Vince’s POV Napaangat ako ng tingin. Lalo pa at naramdaman ko ang tagal ng takbo ng oras. Napatingin ako sa relos at doon ay kitang-kita ko na lagpas dalawang oras na ang nakalipas. Dapat sa mga oras na ito ay nandito na sila, eh. Dapat sa mga oras na ito ay dumating na sila para iligtas ako sa mga kamay ni Alexa ngunit hindi ko alam kung bakit hindi sila lumitaw sa aking harapan. Hindi pa rin nawala ang mga ngiti sa aking mga labi. Pinakita ko kay Alexa at kay Kal na hindi ako kailanman natakot sa ginawa nila. Pinakita ko sa harapan nila nakailanman ay hindi ako nasaktan at hindi nawawalan ng pag-asang makawala sa kanilang mga kamay. Napabaling ako kay Axel lalo pa at kapansi-pansing gusto na nitong makawala mula sa pagkakahwak ng dalawang lalaki na siyang pumalo sa akin kanina dahil