Jillian’s POV Natapos ang araw na wala kaming ibang ginawa kung hindi ang manood lang ng movies at kung hindi man ay matulog sa kuwarto. Si Vince ay panay ang pangungulit sa akin sa kung anong mga bagay at ako naman ay walang tigil sa pagsita niya. Sa kay Axel ko na minsan itinuon ang aking atengyon gayong masyadong nakakinis si Vince. Napatingin ako kay Vince nanag mapansin ang biglaang pananahimik nito sa aking tabi. Si Axel ay mahimbing nang natutulog ngayon sa aming tabi kaya hindi ko alam kung ano na naman itong nasa isipan niya para matutulala siya nang ganito. “May tao akong hindi pa nakikita o nakakausap muli,” bungad nito sa akin. Napakunot na lang ako ng aking noo. Hindi ko alam kung ano itong ibig niyang sabihin. Bigla na lang siyang dumako sa ideyang hindi ko nama