ako ng tingin ng maramdaman kong may kumakalabit sa braso ko. Pagtingin ko, si Ms. Reyes iyon.
"Umayos ka. Bakit ka nakayuko diyan?" bulong niya sa akin. "Ahm!" tumikhim si Ms. Reyes. “Mr. Jill, siya po si Mharimar Buret, ang bago niyong personal assistant.” pakilala ni Ms Reyes sa akin.
Nagtama tuloy ang aming paningin. Hindi ko na alam kung paano babawiin ngayong napako na ang aking paningin sa gwapo niyang mukha. Ang tangos ng ilong niya, ang mga mata niyang matatalim kung tumingin. Magkasalubong rin ang makakapal niyang mga kilay. Ang kutis niya, namumula at makinis pa. Dinaig pa yata ang mukha ko sa kinis nito.
Ang mga titig niya para bang kakaiba. Nakilala niya kaya ako?
"Batiin mo si Mr. Jill." pabulong na sabi ni Ms. Reyes sa akin. Kaagad naman akong natauhan kaya kaagad bumuka ang aking bibig.
"G-good morning Mr. Jill." bati ko dito habang nakayuko pa rin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng boss ko.
"Iwanan mo muna kami, Ms. Reyes." utos nito. Kaagad akong napatingin kay Ms. Reyes tsaka umiling-iling. Ayaw kong maiwan dito mag-isa.
"S-sige po, Mr. Jill. Babalik na lamang po ako para ihatid si Ms. Buret sa desk niya." tuluyan na ngang nagpaalam si Ms. Reyes kaya kaagad akong napatikhim.
Kaming dalawa na lang dito sa loob ng office niya.
"How did you get your position, Ms. Buret?"
"Ho?" napatingin ako sa kaniya ng tuwid.
Teka, interview ba 'to? Mukhang dito pa yata ako mahihirapan.
"Ikaw yung walang modo na sumabay sa akin kanina sa elevator, tama ba?"
T-teka, siya ba 'yon? Naku, patay!
Kung siya 'yon baka dito na agad matatapos ang career ko. Baka hindi na ako makakapagsimula sa trabaho ko. Kung alam ko lang na siya 'yon sana hindi na ako sumagot-sagot pa kanina.
Pero teka? Hindi niya ba ako nakikilala? Mas mabuti ng hindi niya na matandaan na ako yung babaeng naka-one night stand niya. Dahil kapag nagkataon baka tuluyan na talaga akong ma-deads.
"Ms. Buret, I'm talking to you."
"Po, Sir?"
Ang lalim na pala ng mga naisip ko kaya hindi ko na siya narinig. Sino ba naman ang hindi mapapaisip ng malalim kung ganito ka strict ang kaharap ko ngayon.
"A-ano po ulit ang tanong niyo, Sir?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
“The discussion is over. You’re not the assistant I’m looking for, so you’re fired.”
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig.
"M-Mr. Jill..." para akong maiiyak. Ganoon na lang 'yon? Hindi pa ako nakakapagsimula tanggal na kaagad ako.
"Please, Mr. Jill hayaan niyo po na ipakita ko sa inyo na karapat-dapat akong maging assistant niyo. Gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko."
Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"It says here on your résumé that you didn’t finish high school. You also don’t have any experience as an assistant. So, what assurance do I have to hire you, Ms. Buret?"
"Determinasyon!" kaagad na sagot ko. "Mabilis naman po akong matuto. Bigyan niyo po ako ng mga ilang linggo, Mr. Jill." naiiyak kong sabi sa kaniya.
Kailangan ko 'to. Kapag tinanggal niya ako. Mahihirapan na naman akong maghanap ng ibang trabaho. Nandito na ako kaya makikiusap na ako sa kaniya.
"Promise, I will do my best." Itinaas ko nag aking isang kamay at nanumpa.
Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
I heard him sighed. “Well, since you’re already here, I’ll give you one week. Kapag hindi mo naayos ang trabaho mo, alam mo na kung saan ka pupulutin." paalala niya sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Thank you po, Sir. Thank you."
Tuwang-tuwa na pasalamat ko sa kaniya. Muntik pa nga akong makalapit sa kaniya sa sobrang tuwa.
Maya maya lang ay pumasok na rin si Ms. Reyes.
“Ms. Reyes, take her to her desk. Make sure to teach her what she needs to do.” utos ni Mr. Jill.
"Thank you po ulit, Sir." muli ay lumingon ako sa kaniya para magpasalamat ngunit hindi niya na ako pinansin o nginitian man lang.
Hinila na rin ako ng Ms. Reyes palabas ng office.
Pagkalabas namin sa opisina ni Mr. Jill, humugot ako ng malalim na buntong hininga. Pakiramdam ko, ngayon lang ako nakahinga ng maayos.
Tahimik kaming naglakad ni Ms. Reyes papunta sa aking office.
Wow! May sarili pala akong office.
Isang malinis at maaliwalas na lugar na may isang mesa, isang cabinet ng mga file, at glass wall na tanaw ang loob ng opisina ng CEO.
“Dito ang desk mo,” sabi ni Ms. Reyes. “Lahat ng pumupunta kay Mr. Jill dumadaan muna sa ‘yo. You’ll handle his schedule, calls, and documents. Walang makakapasok sa office ni Mr. Jill nang hindi mo alam.”
Tumango ako. "Paano kung may magpupumilit na pumasok?” tanong ko.
"Ikaw na ang bahala doon, Ms. Buret. Pilitin mong pigilan ito na hindi makapasok. Hangga't hindi sinasabi ni Mr. Jill hindi mo siya puwedeng papasukin, maliwanag ba?"
"O-opo, Ms. Reyes."
Napalingon ako sa glass wall, kitang-kita ko s sa loob ang aking boss, nakayuko habang seryosong nakaharap sa kaniyang computer.
Ang seryoso niya. Pero kahit na seryoso ang postura niya ngayon. Hindi pa rin maiaalis na sobrang gwapo niya sa posisyon niya ngayon.
"Matagal ka bang naging assistant ni Mr. Jill?” tanong ko.
"Three years." sagot niya.
"Matagal rin pala. Pero bakit kailangan niyong umalis? Mukha namang mabait sa inyo si Mr. Jill."
"Family problem, Ms. Buret."
"G-ganoon po ba. S-sorry po."
"It's okay. Halika, lumapit ka dito." turo niya sa desk ko. Binuksan niya ang computer. "Marunong ka ba gumamit nito?"
"M-medyo." sagot ko.
Minsan nakakapunta ako sa computer shop kaya medyo alam ko naman kung paano ito gamitin.
"Hindi puwedeng medyo lang. Araw-araw ito ang kaharap mo, Ms. Buret. Dito ka gagawa ng files na ipagagawa ni Mr. Jill sa 'yo kaya dapat ito ang pagtuunan mo ng pansin."
Napanguso ako.
"Well, two days pa akong nandito kasama mo. Kailangan muna kitang turuan sa lahat ng dapat mong gawin. Huwag kang mag-alala nasa staff area lang ako. Tumawag ka lang sa telepono at pupuntahan kaagad kita dito."
"Maraming salamat po, Ms. Reyes. Kung alam niyo lang kung gaano ako ka-kabado ngayon. Lalo pa at kanina gusto na kaagad akong tanggalin ni Mr. Jill."
"Sinusubukan ka lang niya siguro." nakangiting sabi ni Ms. Reyes.
Sa tingin ko, hindi 'yon subok lang. Totoo 'yon na gusto niya na akong tanggalin dahil nga sa ginawa ko kanina. Sinagot-sagot ko siya sa loob ng elevator. Hindi ko naman alam na siya pala ang boss ko.
"Iiwanan muna kita, Ms. Buret. Pagtuunan mo muna ng pansin ang computer at kapag may tumawag, sagutin mo. Karamihan na tumatawag sa telepono hinahanap si Mr. Jill kaya kapag ganoon. Puntahan mo sa office si Mr. Jill at itanong mo sa kaniya kung available ba siya at ipasa mo sa linya niya ang tawag. Naintindahan mo ba, Ms. Buret?"
"O-opo."
Napa-oo na lang ako kahit medyo hindi ko naintindihan. Pero bahala na. Kaya ko 'to.
Ano naman kaya ang gagawin ko dito?
Abala ako sa pagtitig sa screen ng computer ng bigla na lamang tumunog ang telepono na nasa tabi.
Bigla tuloy akong kinabahan. Ang sabi ni Ms. Reyes, karamihan daw na tumatawag ay hinahanap si Mr. Jill kaya for sure, si Mr. Jill ang hinahanap nito.
"Hello?" sagot ko sa linya. "Hinahanap niyo po ba si Mr. Jill?" tanong ko dito. Narinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya.
"It's me." tipid na sagot niya
"Its me? Its me po ba ang pangalan ninyo?"
"What the f**k? I said it’s me, your boss. Where exactly is your mind, Ms. Buret?"
"Ho?" nanlaki kaagad ang aking mga mata. Kaagad ko siyang sinilip sa office niya. Bahagya akong umatras para makita siya. Tama nga, siya itong nasa kabilang linya. Hawak niya kasi ang telepono.
Sinenyasan niya ako at pinandilatan ng mga mata kaya kaagad akong napaatras para magtago. "S-sorry, Mr. Jill hindi niyo po kasi kaagad sinabi. Akala ko pangalan niyo ay Its me. Pero bakit po ba kayo napatawag? Isang wall lang naman itong pagitan natin."
"Seriously? Tinatanong mo ako niyan? Baka nakakalimutan mo ako ang boss mo?"
"Ay, opo, hindi ko po nakalimutan. P-pero ano po ba ang kailangan niyo?"
"Make me a cup of black coffee. No sugar." maawtoridad niyang utos.
"Right away, Sir."
Iyon lang naman pala. Madaling gawain. Magaling ako diyan.