Nang dumating si Raven sa bahay nina Darcelle ay nakangiti ang dalagang sinalubong ito. May dalang regalo ang binata para sa kapatid niya at saka binati nito si Danette. May dala naman itong pumpon ng rosas para sa kanya. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Claude ay simpleng texts o tawag lang ang komunikasyon nila. Hindi man sila balik sa dating gawi ay parang ganoon na rin. She knew very well there was something off with him right now but she didn’t ask. Alam niyang sasabihin din nito yaon kapag gusto nito, maliban na lang sa mga sweet notes and gifts na ipinadala sa kanya. Nagtaka lang naman siya noong isang araw na nakita niyang sinundo na naman ni John si Sam sa opisina. Nakita man niyang naghalikan ang mga ito ay hindi niya sinabi iyon kay Claude. Na naman. Baka iyon nga kasi pag-

