Nagising ako ng may bumuhos sakin ng tubig kaya unti unti akong dumilat hanggang sa napabalikwas ako ng bangon pero nasaktan din ako dahil nakatali ang mga kamay at paa ko. Nasan ako? Ang mga anak ko?! Nasan sila?! Gumalaw galaw ako pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sakin "Kahit anong gawin mo hinding hindi mo yan matatanggal" Natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses. "Dito kana mamamatay sierra dapat noon pa eh kaso pakialamera masyado si siarra tsk. Mabuti na lang patay na siya" tapos humalakhak ang nagsalita nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita. "S-Sino k-ka?! I-Ikaw ba yan elaine?! Pakawalan mo ako dito!" Sigaw ko at nagpupumiglas ako sa pagkakatali sakin. "Oh dear sierra, hindi kana makakawala unless patay kana" at humalakhak siya ng humalak