Vince’s POV Wala akong imik habang minamaneho ang aking kotse. Ilang beses ko pa ngang ninakawan ng tingin si Jillian gamit ang rear view mirror nitong sasakyan pero kailanman ay hindi niya ako tiningnan pabalik. Nanatili lang itong nakatingin sa daan na alam kong malalim ang iniisip ko sadyang pagod lang. Iniwas ko ang aking paningin kay Jillian. Tanging bumabagabag sa aking isipan ay ang ginawa ni Daddy ngayon. I know he has actions on his words pero hindi ko inakalang magagawa niya sa akin ‘yon. Lalo na at kahit ilang beses isipin ay anak niya pa rin ako pero hindi ko alam kung bakit magagawa niya iyon sa akin. hindi ko alam kung bakit nagagawa niya akong pahirapan. “Iuuwi n akita,” I said in a low tone voice. Hindi ako bumaling ng tingin sa kay Jillian sa halip ay iniwasan