Kinaumagahan ay nagising ako nang mapansin si Axel na ngayon ay marahang gumagalaw sa kama. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at nang tuluan ko na itong mabuksan ay huli nan ang makita ko siyang nakatingin na sa aking phone. Aagawin ko na sana ito lalo na nasa gallery ko siya at tinitingnan ang mga imaheng mayroon ako doon. “Axel,why are you awake this early,” tanong ko sa aking anak ngunit hindi niya ako pinansin sa halip ay mas inigihan niya pa ang papanuood ng mga imaheng nasa phone gallery ko. “You didn’t tell me that you and tito Vince are friends. I thought he’s bad but why are you two together in this picture?” kuryusidad ang namumuo sa boses ni Axel. Alam kong malaking tanong na naman ito at hindi ko alam kung ano at paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nakita niyang mga im