KABANATA 75: HINDI SANA PAPAYAG si Auntie Thelma sa gusto ni Matias na matulog dito. Pero dahil mapilit si Matias at sinamahan pa ng pagpapaawa, wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang. Hindi ko alam kung nagpapaawa lang ba talaga siya o talagang nakakaawa lang. Afterall, kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya’y mahihirapan ako kung ang anak ko ay hindi ko madalas na nakakasama. Saglit nga lang akong lumayo sa kanya’y hirap na hirap na ako. Pa’no pa kaya sa lagay ni Matias? “Kumusta ang Mommy mo?” tanong ni Auntie Thelma sa kalagitnaan ng pag-kain namin ng hapunan. Matias had to stop and looked up at Auntie before answering. “Ayos na po siya ngayon. Unti-unti na po niyang natatanggap ang lahat,” sagot niya. “But I hope I get to see her smile again. I barely see her genuine sm

