KABANATA 65: HINDI KO ALAM kung paanong dumating na lang bigla ang mga pulis sa bahay ng mga Ibarra. Pareho kaming nagkagulatan ni Matias lalo na nang bumukas ang gate at pumasok ang mga sasakyan ng pulis. Tuliro ako, hindi ako makapaniwala lalo na nang isang pamilyar na kotse ang pumasok–kotse ni Kim… Ilang saglit lang ay bumaba mula roon si Auntie Thelma, sa likod ng kotse ay ilang mga babae. Nasa anim yata sila. Ilang mga babaeng nasa kaedaran ko, at ilan naman ay mga kasing-edad ni Auntie Thelma o kaya ni Mama. Wala akong alam sa nangyayari. Tulala lang ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Everything feels like a dream. “What is happening?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Matias. Halatang wala siyang alam, habang ako ay pinupugpog na ng matinding konsensya. Napasinghap ak

