KABANATA 66: TATLONG ARAW, at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Kung paano natipon ni Auntie ang mga babaeng nasaktan ni Demetrious… “Matagal ko na silang kausap, at matagal na silang kasama sa plano. Para sa oras na huhulihin na si Demetrious, wala na siyang kawala,” iyon ang sabi ni Auntie. Kung paanong nagkaroon ng sapat na ebidensya… “Ang sabi ni Paul, mayroon daw nag-tip sa kanilang anonymous sender. Doon nila napagtagpi-tagpi ang lahat. May isang opisyales ang tumutulong kay Demetrious para makatakas siya sa mga gawain niya,” sagot naman ni Kim. Sa hinaba-haba nga naman ng prusisyon, nahuli pa rin talaga si Demetrious. Alam naman naming sa huli ay makukulong pa rin talaga si Demetrious kahit na anong mangyari. Ang gust

