KABANATA 74: NAGING MADALAS ANG pagdalaw ni Matias sa amin kahit pa palagi ko lang naman siyang ipinagtatabuyan. Alam kong minsan ay napipikon na siya sa mga sinasabi ko pero pilit niya pa rin akong iniintindi. May mga araw na hindi siya nakakapunta lalo na kung may kailangan siyang trabahuin, dahil s’yempre, hindi lang naman kami ang kailangan niyang atupagin kundi ang pagiging CEO niya. Habang abala ako sa pagpapaligo kay Aaron, nag-vibrate ang cellphone kong nas abulsa ng suot kong shorts. Hindi ko nga alam bakit ko ito binitbit e alam kong paliliguan ko si Aaron. Hinayaan ko lang muna ang text na iyon hanggang sa matapos akong paliguan si baby. Nang nasa kwarto na kami at kasalukuyan ko siyang binibihisan ay muling nag-vibrate ang cellphone ko. I quickly took it out and put it beside

