KABANATA 6:

1279 Words
KABANATA 6: IMBES NA UMALIS doon at matakot sa paraan niya kung tumingin, nakipagtagisan pa ako sa kanya. Taas ang kilay ko habang hinihintay siya makalapit sa akin. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Baka kasi hindi umayon sa plano namin ni Auntie. Pero kahit na ganoon, I still want to continue this. Masyado nang mahaba ang naging paghahanda ko. Tapos na ang pagkakataong umatras pa ako. Tiim ang kanyang bagang nang huminto siya sa aking harapan. Bumaba ang tingin niya sa akin kasunod no’n ay ang pagharap niya ng kanyang cellphone sa akin. “Explain this,” utos niya. I pouted my lips then crossed my arms. Hindi ko tiningnan ang picture dahil alam kong ako iyon at si Demetrious. “Why should I explain?” I asked. Nanliit ang mga mata niya. “Akala ko gusto mo ng ebidensya?” “Gusto ko ng ebidensya mo,” mataray na sagot ko. “Pero nahuli mo na kami, bakit kailangan ko pang mag-explain? Para saan pa?” Mas lalo yata siyang nainis sa sinabi ko. Seeing him this mad is making me feel so bad for him. Hindi naman siya ang may kasalanan ng lahat pero nadadamay siya. Ang problema lang kasi ay nadamay rin naman ako noong namatay ang Mama ko. Might as well, may idamay rin akong anak niya. Hindi alam nitong si Matias kung gaano kasakit ang mawalan ng ina nang dahil sa ginawa ng sarili niyang ama. Gusto kong maranasan niyang masaktan dahil sa kagaguhang ginagawa nito. And seeing that it was all effective, I am very satisfied althought I felt bad. “Let’s talk later. I want to meet you at Celeste’s Restaurant later. I want us sort this out properly,” he replied. I shrugged. “Okay, no problem.” Nginitian ko pa siya nang matamis. “Siguruhin mong ang restaurant na iyon ay malayo sa hotel at ayaw kong iinom tayo ng alak.” Umawang pa ang labi niya bago ko siya tuluyang tinalikuran. Pagpasok ko sa pinto ng tailoring shop, sinulyapan ko pa muna siya na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin doon at nakatitig sa akin nang masama. I smiled at him sexily before I closed the door. Nang ma-i-lock ko na ang pinto, nanginginig na ini-lock ko iyon at mabilis na naupo sa sahig dahil sa labis na panghihina. “Alana! Huy anong nangyari?” Nagmamadali namang napatayo at napatakbo si Kim patungo sa akin. Kabadong-kabado talaga ako, pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. I closed my eyes as Kim held me with her arms. “M-magkikita kami ni Matias mamaya,” I whispered. “W-what should I do?” “Alana, these are all part of your plan. Mahirap ba? Baka pwede ka pang umatras at hanapan na lang natin ng ebidensya para buksan ulit ang kaso.” Mabilis akong umiling at nag-angat ng tingin sa kanya. “H-hindi, kaya ko ‘to. Naninibago lang siguro ako pero kaya kong lumaban.” Nag-aalalang tinitigan ako ni Kim sa mga mata. “Sigurado ka ba?” I smiled at him then nodded. “Oo naman, ako pa ba?” Tumango rin siya sa akin at tinulungan akong tumayo mula sa pagkakaupo. She patted both my shoulders. “I’ll stand by later. Kung saan man kayo magkikita, sasama ako pero sa labas lang. Hihintayin kita at babantayan dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari.” Sumang-ayon ako sa kanya dahil totoo namang hindi namin alam. Paano kung bigla na lang niya akong barilin? Kahit na sa harap pa ng ibang tao. Who knows? Kaya ngang gawin ng kanyang ama, siya pa kaya? Still… hindi ko rin siya pwedeng husgahan. At kung ako rin siguro ang nasa katayuan niya, siguradong magagalit din ako. Nang matapos namin ni Kim ang ni-ra-rush naming gawa, kaagad niyang ipina-deliver sa Garments Shop. Ang Garments Shop na iyon ay pagmamay-ari ko rin. Isang taon matapos kong magbukas ng tailoring shop last year, nagbukas na rin ako ng shop kung saan pwede kong ibenta ang ilan sa mga gawa ko. Unti-unti na iyong lumalago, sa awa ng Diyos. And we are also planning to hire tailors to work with us. Nahihirapan na rin kasi kaming dalawa ni Kim, nagiging in demand na iyon lalo nitong nag-umpisang mauso ang live-selling na ang mga tauhan namin sa Garments Shop ang gumagawa. “Dalian mo, isuot mo na para makita natin kung bagay sa ‘yo!” bulalas ni Kim. Mas excited pa siyang makita ang binili sa akin ni Auntie na dress. Matagal niya na itong iniregalo sa akin, ngayon ko lang susuotin. Ang sabi niya, isuot ko sa mahalagang okasyon. I guess this occasion is what she’s telling me. Kulay gintong draped split thigh dress iyon at sobrang hapit sa katawan ko. Maiksi lang iyon at kita ang aking tuhod, maging ang aking legs dahil sa split. Kulang na lang din ay lumuwa ang dibdib ko. Nahihiyang lumabas ako ng banyo, Kim quickly turned her head to me then her eyes widened. “Oh my gosh! Ang sexy!” bulalas niya. “Hindi ba parang sobra naman yata? Ang halay na…” sagot ko. Umikot ang kanyang mga mata saka tumayo mula sa kinauupuan. “Ano ka ba naman, Alana? Hindi iyan mahalay, hindi mo lang alam kung paano magsuot ng ganyang dress. Sigurado akong kapag nakita ka ni Matias, luluwa ang mga mata no’n at tutulo ang laway. Maaalala niya kung ano ang ginawa ninyo last year!” I sighed. “Ako yata ang makakaalala,” sagot ko. “Ay s**t, sino ba naman kasi ang hindi makakaalala ro’n? Kung hindi lang naman siya anak ng killer na iyon, wala namang problema ‘di ba?” I shook my head then turned my attention to the full-length mirror in front of me. Lumipat si Kim sa likuran ko at tiningnan din ako sa salamin. “Look at your self, Alana. Mama mo ang nagsabing maging confident ka, ‘di ba? Sobrang ganda mo, sobrang sexy mo, walang halong biro. At mas lalo ka pang gaganda kung confident ka. Tonight, gusto kong gawin mo ang best mo. Dahil kung hindi, masisira ang matagal n’yo nang pinlano.” Tumango akong muli at muling humugot ng malalim na hininga. Kaya ko ito! I am confident, hindi dapat ako magpatalo sa kaba. Dahil kung magpapatalo ako, para ko na ring sinira ang ilang taong paghahanda namin ni Auntie. – “Alana? Kumusta? Anong nangyari? Bakit ang bilis naman yata ng pag-uusap n’yong dalawa? Ni hindi n’yo kinain ang order na pagkain!” Sunod-sunod ang naging tanong ni Kim sa akin nang makalabas na ako ng restaurant. I still couldn’t believe what just happened. Pakiramdam ko ay binubuhusan ako ni Lord ng maraming-maraming pagkakataon. “Alana? Huy! Magsalita ka naman!” Nag-angat ako ng tingin kay Kim na ngayon ay mukhang mas kinakabahan pa kaysa sa akin. “Gusto niya akong pakasalan…” Mas lalong nag-iba ang timpla ni Kim. Kung kanina ay kinakabahan, ngayon ay may kasama nang takot. “Ano? Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” “Oo…” I scoffed. “Sa tingin ko nasobrahan yata ako sa pagpapaganda ngayong gabi.” “At talagang napapangiti ka pa na kasal ang inalok niya sa iyo imbes na palayuin ka niya sa Ama niya? Nasisiraan ka na ba?” I don’t care. Whatever Matias is planning, kailangan kong mas tapatan pa ang plano niyang iyon. Alam kong may niluluto siya, at dapat na maging ako’y mayroon din. “I will marry him,” sagot ko kay Kim. “Huh?” Nag-angat ako ng tingin. “I will marry him and get my revenge.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD