Pain - 6

2240 Words
A/n: WARNING! MAGHANDA NG TISSUE BAGO NIYO BASAHIN NG BUO! THANK YOU. Isang buwan na kaming nandito sa italy at halos ganun lang ang routine ko araw araw ng pananatili namin dito. Araw araw kong pinupuntahan si rocco at halos araw araw ko rin siyang sinusundan para lang malaman ko kung ligtas ba siya sa mga pupuntahan niya. At araw araw rin ang panay na sermon sakin ni gaile dahil alam ko namang naiinis na talaga siya sakin, kasi nung isang linggo pa niya akong inaaya na umuwi kami ng pinas pero hindi ako pumayag kasi alam ko na rin naman na ito na ang huli pagkatapos ng araw na to ay ang pagtatapos ng relasyon namin ni rocco. May nakausap na rin na abogado si gaile para sa aayos ng annulment paper namin ni rocco. Ang naging college friend namin ni gaile noon at nabawi rin ni gaile ang ipapadala ko dapat na sulat kay rocco noon kay mr.cruz laking pasalamat ko talaga na sa wakas makakarating ang huling liham ko sa kanya. "Oh Saan ka pupunta?" Bungad sakin ni gaile pagkalabas ko ng kwarto ngumiti lang ako sa kanya. "Sierra naman! Enough na please? Enough na" nagmamakaawang sambit sakin ni gaile. Nginitian ko lang siya. "Ito na ang huli gaile dahil pagkatapos ng araw na to ay ang pagtatapos ng relasyon namin ni rocco.." mahinong sambit ko sa kanya. Napapailing na lang siya sakin kaya tumawa lang ako ng mahina at niyakap siya. "Maraming salamat gaile sa lahat lahat" Bulong ko sa kanya at kumalas nako sa kanya. "Bes naman eh! Nakakainis ka!" nakangusong sambit niya pero hindi kalaunan sabay kaming natawa sa isa't-isa. Isa lang masasabi ko na si Gaile ang pinaka best sakin na kaibigan siya yung karamay ko sa lahat ng bagay, kahit minsan naiinis o nagagalit na siya sakin pero kahit na kailan hindi niya ako iniwan. Simula nung nawala ang kakambal ko siya na yung tao dumamay sakin mula noon hanggang ngayon kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa kaniya. Napangiti ako at napatingin sa ulap 'Twinnie. Masaya ka ba sa nakikita mo ngayon? Gaya ng sinabi mo magpapakatatag ako, maging matapang ako mahal na mahal kita and i miss you my one and only twinnie hinding hindi ka mapapalitan sa puso ko..' Napapikit ako at dinama ang malakas na hangin na yumayakap sakin at pinupunasan ang mga luha ko na kanina pa pala tumutulo. Nakangiti kong dinama at niyakap ko ang sarili ko. "Twinnie..." bulong ko at napatingala akong muli sa ulap, nakita ko ang kakambal ko na nakangiti sakin bago tuluyang naglaho. Huminga ako ng malalim at ngumiti na rin ng may buong galak. "Bes! Tara na!" Tawag sakin ni gaile. Ngumiti lang ako at marahan na tumakbo papunta sa sasakyan niya. Ito na ang huling pagkakataon ko na masisilayan kong muli si rocco. Pagkarating namin sa village agad din akong bumaba at nagpunta sa dati kong pwesto kung saan ko sinisilayan ang asawa ko. Nakatingin lang ako sa bahay ni elaine at kinabisado ang bawat anggulo nito. Napadako ang tingin ko sa bintana sa taas at natigilan ako ng makita ko ang dalawang tao na naghahalikan. Ang asawa ko at ang mahal niya. Na para bang sabik na sabik sila sa isa't-isa na parang ayaw nilang bitawan ang isa't-isa. "S-Sierra.." nagaalalang tawag ni gaile sakin napapikit ako at sinenyasan siyang ayos lang ako na hindi na dapat siya magalala sa akin. "Hintayin na lang kita sa kotse.." tumango lang ako sa kanya at narinig ko na lang ang yabag niyang papalayo Bumalik ulit ang tingin ko sa kanila at saka mapait na ngumiti At napahawak ako sa dibdib ko Sumisikip at unti unti akong nilalamon sa sakit Akala ko makakaya ko na Akala ko matatanggap ko na Hindi pa pala Napakapit ako sa puno at halos indahin ko ang sakit sa dibdib ko, pinipilit kong huminahon dahil ayokong magalala sa akin si gaile. "Kayanin mo sierra matatag ka.." bulong ko sa sarili at sumandal ako sa puno. Ilang beses din na huminga ng malalim. Nang guminhawa ang pakiramdam ko umayos ulit ako ng tayo at inayos ang jacket na suot ko at saka ako muling napatingin sa bintana, mapait akong ngumiti. 'Sana maging masaya kana rocco. Pinapalaya na kita..' Habang nakatanaw ako sa kanila ganon na lang gulat ko ng napunta sa gawi ko ang tingin ni rocco kaya natigilan siya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Hindi ko alam! Habang nagkakatitigan kami halos matunaw naman ang puso ko hindi ko alam kung paano ko siya natititigan ng matagal. May binulong siya sa babae at biglang umalis ito sa harapan niya, huminga ako ng malalim dahil lumalakas ang pintig ng puso ko. Bigla na lang siya nawala sa paningin ko at narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan ng bahay nila at nang makita ko siyang nakatitig parin sa gawi ko. Napasandal ako sa puno at bahagyang umatras para hindi niya ako tuluyang makita. At ganun na lang din ang pasasalamat ko ng makitang pumasok muli siya sa bahay kaya nakahinga ako ng maluwag Muli akong sumulyap sa bahay at ganun na lang manlaki ang mga mata ko ng makitang nakasilip siya sa bintana at seryosong nakatingin dito Napakuyom ako ng kamao at napayuko na lang. 'Ito na ang huli sierra dahil alam mong hindi na kayo muli pang magkikita' Paalala ko sa sarili ko. Kaya ilang beses pa akong nanatiling nakayuko hanggang sa nagpasya nakong tanggalin ang mask ko at ibinaba ko ang hood ng jacket ko at saka ako nag angat ng tingin sa kaniya. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago manlaki ang mga mata niya at nanigas sa kinatatayuan niya at hindi malaman kung ano ang gagawin niya pero ngumiti lang ako sa kaniya at kumaway. "Paalam mahal ko.." mahinang sambit ko habang lumuluhang nakatingin sa kaniya. Bago akong mabilis na umalis sa kinatatayuan ko at marahan na tumakbo papunta sa sasakyan ni gaile at dali dali akong sumakay ng makitang hahabulin niya ako. Hindi na nagtanong si gaile at dali dali niyang pinaharurot ito palayo Palayo sa mahal ko. Nakita ko sa sidemirror na sinuntok ni rocco ang puno kung saan ako nakatayo kanina. Sana wag siyang magalit sa sarili niya, dahil wala siyang kasalanan. Napapikit na lang ako at napasandal na lang. Paalam mahal ko. Sana maging masaya ka na ngayong pinalaya na kita. Tulala lang akong nakaupo dito sa eroplano pauwi ng pinas, hanggang ngayon iniisip ko parin ang mga nangyari kanina. Gusto kong isipin niya na namamalikmata lang siya at nagkakamali lang siya ng nakita Ayoko ng makigulo pa sa masayang buhay ni rocco kasama ang babaeng mahal niya Ayoko rin na isipin niyang may kasalanan siya, ayokong magsisisi siya sa mga nagawa niya dahil ako, naiintindihan ko lahat na hindi talaga kami para sa isa't-isa na hindi ako ang babae na para sa kaniya. "Bes ayos ka lang ba?" Napakurap ako at napatango na lang kay gaile. "Kanina ka pa kasi walang imik dyan?ni hindi mo nga naramdaman na nasa pilipinas na tayo.." sambit niya Kaya napatingin ako sa paligid Hindi ko nga naramdaman Tipid lang akong ngumiti kay gaile. "Ayos lang ako kakayanin ko ito, kakayanin ko" mahinang sambit ko sa kaniya at sabay na kaming naglakad palabas ng airport. At sa paglabas namin dito ito na ang panibagong buhay para sakin at para sa magiging anak ko. Pero hindi yun ang panibagong buhay kung hindi panibagong pagsubok na dadating sa buhay namin ng anak ko. "ANO?! s**t!" Napalingon ako kay gaile na may kausap sa phone na para pang natataranta siya. "Do something! Wala siyang kasalanan!--F*ck!" agad na lumapit sakin si gaile na akmang hihilahin na niya ako ng may humarang na pulis samin. "No! This can't be!" bulong ni gaile at halos mangiyak mangiyak siyang nakatingin na naguguluhan naman ako sa kaniya. "Ikaw ba si Mrs Sierra Villaluna Delafuerte?" tanong sakin ng isang pulis. Kahit nalilito ako nagawa ko pa din siyang sagutin. "Ako nga ho anong kailangan niyo sa akin?" nalilitong tanong ko sa kanila. "Inaaresto ka namin sa salang pagnanakaw sa Villaluna at sa salang pagpatay kay Ms. Siarra Villaluna" sambit ng pulis sa harapan ko at agad akong pinosasan. Napatingin ako kay gaile na umiiling sakin dahil miski siya hindi rin mapakali. Ano bang sinasabi nila? Wala akong maintindihan. "T-Teka lang h-hindi ko kayo maintindihan" naiiling na sambit ko sa kanila at binabawi ko ang pulsuhan ko sa kanila kahit napansin ko lahat ng tao sa airport nakatingin at pinapanood na kami. "Inaaresto ka namin sa pagnanakaw at sa pagpatay kay Ms Siarra Villaluna, maraming ebidensya na ikaw ang tinuturong salarin." seryosong saad ng pulis sakin at bahagya na niya akong hinila pero hindi ako sumama. "W-Wala akong a-alam sa sinasabi niyo! Wala akong kasalanan!" mangiyak ngiyak na sambit ko sa kanila at pinipilit kong bawiin ang braso ko na hawak nila. "Oo nga! Wala siyang alam! Walang kasalanan si sierra dito!" sagot naman ni gaile at marahan niyang tinulak ang pulis na may hawak sakin atsaka siya humarang sa harapan ko. "Sumama kana lang samin Mrs.Delafuerte ng matiwasay at sa hukuman ka magpaliwanag" at akmang hihilahin ako ng humarang ulit si gaile. "Wala akong ninanakaw pamilya ko ang nagmamay-ari non at lalong lalo na hinding hindi ko mapapatay ang kakambal ko! Maniwala kayo sakin! Wala akong kasalanan!" umiiyak na sambit ko sa kanila. "Sa hukuman ka magpaliwanag" naiiritang sambit sakin ng pulis at marahas na niya akong hinawakan sa braso para hilahin papasok sa mobil. Umiiyak akong lumingon kay gaile na hindi malaman ang gagawin. "Gaile! Wala akong kasalanan! Wala akong kasalanan!" natatarantang sambit ko sa kaniya. Tumango tango naman siya sakin habang umiiyak. "Naniniwala ako sayo! Gagawa kami ng paraan para mapawalang sala ka!" umiiyak na sambit ni gaile Hindi ko na siya malingon pa dahil hinihila na ako ng pulis. Bakit?! Bakit nangyayari sakin ito?! May kasalanan nga ba ako noon para parusahan ako ng ganito?! Inalalayan na nila akong maglakad, at muli akong tumingin kay gaile na nagpupumiglas sa hawak ng pulis sa kaniya. "Sierra!- Don't touch me!- sierra! Gagawa kami ng paraan!" sigaw niya habang pinipilit na hinahabol ako. Mapait lang akong ngumiti sa kanya.. Maghihintay ako gaile. Bago kami sumakay sa sasakyan, narinig ko pa ang boses ni kuya. "Sierra.." Lumingon ako sa kanya at bumitaw ako sa pagkakahawak sakin at tumakbo ako palapit kay kuya at niyakap siya nasa tabi niya si ate rianne na humagulgol sa tabi niya. "K-Kuya n-natatakot ako p-paano kung habang buhay akong makulong? Paano na ang baby ko? K-Kuya.." humahagulgol nako ng iyak kay kuya na humigpit naman ang yakap sakin. "Gagawa ako ng paraan, manalig at magtiwala ka lang sakin okay? makakalaya ka pinapangako ko yan sayo.." Bulong niya sakin at pinaghahalikan ang ulo ko. "K-Kuya b-bakit? b-bakit ako pa? Wala akong kasalanan kuya, Hinding hindi ko pagnanakawan ang sarili kong pamilya at mas lalong hinding hindi ko mapapatay ang kakambal ko biktima lang din ako.." umiiyak na sambit ko sa kanya at kumalas siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. "Listen to me sierra, Naniniwala ako sayo kaya sana magtiwala ka sakin na mailalabas kita ng kulungan hintayin mo ako" Naiiyak na sambit niya sakin at muli akong niyakap, napatakip naman ako sa bibig at umiyak lang ng umiyak. "Pasensya na Mr.Villaluna kailangan na rin namin dalhin ang kapatid niyo.." Kumalas na ako sa yakap ni kuya at pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako ng mariin sa noo. "Susunod kami don.." Tumango lang ako sa kanya kaya napatingin siya sa mga pulis. "Ingatan niyo ang kapatid ko buntis siya at kapag may nangyaring masama sa kapatid ko alam niyo na ang gagawin ko sa inyo" pagbabanta ni kuya sa kanila. "M-Makakaasa ka Mr.Villaluna" at maingat na hinawakan ako ng mga pulis bago ako sumama sa kanila nilapitan ko si ate rianne na kanina pa iyak ng iyak. Nginitian ko siya at hinawakan sa dalawa niyang kamay. "Ate ikaw na bahala sa kuya ko sana ingatan niyo mga sarili niyo wag na kayong magalala sakin kakayanin ko ito" Nilapag ko ang palad ko sa bilugang tiyan ni ate at bahagyang hinimas ito. "Sayang hindi ko siya masisilayan sa una niyang silang.." mahinang sambit ko. At narinig ko nanaman ang hikbi ni ate rianne. Pilit na ngumiti lang ako at pinunasan ko ang mga luha ko. "Sierra.." At niyakap ako ni ate rianne. "Nasa panig mo ang katotohanan nasa panig mo kami wag kang susuko.." bulong niya sakin. Tumango naman ako at ngumiti lang sa kanilang dalawa. "Hihintayin ko kayo.." At tuluyan nakong sumama sa mga pulis. Napasandal na lang ako at napayuko. T-Twinnie I need you now Hindi ko alam kung kakayanin ko pa nga ba. "M-Mga sir. Pwede bang dumaan muna tayo sa sementeryo? Pagkatapos non sasama na ako sainyo.." Pakiusap ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila at marahang tumango kaya napangiti ako sa kanila. "Maraming salamat po.." Natahimik na ako at tumingin na lang ako sa bintana at lumuluhang nakatingin sa langit. Mukang hindi na talaga tayo pagtatagpuin ng tadhana rocco mukang pinagkakait yun sa atin. Napahawak ako sa tiyan ko at bahagyang hinimas ito.. 'Baby kaya natin to hindi ba? Pagsubok lang ito! malalampasin din natin ang lahat ng to hindi tayo susuko..' Tama! Pagsubok lang ito hindi ko dapat sukuan ito. Lalaban ako hindi para sakin kung hindi para sa mga taong naniniwala sakin. Gabayan niyo na lang sana kami. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD