Jillian’s POV Hindi ako mapakali. Lalo pa at masama ang kutob ko sa gagawin ni Vince. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hanggang ring lang ang kanyang telepono. Ni isang beses ay hindi man lang niya ito dinampot o nagreply man lang sa mga text ko. Malakas ang kutob ko na may ginawa ito laban kay Alexa. Kilala ko si Vince, hindi ito mapakali at mapalagay hanggang sa masigurong ligtas ang taong pinangaganmba niya. Sana okay lang siya. Ano man ang mga binabalak niya ay sana walang masamang mangyari kay Vince. Hindi ko na alam kung paano pa ako lalaban kung pati si Vince ay mawala at malagay sa kapahamakan. Tama na. Tama na ang mga paghihirap na aking naranasan. Ayaw kong pati si Vince ay kunin rin nila. Sana sa mga oras na ito ay okay na ang lahat. Lalo pa at wala akong ti