KABANATA 64: “UMAMIN NA SA akin si Matias na mahal niya ako…” Iyon kaagad ang bungad na sabi ko kay Kim. Hinintay kong mag-react siya sa sinabi ko, inaasahan kong may sasabihin siyang hindi maganda ngunit sa halip ay isang kibit-balikat lamang ang isinagot niya. “Alam ko,” she replied. “Halata naman.” “Huwag mo munang sabihin kay Auntie…” Kim slowly shook his head and then sipped on the straw of milktea she was sipping before she replied. “Alam mong madaldal ako pagdating sa Auntie mo, pero sa tingin ko, wala na ako sa lugar kung panghihimasukan ko ‘yan. Nararamdaman kong mahal mo na rin siya.” Hindi ako kumibo, sumimsim din ako sa straw ng milktea habang pinapakinggan ang sermon niya. “Wala naman akong nakikitang mali sa ugali ni Matias. Oo, ang sabi mo may anger management issue s

