"Mama.." Niyuko ko si ricco na nakahiga sa kandungan ko. "Hmm.." sagot ko sa kanya at hinaplos ko ang buhok niya. Hindi ko alam kung ilang araw na ba kaming nandito. Hindi ko alam kung maililigtas ko pa ba si ricca. Ang hina hina ko! Hanggang ngayon duwag parin ako! Hindi ko parin sila magawang protektahan! Nangako ako sa sarili ko na poprotektahan ko sila pero heto ako't nakatanga lang sa tabi at umaasa na may dadating na ang tutulong! Habang tumatagal, mas lalo akong pinanghihinaan ng loob Habang tumatagal mas lalong napapahamak si ricca Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Gusto kong saktan ang sarili ko para magising ako! Hindi nako matahimik! "Dadating na po ba sila papa?" tanong niya sakin. Napayuko ako lalo at hindi ako makasagot. Hindi ko alam anak dahil mis