7 KATANGAH@N NI MS BURET

1551 Words
Mharimar's POV Napakamot na lang ako sa ulo pagkatapos kong maibaba ang telepono. Nakalimutan kong itanong sa kaniya kung saan ako gagawa ng coffee. Bahala na. Lumabas na muna ako para hanapin si Ms. Reyes. Bumalik ako doon sa area kung saan ko siya unang nakita. Napatayo siya ng makita ako. Kinawayan ko kasi ito. Nagmadali itong lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" halos pabulong na tanong niya sa akin. Napakamot ako ng ulo. "H-hindi ko kasi alam kung saan ako gagawa ng kape." "Kape? Iyon lang ba ang problema mo?" Napatango ako. "P-pasensya na. Wala kasi akong ibang mapagtanungan. Hindi ko naman kilala pa yung iba dito. Isa pa, para bang may kaniya-kaniya silang mundo. Ang seryoso at kung makatingin para bang may masama akong ginawa sa kanila." "Focus kasi sila sa kanilang trabaho kaya akala mo mga masungit ang tao dito. Halika, ituturo ko sa 'yo ang pantry." Sumunod na rin ako sa kaniya. Tahimik lamang kami na naglalakad sa hall way. Hanggang sa huminto si Ms Reyes sa paglalakad. "Iyon ang pantry." sabi ni Ms. Reyes sabay turo sa isang pinto sa kaliwa. “Kung gusto mong magtimpla ng kape o magpainit ng pagkain, dito ka lang pumunta. May iba't ibang pagkain pa sa loob na puwede mong e-serve kay Mr. Jill kapag gusto niyang kumain." "Salamat po, Ms. Reyes." "You're welcome. Pasensya ka na, Ms Buret, may aasikasuhin pa kasi akong resignation letter. Ngayon ko pa lang gagawin iyon dahil hindi ako pinayagan ni Mr. Jill na mag-resign kung wala pang kapalit. Kaya ngayong nandito ka na. Pinayagan niya na ako. Balikan na lang kita mamaya, okay?” Tumango na lamang ako. Umalis na siya kaagad, at naiwan akong mag-isa. Naglakad ako para tahakin ang pantry na sinasabi ni Ms Reyes. Binuksan ko kaagad ito. Pagpasok ko, bumungad ang amoy ng bagong timplang kape. Malawak ang pantry, may lamesang bilog sa gitna, refrigerator sa gilid, at may isang babae na nag-aayos ng mga baso sa counter. Nilapitan ko kaagad ito. "Ahm! Excuse me, Baguhan lang kasi ako dito. Magtitimpla sana ako ng kape.” Napalingon sa akin ang babae tsaka ito ngumiti. "Nandoon ang coffee maker." turo niya sa kabilang banda. "Salamat." Kaagad kong tinahak ang sinasabi niyang coffee maker. Pero teka? Paano ba gagawin 'to? Sa amin kasi mag-iinit lang ako ng tubig sa takure tapos maglalagay ng coffee sa mug tsaka lagyan ng mainit na tubig. Bahala na nga. "Miss, ito ang mug oh! Sariling mug 'to ni Mr Jill." ibinigay niya sa akin ang black mug na nakapangalan nga sa boss ko. Nag-umpisa na nga akong gumawa ng coffee. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako sa babae. Mabuti na lang naturuan niya ako sandali kung paano gamitin yung coffee maker kaya natuto na rin ako. Tinatahak ko na ngayon ang office ni Mr. Jill. Hanggang sa buksan ko ang pintuan ng opisina nito. Hindi na nga ako nag-abalang kumatok pa. Alam naman siguro niyang darating ako. Pagpasok ko sa opisina, nakaupo siya sa kaniyang swevil chair. As usual, abala siya sa mga papel na nasa kaniyang mesa. Hindi man lang siya tumingin nang pumasok ako, kaya’t inilapag ko na lang ang tasa sa gilid ng desk niya. "Here is your coffee, Sir." sabi ko dito. Bahagya siyang napaangat ng tingin. Nagsalubong tuloy ang aming mga paningin. Napalunok na lang ako ng matitigan ang kaniyang mukha. Biglang nag-flashback sa isip ko ang gabing may nangyari sa amin. Kaagad kong ibinaling sa iba ang aking paningin. "Hindi ka ba tinuruan kumatok muna sa pinto bago pumasok, Ms. Buret?" masungit na tanong niya sa akin. Napalingon ako sa pintuan tsaka muling bumaling sa kaniya na may ngiwi sa labi. "S-sorry po, nakalimutan kong—" Hindi ko natapos ang pagsasalita ng bigla niyang itinaas ang kamay niya sa ere. Pinapahinto niya ako sa pagsasalita. Kinuha niya ang coffee tsaka ito tinikman. Nagulat na lamang ako ng ibuga niya ito sa ere. Muntikan pa nga niya akong mabugahan. “What kind of coffee is this, Ms. Buret? Hindi mo nga nilagyan ng asukal pero nilagyan mo naman ng asin." "Ho?" Jusko! Baka naman asin yung nailagay ko. "S-sir, nilagyan ko lang po 'yan ng kaunting asukal para naman may lasa." "Bakit hindi mo tikman?" inis na sabi nito sa akin habang magkasalubong ang mga kilay. Ang sama na ng tingin niya. Baka mamaya ay tanggalin niya na ako ng tuluyan. Ibinigay niya sa akin ang coffee. "Tikman mo, Ms. Buret!" may diin na utos niya sa akin. Unti-unti ko itong inilapit sa bibig ko para tikman kung ano nga ba ang lasa. Ganoon na lamang ang pagpikit ko ng mariin ng malasahang maalat nga ito. "Ngayon alam mo na?" "Sorry po, Mr. Jill uulitin ko na lang po." "No, gusto kong ubusin mo lahat 'yan. Kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho mo bilang assistant ko. Ubusin mo at wala kang ititira. Naiintindihan mo ba ako, Ms. Buret? "P-pero, Sir—" "Alam mo ba kung anong pinagtataka ko? Paano ka natanggap bilang assistant ko?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Para bang nanliit ako sa aking sarili sa sinabi niya. "Even your looks don't meet the required appearance." Bahagya kong sinipat ang sarili sa glass wall. Oo, nga naman. Dahil dito sa hitsura at pananamit ko? Paano nga ba ako natanggap sa trabahong ito. Hindi ako nakaimik pa. "Get out, Ms. Buret. Naiirita ako kapag nakikita kita. Ngayon pa lang parang gusto na kitang tanggalin." inis na sabi niya sa akin at muli ngang naging abala na ulit sa ginagawa niya. Napayuko na lamang ako at napatitig sa coffee na hawak ko. Laglag ang mga balikat kong lumabas sa kaniyang opisina. Masakit magsalita ang boss ko. Walang preno ang bibig niya. Huminga akong malalim bago tuluyang tahakin ang aking desk. Sanay na rin naman ako sa masasakit ma salitang natatanggap ko kaya masasanay rin ako sa boss ko. Inilapag ko na lang ang mug at muli na naman itong tinitigan. Wala akong choice kundi inumin ang coffee kahit na maalat. Bakit ba kasi hindi ko napansing asin pala yon at hindi asukal? Kahit ang sama ng lasa pinilit ko na lang talagang ubusin. "Ms. Buret..." Napasinghap ako ng bigla na lamang magsalita sa aking harapan si Ms. Reyes. Nagulat pa kaya muntikan ko ng maibuga ang kape na iniinom ko. "Nagulat ba kita?" lumapit ito sa akin. "M-medyo." tipid na sagot ko. Napatingin siya sa hawak kong mug. "Oh? Bakit ikaw ang umiinom niyan? Hindi ba't kay Mr. Jill ang mug na 'yan?" "Pinainom niya sa 'kin. Nagkamali kasi ako ng pagtimpla ng coffee niya. Asin kasi yung nailagay ko sa halip na asukal." naiiyak kong sabi dito. Kaunti na lang ay tutulo na ang luha ko. Hindi dahil sa kalagayan ko ngayon kundi sa kapeng maalat na iniinom ko. Ang sama ng lasa. Napansin kong biglang natawa si Ms. Reyes "Ikaw naman kasi bakit mo pa nilagyan ng asukal?" "Gusto ko lang naman kasi magkaroon man lang ng lasa kahit kaunti. Ano naman kaya lasa nun kung walang asukal?" "Sinunod mo na lang dapat ang utos ni Mr. Jill. Hindi naman ikaw ang iinom kaya bakit mo ba pinoproblema kung anong lasa. E 'di ngayon ikaw na tuloy ang umiinom niyan. Literal na tinikman mo ang sarili mong katangahan, Ms. Buret." matatawang sabi ni Ms Reyes. ------ Natapos ang araw na halos sumakit ang ulo ko dahil sa daming itinuro ni Ms. Reyes sa akin. Lutang tuloy ako ngayong naglalakad pauwi sa aking apartment. Natigilan ako ng makitang may nakatayo sa pintuan ng aking apartment. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Lola 'yon. Nagmadali akong lapitan ito. "Lola?" Napalingon siya sa akin. "Mharimar." nakangiting sambit niya sa aking pangalan. "A-ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Gabi na." napatingin ako sa paligid. Madilim na pero nandito pa sa labas si Lola. "Hinintay talaga kita." "A-ako. B-bakit po?" hihintayin ko pa sana ang sagot niya ngunit tinalikuran ko na muna ito para buksan ang pintuan ng apartment ko. "Pumasok na po tayo sa loob, Lola." hinawakan ko ang kamay niya tsaka hinila papasok sa loob. "Pasensya na po hindi pa ako nakakapaglinis ng apartment ko. Maaga kasi ang pasok ko." "Sino ba nagsabing makalat itong apartment mo, iha." sinuyod ni Lola ng tingin ang kabuuan ng sala. "W-wala pa naman po." bahagya akong napangiti. Bigla kong naalalang si Lola nga pala ang dahilan kung bakit may trabaho na ako ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ito hinaplos. "Salamat po, Lola. Dahil sa inyo may trabaho na po ako." "Talaga, iha?" "Opo, kaso nga lang masungit yung boss ko. Pero ayos lang. Makakaya ko naman ipalabas sa kabilang tenga mga masasakit niyang salita sa 'kin." "Pinagalitan ka ba ng boss mo?" "Kanina po. Kasi yung coffee niya nilagyan ko ng asin." bahagya akong natawa at ganoon din si Lola. "Bakit mo naman nilagyan ng asin, iha?" "Akala ko po kasi white sugar." nagpatuloy ako sa pagtawa. Ganoon din naman ang matanda. "Alam niyo ba, Lola? Ang gwapo ng boss ko. Matangkad, mestiso at ang ganda rin ng katawan." kagat labing sabi ko habang nakatingala pa sa kisame. Kaagad ko naman sinampal ang sarili dahil sa mga lumabas sa bibig ko. Nakakahiya tuloy kay Lola. Napansin kong hindi na napawi ang ngiti sa labi ni Lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD