CHAPTER 7

1071 Words
Chapter 7: The Personalities (3) STORM's P.O.V Pagkalabas ni Summer sa kwarto ni Chimeneya ay agad akong pumasok sa loob saka ko nakitang lumingon sakin si Chimeneya. "A-ano ring ginagawa mo dito?" sabi niya kaya sumimangot ako sa kanya saka naglakad papalapit sa kanya. "Dinalaw ka ng kambal ko kaya dadalawin din kita. Isa pa ayaw mo bang dalawin kita?" malungkot na sabi ko sa kanya pero nakita kong umiling siya. "H-hindi ah! Wala akong sinabing ganon." sabi niya kaya napa ngisi ako saka ko kumuha ng upuan saka ko umupo sa tapat nya. "A-ano namang pasabog mo?" biro sakin ni Chimeneya kaya na tawa ako. Inilapag ko sa kanya ang paper bag at nakita kong kunot-noo nyang binuksan yun. "Gummy bears? Anong gagawin ko dito?" sabi niya kaya ngumisi ako sa kanya saka ko kinuha ang gummy bears sa kanya. "Dahil ni lutuan mo ko ng pagkaing di ko makain dahil sa sobrang ka cute-an binilihan din kita nito. Pero wag mo kakainin ah, gusto ko itago mo ito para maalala mo ko." sabi ko kaya narinig kong na tawa sya saka napa hawak sa balikat ko. "Hahahah! Sira ka talaga Storm eh noh?" natatawa na turan nya kaya nag salubong ang kilay ko saka ko taka na tumingin sa kanya. "Ano na naman?" sabi ko pero di pa rin sya natigil sa pagtawa nya. "Gummy bears talaga, eh paborito kong kainin yan eh! Magbibigay ka ng pagkain para gawing souvinier, ibang klase ka talaga eh noh?" sabi niya kaya muli siyang na tawa sumimangot na ko saka akmang itatabi na yong gummy bears na nasa garapon ng agawin nya yun sakin. "Joke lang naman! Bilis magtampo amp!" sabi niya saka tinitigan ang gummy bears kaya napangiti ako at agad kong inilabas ang headband sa paper bag saka ko yun isinuot sa kanya saka ko umupo sa likuran nya saka tinirintas ang mahaba nyang buhok. "Anong ginagawa mo sa buhok ko Storm?" takang sabi ni Chimeneya pero tutok lang ako sa pagtitirintas ng buhok nya at ng matapos ako ay umupo ulit ako sa harapan nya saka ko ngumiti ng makita ko ang hitsura nya. "A-anong hala—marunong ka palang mag tirintas?!" gulat na turan nya ng makita niyang nakatirintas ang buhok nya. "Oo! Bagay pala sayo yong headband na binili ko eh." sabi ko sa kanya. Binili ko sya ng headband na tenga ng pusa kaya naman natatawa ko syang tiningnan. "Oh bakit? Bagay daw pero tinatawanan mo ko! Mamaya ampangit ko pala!" sabi niya kaya natatawang nailing iling ako. "Ang cute mo nga eh. May kamukha ka kaya." sabi ko sa kanya kaya nakita kong napangisi sya at mas lumapit sakin saka humawak sa magkabilang pisngi nya saka ipinungay ang mga mata nya. "Telege be? Sene kemekhe ke?" pagpapabebe nya kaya natawa ako sa inakto niya.  "Kamukha mo ang tarsier!" sabi ko sa kanya kaya nakita kong sumimangot siya. "Ang sama mo! Ang pangit naman non eh!" sabi niya kaya natatawa kong umiling-iling. "Luh! Ang cute cute ng tarsier kahit nakakapit sa puno eh! May isa ka pang kamukha." sabi ko sa kanya kaya naman napangisi syang lalo. "Ano naman?" sabi nya kaya nagisip ako kunwari saka ko nagsalita. "Kamukha mo yung kuting kaya lang dugyot hahaha!" sabi ko sa kanya kaya nagulat ako ng batukan niya ako. "Pano mo nasabing dugyot ako ha?!" inis na turan nya kaya lalo akong natawa. "E-eh diba kasi pag kumakain ka madungis ka? Oh, ibig sabihin nga dugyot ka hahaha!" sabi ko sa kanya pero ngumuso lang siya saka ko tinarayan kaya ang ginawa ko ay pinisil ko ang magkabilang pisngi nya saka ko pinagkuskos ang ilong naming dalawa saka mabilis na dinikit ang labi ko sa labi niya kaya hinampas nya ako sa braso. "Manyak!" sabi niya kaya na tawa ako sa kanya. Kinuha ko ng mabilis sa paper bag yong photo album namin nila Summer at Spring noong bata pa kami. "Wow! A-ano 'to?" manghang turan ni Chimeneya kaya napatitig ako sa kanya ng nakangiti. "Photo album naming tatlo. Pero ako lang ang meron saming tatlo dahil di naman sila mahilig magtago ng mga gamit." sabi ko sa kanya at nakita kong nagsimula na syang magbuklat ng pahina ng photo album hanggang sa mapa tigil sya at mapatitig sa picture naming tatlo na nakasuot kami ng jumper pants na walang damit na suot at tanging jumper lang at naka blue cap kami at lahat kami ay naka ngiwi ang mukha saka nakahawak sa tiyan kaya napa tingin ako kay Chimeneya ng makita kong matawa-tawa sya. "Iyan yong kuha sa amin ni Mommy noong busog kaming tatlo at biglang sinakitan ng tiyan si Spring kaya pati yong tiyan namin ni Summer biglang sumakit, actually nung umiyak na kaming tatlo hindi na nagtake si Mommy ng pictures dahil nahospital na kaming tatlo niyan." sabi ko sa kanya kaya nakita kong napaseryoso ang mukha niya. "Hala seryoso talaga kayong tatlo?" sabi niya kaya tumango ako at saka huminga ng malalim. "Imposible man sa iba pero posible sa aming tatlo. Noong mga bata pa kami ay sakitin na talaga si Spring kaya nga nagdoctor sya para incase na magkasakit sya maga-gamot nya sarili nya. Dahil ayaw nyang pati kami magkasakit dahil sa kanya." sabi ko kaya napatango-tango nalang si Kianna saka muling nagbuklat ng mga pahina ng mahinto siya sa isang larawan kung saan eighteen na kaming tatlo at kasama namin si Safiya sa araw ng first wedding namin, nakagown si Safiya doon at malaki ang ngiti sa labi. "She's Safiya, our first wife and our first love." sabi ko sa kanya at nakita kong parang may lungkot na dumaan sa mga mata nya. Kaya hinawakan ko ang mga kamay niya. "Sya ang unang babaeng minahal namin pero niloko lang kami dahil kahit na minahal nya kami nagawa nya kaming pag nakawan ng dahil sa pera at iwanan sa kagustuhan ng ama nya kaya nahirapan kaming kalimutan sya dahil sya ang unang babaeng nagmahal sa aming tatlo." sabi ko sa kanya at nakita kong lumabas na ng tuluyang ang kalungkutan sa mata nya kaya hinalikan ko ang mga palad nya saka ko sya tinitigan. "Alam kong di magtatagal ay may posibilidad na mahalin mo ang isa sa amin pero Chimeneya, hangga't kaya mo sana matuto kang mahalin kaming tatlo dahil kahit gaano mo kamahal ang isa sa amin hindi ka namin ipaglalaban dahil nasanay kami na kung anong meron ang isa ay meron ang lahat kaya sana maintindihan mo ang sitwasyon namin." sabi ko sa kanya saka ko nakita ang pagtulo ng luha niya kaya mabilis kong pinunasan yun gamit ng hinlalaki ko saka sya niyakap. --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD