CHAPTER 6

1018 Words
Chapter 6: The Personalities (2) SUMMER's P.O.V Nang matapos kong maghugas ng pinggan ay naisipan kong kunin ang aso ko na shitzu sa bakuran dahil nasa dog house sya. Nawawala kasi ang lungkot ko kapag nila-laro ko ang aso ko.  "Baby..." tawag ko sa aso ko kaya lumabas ito sa dog house ng mapansin kong natutulog ang ilang tuta niya. Oo babae si Baby. Kinuha ko ang kulay brown and white na Shitzu saka ko ito inilagay sa maliit na kulungan saka ko umakyat sa kwarto ni Chimeneya at napansin kong natutulog na sya kaya naman bumaba muna ako para mag aral gumawa ng graham balls at matapos kong gumawa ay saka ko niligpit ang kalat ko saka ko inilagay sa box yong graham balls saka ko umakyat sa kwarto ni Chimeneya ng makita kong nanonood sya sa phone nya. Dahan-dahan akong lumapit at saka umupo sa tabi nya ng di napapansin. "Watching porn?" bulong ko sa tenga nya kaya nakita kong napa atras sya ng makitang nakaupo ako sa tabi niya. Nakita kong natawa sya saka itinago ang phone nya. "Di ko alam na mahilig ka pala sa porn." seryosong turan ko kaya nakita ko na naman ang malanding titig nya. "Shemmer eneng genegewe me dete?" sabi niya kaya napangiwi ako sa itsura nya. "Masakit ba ang panga mo tumabingi yata eh." sabi ko sakanya kaya nagulat ako ng hampasin nya ko ng mahina sa braso ko. "Adik, nagpapabebe kasi ako ang slow mo talaga!" dismayado na turan nya kaya naka angat ang gilid ng labi ko saka ko inabot sa kanya yung box. "Ayan oh!" sabi ko sa kanya. Nakita ko namang napatitig sya sa loob non. "Graham balls?" sabi niya kaya ngumiti ako saka tumango. "Kumain kana." sabi ko sa kanya at sumubo naman sya at napa tango-tango sya. "Masarap?" nakangiting turan ko at nakita kong napaisip siya saglit. "Masarap naman." sabi niya kaya napasimangot ako. "Bakit di ka sigurado?" seryosong tanong ko sa kanya nakita ko naman na lumapit siya sa akin. "Eh ako ba? Megende be ke Shemmer?" sabi niya sakin kaya umakto akong nag iisip kunwari saka ko tumingin sa likuran nya. "Ano yun?" tanong ko saka ko lumapit ng konti sa kanya ng lumingon sya sa likuran nya. "Ang alin?" sabi niya saka humarap sakin kaya sumakto ang labi niya sa labi ko at na halikan ko sya pagharap niya dahil sobrang lapit ng mukha ko sa kanya kaya naramdaman kong hinampas nya ako. "Chansing ka!" sabi niya kaya na tawa ako sa sinabi niya saka ko siningit ang buhok nya sa likod ng tenga nya. "Maganda ka naman..." sabi ko sa kanya nakita ko namang napanguso sya kaya natawa ko ng mahina. "Bakit may naman?" nakasimangot na turan nya kaya naman tumitig ako sa kanya. "Maganda ka kaya lang nagkulang ka sa dibdib." pang-ookray ko sa kanya kaya binatukan nya ako. "Pag ako talaga nagkaboobs who you kayo." sabi niya kaya natatawa na napailing-iling ako. Kinuha ko mula sa ilalim ng kama yong shitzu na tuta saka ko hinarap sa kanya. "Dyaran! Anak yan ni Baby yung alaga kong aso, di ko alam kung mahilig ka sa hayop pero sana nagustuhan mo." sabi ko sa kanya kaya nakita ko ang pagkamangha sa mga mata nya ng ilabas nya yong tuta sa kulungan. "Wow! Ang cute cute nya! M-may pangalan na sya?" sabi niya kaya umiling ako nakita kong namang hinimas-himas nya ito sa balahibo saka nya ito hinawakan sa paa para patayuin. "Ikaw na si Chichi ah?" sabi niya rito kaya napangiti ako. Masasabi kong iba talaga sya sa mga napangasawa namin dahil kung weirdo kami baliw naman ang isang 'to kaya siguro na kakayanan nyang i-handle ang ugali naming tatlo. "Bakit mo nga pala sya binibigay sakin?" tanong nya kaya naman huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Pets is my stress reliver. Alam ko kasing masama pa rin ang pakiramdam mo kaya naman naisipan kita bigyan ng alaga." sabi ko sa kanya kaya nakita ko na tumango sya saka niyakap si Chichi. "Salamat Shemmer... Actually pumunta din si Spring kanina dito at pinakain ako ng cupcake. Alam mo bang di ko ineexpect na kapag nagkasakit ako aalagaan nyo ko ng ganito?" sabi niya kaya naman nakaramdam ako ng lungkot. "Hindi naman kami masama gaya ng iniisip mo. Nahirapan lang talaga kaming magtiwala sa mga babae. But still we care because we are your husbands and our responsibility is to take care of you when you're sick." sabi ko sa kanya kaya tumango sya. Hinila ko sya palapit sakin saka ko siya niyakap. "I'm sorry if you're having a hard time being our wife." sabi ko sa kanya. Naramdaman ko namang niyakap nya ako pabalik. "Alam mo sanay na ako sa lalaki. Maski ako walang tiwala sa lalaki eh so quits dahil retired playgirl kaya yung asawa nyo tsktsk." sabi niya kaya napangisi ako sa kanya. "Pero wag ka pa rin mag assume, wala ka pa din sa standards namin." sabi ko sa kanya saka ko bumitiw sa yakap saka ko tumawa ng mapansin kong seryoso syang nakatingin sakin. "Paano nyo na kayang mag share sa isang bagay? Never ba kayong nag away na tatlo?" sabi niya kaya naman napa seryoso ako. "We never fight. Magkakasundo kami lagi sa iisang bagay, kahit pa na may iba kaming gusto gagawa kami ng desisyon na mas makakabuti sa aming tatlo kapag may isang may ayaw lahat kami ayaw na din kapag may isang nasasaktan lahat kami masasaktan. Hindi kami tulad ng ibang kambal dahil kaming tatlo konektado sa isa, kaya kami nag-aasawa sa iisang babae dahil kung sinong gusto ng isa gusto ng lahat. Mahirap man ipaliwanag pero sana matuto kang tanggapin na hindi ka pwedeng tumuon sa iisang tao dahil kailangan naming tatlo ng atensyon. May mahal man kami pero mas mahal namin ang pagiging magkapatid naming tatlo." sabi ko sa kanya kaya nakita kong napangiti sya. "Salamat sa pagtitiwala at pagsasabi sakin nyan Shemmer este Summer." sabi niya kaya naman napangiti na din ako. Saka siya hinalikan sa noo bago ko lumabas ng kwarto ni Chimeneya ng makita kong nasa labas si Storm at may hawak na paper bag. "Bibisitahin mo din sya?" nakangiti na turan ko kay Storm tumango naman sya saka sumenyas na wag akong maingay kaya bumaba nalang ako sa sala. --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD