Pain - 5

1096 Words
"NABABALIW KANA BA?!" Napaiwas ako sa sigaw ni gaile sakin. Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa malayo. "Kahit sa huling pagkakataon gaile gusto kong masilayan ang asawa ko" mahinahon na sambit ko sa kanya. Simula kasi nung nakarating kami ng italy wala ng tigil ang bunganga niya kakasermon sakin. Naiintindihan ko ang galit niya pero sana pagbigyan niya ako kasi yun lang din ang kaligayahan ko. Nandito kami sa isang hotel sa italy, si gaile ang gumastos ng lahat kahit may inis parin siya. Hindi ko rin kasi nadala yung mga naipon kong pera dahil na hospital nga ako. "Kapag nakita mo na siya ano?! Masasaktan ka nanaman?! Ano ba sierra! Isipin mo naman ang sarili mo pati na ang baby mo!" Inis na sambit niya sakin. Napahawak naman ako sa medyo umbok ko na tiyan at mapait na napangiti. "Sa huling pagkakataon gaile. Pagbigyan mo na ako alam ko yun din ang nais ng anak ko.." Dahil kahit sa huling pagkakataon, gusto ko parin makita ang asawa ko na masaya kasama ang taong mahal niya. Ilang araw namin hinanap kung saan tumutuloy si elaine dito at sa isang village siya nakatira. May isa kaming napagtanungan na kakilala niya. At ang sabi sa amin may asawa daw si elaine na gwapo at mayaman. Hindi ko na lang sinabi na 'ako ang asawa ng kasama niya' pero hindi ko na tinuloy dahil wala na ring saysay pa yon dahil maghihiwalay na rin naman kami. "Bes ready kana ba?" Napalingon ako sa kanya at ngumiti. "Oo naman. Makita ko lang siya masaya nako" Tumango sakin si gaile at hindi na nagsalita pa. Alam ko kasing nagaalala siya sa akin. Alam niya kasi kung gaano ko kamahal si rocco mula noon hanggang ngayon at alam niya rin kung gaano ako nangungulila sa kakambal ko. At ang naging buhay ko kasama ang pamilya ko. "Nandito na tayo.." Napatingin ako sa hindi kalayuan na bahay hindi man siya malaki pero mahahalata mong purong pagmamahal ang nakatira. Huminga ako ng malalim at bumaba na. "Bes! Ano ka ba baka makita ka dyan" habol sakin ni gaile. Ngumiti lang ako at sumenyas na okay lang ako. Nagpunta ako sa tapat ng puno ng bahay ni elaine na may kalakihan at doon ako nagtago, naglagay ako ng mask at nagsuot ako ng jacket para hindi ako makilala. Ilang minuto pa ang itinayo ko hanggang sa may lumabas na bata sa bahay na yun lumakas ang t***k ng puso ko ng masilayan ko yung bata. Iba ang kaba ng puso ko nang makita ko siya hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa bata. "Rucco!" Mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang boses na yun. Ang boses ng nagpapaganda sa pandinig ko. "Im here dad!" Sumilip ako ng kaunti at doon na tuluyang tumalon ang puso ko ng masilayan ko muli ang mukha ng taong pinakamamahal ko. Napangiti ako kasabay ng pagluha ko, at ang pagdurog ng puso ko ng makita kung gaano siya kasaya kalaro ang anak niya. Napahawak ako sa tyan ko at bahagyang hinimas ito. "Baby nakikita mo ba ang daddy mo? Ang gwapo niya ano? Ngayon ko lang nakita ang totoong ngiti niya. Mahal na Mahal ko yan baby at sana pagdating ng araw wag kang magtatanim ng galit sa daddy mo dahil wala siyang kasalanan sa nangyari satin.." Bulong ko at pinunasan ko ang mga luha ko. Nakangiti lang ako habang pinapanood ko ang mag-ama na naglalaro sa may labas ng bahay nila. Magiging ganyan ka rin kaya kasaya rocco kapag malalaman mong magkakaanak na tayo? Makikita ko rin ba ang bawat luha at ngiti mo kapag nasilayan mo ang anak natin? Sana Sana hindi ko na lang nalaman ang lahat Sana kahit kasinungalingan lang ang lahat satin Babalewalain ko wag ka lang mawawala sa tabi ko Pero kasi hindi ako selfish na tao rocco.. Kaya kong magsakripisyo para sa ikaliligaya ng taong mahal ko. Nawala ang ngiti ko ng makita ko na ang babaeng mahal ng asawa ko. "Babe! Anak! Nandyan lang pala kayo! Halina kakain na tayo.." Napakaganda niya talaga. Para siyang anghel sa labas pero demonyo kapag wala si rocco sa harap niya. Napakuyom ang mga kamao ko ng maalala kung bakit nagalit si rocco sakin nung college kami. Dahil yun sa kanya Dahil yun sa pagpapaawa niya At kung bakit napilitan akong magpunta ng bar kasama si siarra at yung araw na yon kung saan namatay ang kakambal ko. Akala ko mabait siya pero puro lang pala ako akala, kasi ang hindi ko alam na mas masahol pa pala ang ugali niya sa hayop. "What a wonderful family.." Napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang boses ni gaile sa gilid ko. "That b***h!" Gigil na sambit ni gaile.. Hindi ko siya masisisi kasi alam niya ang ugali ni elaine una palang. "Hanggang ngayon muka parin siyang pera! At ito namang si rocco at talagang binuntis pa niya ha!" "Gaile.." "No bes! Dapat sinusugod ang babaeng yon! Pumayag na maging kabit para hindi mawala si rocco?! I swear mapapatay ko yan!" "Gaile please.." "No! You listen! Ano ba sierra! Nasasaktan kana pinagpapatuloy mo pa! Hindi ko alam kung tatanga tanga ka o tanga ka talaga! Matalino kang tao sierra! Kaya alam mo kung kailan ka titigil! Isipin mo naman ang sarili mo kaysa sa gago mong asawa! Harap harapan ka na niyang niloloko!" Sigaw niya sakin. Napayuko naman ako at tuluyan nakong napahagulgol dahil lahat ng sinabi niya tama pero kasi.. "Gaile kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para lang maging masaya siya hindi ba?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Yun ang ibinigay ko sa kanya Okay na ako ang masaktan kaysa siya pa kasi ako buong buhay ko walang nagmahal sakin maliban sainyo ni kuya at nang kakambal ko si rocco rin nagbigay ng lakas sakin para magpatuloy sa buhay kaya kahit nasasaktan nako tinitiis ko kasi mahal ko siya.." Lumambot naman ang muka niya at napapailing sakin. "Pero bes maling mali tong ginagawa mo eh mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.." Mahinahong sambit niya. Umayos ako ng tayo at inalis ko ang mask ko "Hayaan mo muna akong masaktan bes hanggat kaya ko pa titiisin ko.." PNginitian ko siya at tinapik sa balikat niya. "Umuwi muna tayo sa hotel gusto ko na rin munang magpahinga.." Nginitian ko siya bago ako sumakay sa sasakyan niya. Napasandal na lang ako at napapikit.. Habang nandito pako sa italy sisilayan ko araw araw ang asawa ko. Kahit sa huling sandali. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD