Lohikal man ang pagpaliwanag ni Feliz kay Darcelle ay hindi pa rin siya matahimik at mapalagay. Kaya naman ay dumistansiya muna siya kay Claude kahit ilang mga araw lang para makapag-isip. Meron din naman siyang valid reason kung kaya’t pinagbigyan siya ng binata na laking pasasalamat niya. Hindi naman niya mapigilan ang ma-inspire at ang kiligin dahil pinapadalhan siya nito ng hamper baskets kada araw, kung hindi sa apartment niya ay sa opisina. Para na nga siyang bibigay at gustong makipagkita sa binata dahil na-mi-miss na niya ito. Sa halip ay ang picture na lang nito sa cell phone niya ang tinitingnan niya lalo na kapag nag-iisa siya. O ‘di kaya ay binabasa niya ang mga cards nitong ipinadala sa hamper baskets na inipon niya. Masarap kasing basahin at nagpapakilig sa kanya. “I have t

