“A-anong walang problema? Hindi lang isa ang problema natin, ano? Gusto ng mga magulang mong mayaman din ang mapapangasawa mo. Gusto nila ang Sabadista katulad n’yo. At hindi ako ‘yon. Hindi ako mayaman at hindi rin ako Sabadista,” punto niya rito. “Retired na ang ama ko bilang guwardiya, ta’s isang mekaniko lang ang kapatid kong lalaki. Nag-aaral pa ang bunso namin at ako ang nagpapaaral at ako rin ang bumubuhay sa kanila ng mga magulang ko. Alam mo ‘yon. Inuulit ko, hi—” Idinikit ng binata ang noo sa noo niya. Napakagat-labi itong nakatitig sa kanya nang husto at para itong nanggigigil. “Hippo, I don’t care. I really don’t care. Okay? I stopped caring what my parents wanted for me when I realized I wasn’t happy after all of those things that I tried out. Hindi mo man siguro ‘yon nakiki

