Pagdating ko sa floor kung saan nakaratay ang anak ko nabigla ako ng makita si papa si kuya at si mayora? na parang may seryoso silang pinaguusapan. Anong ginagawa niya dito? "Mama!" sigaw ni ricco at tumakbo palapit sakin kaya niyakap ko siya at nginitian kaya nabaling ang attention nilang tatlo sakin. Sabay kaming naglakad ni ricco palapit sa kanila at napansin ko si jessa sa may tabi. "Jes pakipasok naman si ricco sa loob" pakiusap ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako at ngumiti sakin atsaka niya kinuha sakin si ricco at pumasok sila sa loob. Napabuntong hininga ako at tuluyan nakong lumapit sa kanila. "Papa! Kuya!" Bati ko sa kanila at niyakap sila bago ako bumaling kay mayora na mangiyak ngiyak sa harapan ko. "Mayora ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanya pero imbis