KABANATA 73: RAMDAM ANG MATINDING tensyon sa pagitan ni Matias at Paul. Kahit kasi walang nagsasalita sa kanilang dalawa, kung magtitigan sila’y parang magkakapatayan na. “Mabuti at kamukhang-kamukha mo siya, Alana…” Puri ni Paul kahit na halata at kitang-kita naman ang ebidensyang mas kamukha ni Matias ang anak namin. Kamukha naman talaga ni Matias si baby Aaron, kahit si Auntie Thelma at Kim ay iyon ang nakikita. Wala akong ibang nakitang resemblance sa akin bukod sa maputi siya. Kaya kung ano man ang sinasabi ni Paul, paniguradong dahil ayaw niyang lumaki ang ulo ni Matias. Mukha naman kasing lumaki talaga nang makita ang anak namin. “His eyes were the same as mine. You’ll see once he’s awake.” Hindi nagpatalo si Matias. “And look at the bridge of his nose, even his lips!” he exclai

