KABANATA 67: Alana’s POV: ILANG BESES NA akong panay ang pabalik-balik sa banyo dahil sa pagsusuka. Ilang araw na ring masama ang pakiramdam ko, palagi akong naduduwal, sinisikmura at wala akong ganang kumain. Mas lalo pa akong nangayayat kumpara noong bago ako pumuntarito sa Manila. Dalawang Linggo pa lang ako rito at ang plano ko sana ay ang maghanap ng trabaho ngunit ganito nga ang nangyayari sa akin, saka pa ako nagkasakit! Hindi ko alam kung dahil ba ito sa labis na stress o talagang nagkasakit lang ako. Kahit ano pa man, kailangan ko nang gumaling dahil kailangan kong maghanap ng trabaho. Naiinis na tinakpan ko ang ilong ko nang maamoy ang pinipritong isda ng kapitbahay. Nakakainis, gusto kong magreklamo pero nahihiya ako. Bukod sa nakakahiyang magreklamo, nakakahiya rin dahil bag

