Kinabukasan ay maaga akong nagising at tulad ng nakagawian ay naligo rin ako nang maaga. I left Axel to our room saka ko hinayaang dumaloy ang maginaw na tubig sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga halik naming iyon ni Vince kahapon sa restaurant na iyon. Hindi ko dapat iyon binibig deal dahil sa limang taong hindi naming pagkikita ay tuluyan ko n asana siyang nalimot. Pero sa puntong iyon ay hindi ko alam kung bakit biglang bumalik ang mga pakiramdam ko limang taon na rin ang nakalipas. I didn’t expect that his kiss will still bring my body in shiver. Hindi ko inaasahang may epekto pa rin iyon sa aking katawan. Pero ang mas nagppapakaba sa akin ay nang malaman ni Vince ang tungkol kay Axel. Kilala ko si Vince. Hindi iyon