PAIN - 7

1654 Words
T H I R D P E R S O N "Madam nahuli na po si Mrs.Delafuerte" Napangisi siya ng marinig niya ang balita dahil umaayon ang lahat sa plano niya. "Gusto kong pahirapan niyo ang babaeng yon, torturin niyo, wala akong pakialam kung buntis man siya o hindi! Gusto kong unti unti siyang mamamatay sa kulungan!" Malakas na sambit niya at sinabayan niya ng tawa. Yung tawa ng pagtatagumpay. Mapapasakanya na rin ang lahat ng yaman ng mga villaluna. "Gagawin po namin lahat madam" nakayukong sambit ng isa niyang tauhan at magalang na umalis ito. Napangisi siya nang nalalapit na siya sa tagumpay. "Namatay na si Siarra at ikaw ang isusunod ko Sierra hindi ka pwedeng humadlang sa mga plano ko!" mariin na sambit niya at tumawa lang siya ng tumawa. "Mararanasan mo rin ang hirap ng dinanas ng kakambal mo masyado kasing pakialamera!" Naaalala niya kung paano nalaman ni Siarra lahat ng plano niya. - "Okay naba ang lahat?" Tanong niya sa mga tauhan niya. "Yes po madam! Hihintayin na lang po namin ang signal mo" napangisi siya at nilagok ang alak sa kanyang kupita. "Pag may humadlang--" natigilan siya ng mapansin niyang may bulto ng tao sa pintuan ng opisina niya. Ngumisi lang siya, at nagpatuloy sa mga sasabihin. "--sa mga plano ko patayin niyo! Ang kambal! Patayin niyo sila! Gahasain o i-torture niyo! Wala akong pakialam! Hindi sila pwedeng humadlang sa mga plano ko!" Nakangising saad niya sa mga tauhan niya. "Ang sama mo!" Napalingon sila sa pintuan ng may isang babae ang galit na galit na nakatingin sa kanila. "Ang sama sama mo! Pano mo to nagagawa ha?! Sumagot ka!" Naiiyak na tanong ng dalaga sa babae. "Siarra darling simple lang ang yaman niyo ang gusto ko.." Ngumisi ang babae at dahan dahan siyang lumapit sa dalaga. "Kaya kung makikialam ka kailangan muna sigurong mamahinga" "Bakit?! Bakit mo ito ginagawa?! Anong kasalanan namin sayo?!" Humalakhak ang babae at gigil na hinawakan sa panga ang dalaga. "Malaki! Malaki ang kasalanan niyo sakin! Lalo na ang iyong lolo at iyong ama!" Galit na sambit nung babae. Napaatras naman ang dalaga at nalilitong tumitig sa mukha ng babae. "Anong kasalanan nila?! Wag mong sabihin na.." Nanlalaking matang tumingin ang dalaga sa babae at nanghihinang napaatras. "Yes! Im the one who killed your grandfather! Nilason ko siya!" Humalakhak ng humalakhak ang babae. "A-Anong.. Demonyo ka! Demonyo!" Umiiyak na sigaw ng dalaga at napaupo na lang siyang bigla sa nalaman. "At isusunod ko ang kakambal mo" Gulat siyang napatingin sa babae at kumuyom ang mga kamao niya. "Wag na wag niyong gagalawin ang kakambal ko! Wala kang puso!Pagbabayaran mo'to!" At galit na tumakbo ang dalaga palabas ng opisina ng babae. "Susundan namin madam!" Sabi ng kanyang mga tauhan. Ngumisi lang siya at pinigilan ang mga ito. "Wag hayaan niyo siya wala namang maniniwala sa kanya, tuloy tayo sa plano.." At nagpatuloy sila sa mga plano nila at nagtagumpay nga siya sa plano niya. Ang patayin si Siarra. - "Ang nagiisang nakakaalam ng mga plano ko ay namatay na kaya ang magbabayad non ang kakambal niya.." Humalakhak lang siya pero hindi niya alam may isang taong kanina pa nakikinig sa kanya. At kuyom na kuyom ang mga kamao nito sa galit. "Magbabayad ka sa mga ginawa mo hindi ko hahayaan na mapahamak si Sierra.." Sambit nung lalaki at umalis na siya sa opisina nung babae. "Hinding hindi mo makukuha ang lahat ng dapat na kay sierra.." - S I E R R A Pagkatapos naming dumalaw sa kakambal ko dinala nila ako sa station at pinasok sa isang madilim at malamig na selda. Nagpunta agad ako sa sulok at doon sumiksik Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili dito Napapikit na lang ako at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakaiyak. Nagising na lang ako ng may kumalampag ng selda kung saan ako naroroon. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isa sa mga pulis na humuli sakin. "May dalaw ka" walang emosyon na saad niya. Kahit nanghihina pinilit kong tumayo at dahan dahan na lumabas ng selda. Sinamahan ako ng pulis na ito sa Visiting Area. Nang makarating kami napansin ko si gaile at kuya at ang isang abogado. "Kuya! Gaile!" Tawag ko sa kanila. Napalingon naman sila sakin at mapait na ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanila at nagbow. "Sierra.." Mahinang tawag sakin ni gaile at humagulgol na lang siya bigla. Kahit nalilito pinilit kong ngumiti sa kanila. "Makakalabas na ba ako kuya? Hindi naman ako ang salarin hindi ba?" Nakangiting tanong ko kay kuya. Kahit ayokong marinig ang sasabihin niya, pinilit kong maging matatag, alam ko naman na makakalabas rin ako. "Mahihirapan tayo sa kaso mo Mrs.Delafuerte. Lahat ng ebidensya nila ikaw ang tinuturong salarin, mula sa pagnanakaw ng pera at sa pagpatay kay Ms.Siarra Villaluna.." Nawala ang ngiti ko at nanlumo ako sa nalaman wala akong kasalanan at mas lalong hinding hindi ko mapapatay ang kakambal ko. Biktima lang din ako. "Wala akong kasalanan, hinding hindi ko magagawa lahat ng paratang nila sakin.." Mahinang sambit ko at tuluyan na akong napaiyak. "Marami silang ebidensya, mahihirapan tayong makalusot at ang papeles na nakuha nila sa mga gamit mo ay may halagang 2 billion pesos.." Gulat akong napatingin sa kanya at napatutop sa bibig. "At lahat ng nilabas na pera galing sa villaluna ay may mga pirma mo Mrs.Delafuerte" at inilapag niya ang isang folder sa lamesa. Nanginginig na binuksan ko at isa isa kong binasa, gulat at pagkalito ang namutawi sakin. Pirma ko nga ang nakalagay dito pero paano mangyayari yon? Bakit ko pagnanakawan ang sarili kong pamilya? "P-Pirma ko nga ito pero paano? Wala akong ni isang kusing ang kinuha sa villaluna paanong nandito ang pirma ko?" Nalilito at nagugulat parin sa mga nilalaman ng folder na pinakita sakin. "At ang baril na ginamit sa pagpatay sa kakambal mo ay may finger prints mo.." At may isa nanaman siyang pinakita. Isang larawan ng isang baril Napapikit ako at inalala ang baril "Yan yung ginamit na baril sa pagpatay sa kakambal ko pero hindi ko yan hinawakan! Biktima lang din ako!" Natatarantang sigaw ko at napasabunot sa buhok ko pinigilan naman ako nila kuya at niyakap. "No worries, Gagawin ko ang lahat para mapawalang sala ka Mrs.Delafuerte. Naniniwala akong wala kang kasalanan at aalamin ko ang nasa likod nang lahat ng ito.." Napahagulgol na lang ako at niyakap si kuya. Sumiksik ako sa dibdib niya "K-Kuya a-ayoko d-dito.." umiiyak na sambit ko sa kanya. Hindi siya sumagot bagkos niyakap niya lang ako. "K-Kuya h-hindi k-ko n-na k-kaya.." At dumilim na ang paligid ko. - S I E L O "K-Kuya sielo s-si sierra.." Niyakap ko lang si gaile habang nakatulala lang ako sa kawalan habang nakakuyom ang mga kamao ko. Hindi ko akalain na sila pa mismo ang gagawa nito. "Ikaw na muna bahala magbantay kay sierra" bulong ko kay gaile na tinanguan lang ako. "Walang mangyayaring masama sa kanya." Tumango lang si gaile sakin at umalis na ako sa hospital kasama si anthony ang attorney na kinuha ni gaile para sa hahawak ng kaso ni sierra. Nagtungo ako sa opisina ni papa. Sumusobra na sila! Hindi na tama ang ginagawa nila sa kapatid ko! Wala siyang kasalanan! Biktima lang din ang kapatid ko dito! "Papa!" Bungad ko pagpasok ko sa opisina niya. Napalingon naman sila samin kasama si attorney cruz. "What is this?!" Hinablot ko kay anthony ang mga ebidensyang hindi totoo at hinagis ko sa harapan niya. "Ano tong mga ebidensyang to?! Hindi naman lahat ng nakasaad dito totoo! Alam mong hindi magagawa ni sierra ang pagnakawan ang pamilya niya!" Galit na sigaw ko sa kanya. "Sielo wag ka ng makialam pa sa kaso. Lahat ng yan may pirma ni sierra sa tingin mo anong gagawin ko?" Napailing ako sa mga sinasabi niya. Paano niya naaatim panoorin si sierra na nahihirapan?! "Wag makialam pa?! Kapatid ko si sierra kaya makikialam ako! Dahil lahat ng mga ebidensya niyo laban sa kanya lahat yon hindi totoo! Paano mo naaatim na panoorin si sierra na nahihirapan?! She's pregnant for pete'sake!" Hindi ako makapaniwala na sa kanila pa talaga manggagaling ang mga ebidensya na hindi totoo at sila pa mismo nagpakulong sa sarili nilang anak! "Wag kang bastos sielo! Papa mo ang kausap mo!" Sigaw naman ni tita lalaine sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut the fvck up oldwoman! Usapang pamilya to hindi ka dapat makisali dito!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng pagsuntok sakin ni papa kaya napatagilid ang mukha ko at napahawak sa labi ko. "Kung babastusin mo lang ang asawa ko sielo! Umalis kana dito! Kailangan pagbayaran ni sierra ang mga kasalanan niya!" Galit na galit na sigaw ni papa sakin. Natawa ako sa kanya at napahagod ako sa buhok ko. "Kasalanan papa? Walang kasalanan si sierra! Alam mong biktima lang din siya dito! Sa ating lahat siya ang mas naapektuhan sa pagkawala ni siarra!" Sigaw ko din sa kanya at nagsamaan kami ng tingin ni papa. Pinigilan na ako ni anthony pero pumiglas ako sa hawak niya at nasuntok ko na lang ang lamesa ni dad. "Kapag may nangyari lang masama sa kapatid ko, hinding hindi ko kayo mapapatawad" Sinamaan ko sila ng tingin bago ako umalis sa opisina ni dad. Hinawakan ako ni anthony sa balikat para pakalmahin ako. "Gagawin ko lahat, maghahanap pa ako ng ebidensya para mapawalang sala si sierra" sambit ni anthony sakin. Tinanguan ko lang siya at tinapik sa balikat. "Maraming salamat pre. Ayoko lang mahirapan ang kapatid ko sa loob ng kulungan habang pinagbubuntis niya ang pamangkin ko." Ngumiti siya sakin. "Naiintindihan kita, sige na balikan mo na si sierra, kailangan ka niya ngayon" Tumango lang ako at sumakay na ako sa sasakyan ko at bumalik agad ako sa clinic para puntahan ang kapatid ko. Kailangan namin ng matibay na ebidensya para mapawalang sala ang kapatid ko, hindi niya kakayanin mamuhay sa loob ng kulungan. Siarra anong gagawin ko? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD