“Saka na tayo mag-usap, meow. Okay lang ba?” pakiusap ni Darcelle nang maihatid na ni Claude ang dalaga sa apartment nito. Hindi lang pagod ang tingin niya rito kundi may iba pang dahilan. Konsensiya kaya dahil naniniwala pa rin itong hindi sila hiwalay ni Sam? Siguro nga ay mali ang hindi pagsabi niya pero kahit nais na niyang sabihin ay hindi naman siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita. Tumango na lang siya at hinalikan ito sa pisngi. “I’ll call you later, after going to church,” saad nito. “Ihahatid ba kita bukas sa simbahan n’yo?” Umiling ito. “Huwag mo na akong ihatid. Kasama ko naman si Raven. Naka-oo na ako, eh,” paliwanag nito. Kumulong bigla ang dugo niya nang marinig ang pangalan ng karibal. “Okay, if you say so.” Pilit niyang kumalma. “Hihintayin kita sa apartment mo b

