Alas nuebe nang umalis kami ni si Vince sa hotel. Hindi ko alam kung saan na naman kami ngayon pupunta pero malakas ang kutob kong medyo malayo-layo ang pupuntahan naming gayong pinasuot niya ako ng jacket. Dala ang kanyang digital camera ay mabilis niyang nilapitan ang isang mamang ngayon ay kakarating lang at hawak-hawak ang maliit na bangka nito. “May isla ba na malapit rito?” tanong ni Vince sa matandang lalaki dahilan para mapakunot ang aking noo. Hindi ko alam kung ano na naman itong trip niya. I look at his eyes. Mataman ko siyang tiningnan at inaabangan pa siyang ibaling ang paningin sa akin pero parang wala yata siyang planong tingnan ako. He’s sticking on his plan without even consulting me about it and it made me irritated. “Aalis tayo dito sa beach?” tanong ko. Hindi ko ala