Jillian’s POV Pagkagising ko ay napakunot ako ng sarili kong noon ang maaninag kong nasa kuwarto ko na ako. Akala ko ay nasa guest room pa rin ako gayong doon na ako nakaidlip kagabi. Naibaling ko ang aking paningin pero laking gulat ko nang makitang ako na lang pala ang natitirang nakahiga sa kama na ito. Hindi ko na kailanman naaninag si Axel sa kuwartong ito at pati si Vince ay wala na rin sa aking paningin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Hinawi ko ang kumot na siyang bumabalot sa nakahubad kong katawan. Humarap ako sa salamin. Malayo ako sa salamin pero tanaw na tanaw ko ang mga marka ng halik ni Vince sa aking dibdib. Buti na lang ast hindi ganoon kalala ang mga mark ana inilagay niya sa aking leeg kayak kahit papaano ay hindi iyon klaro. Akmang tatayo na sana