‘Ano ‘tong nagawa ko? Imbes na kakawala ako sa flirtationship namin napunta naman kami ngayon sa friends with benefits? Ano ba, Darce? Ba’t nag-level up nang gano’n? Kahit sinabi niyang mahal ka niya, si Sam pa rin ang girlfriend niya! Ang tanga mo talaga!’ pinagalitan ni Darcelle ang sarili. Nagmulat na siya ng mga mata at napatingin sa paligid ng silid ni Claude. Mag-isa lang siya roon. Oo, naalala nga niyang sinabi ni Claude na mahal siya nito habang nagromansa sila at parang hindi siya makapaniwalang marinig iyon. Pero paano na nga ba ang girlfriend nitong si Sam? Napasapo siya sa kanyang noo. Bumangon na siya at ngali-ngaling nagbihis. Parang hindi niya kayang makaharap ang binata ngayon pagkatapos ng nangyari. Pero bago pa man niya mabuksan ang pinto ay ang nakatapis na naman n

