KABANATA 7:

1544 Words
KABANATA 7: MARAHANG PALAKPAK ANG isinagot sa akin ni Auntie Thelma matapos kong ikwento ang nangyari nang magkita kami ni Matias sa restaurant. Kung hindi natuwa si Kim sa plano kong pagpapakasal kay Matias, mukhang si Auntie ay nasa side ko. Hindi siya makapaniwalang sa ganitong paraan gustong makaganti ni Matias imbes na bayaran na lamang ako ng pera. “Kung walang nangyari sa inyong dalawa, malamang na hindi kasal ang iaalok sa iyo kundi pera. Nakatulong din naman pala kahit papaano ang nangyari.” Marahan akong ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na ayos lang kay Auntie na may nangyari sa amin ni Matias. Pero ang mahalaga’y hindi siya nagalit dahil sa padalos-dalos kong ginawa. “Pero, binabalaan kita na huwag kang basta-bastang magpapagamit sa kanya sa oras na ikasal kayong dalawa. Hindi por que may nangyari na sa inyo ay hahayaan mo na siyang babuyin ang katawan mo kahit kasal kayo.” “Auntie… sa tingin mo ba gagalawin niya pa rin ako?” I asked her. Marahang umawang ang labi ni Auntie kasunod ng panliliit ng kanyang mga mata. “Well, we don’t know?” “Iniisip niyang kabit ako ng tatay niya. For sure na inisip niya na ring may ginawa kami,” I replied. “Kahit na ang totoo, isipin ko pa lang ay nakakakilabot na.” Bahagyang natawa si Auntie. “Matandang hukluban na iyon. Kahit pa sabihin nating gwapo pa rin, gurang na iyon at kulubot!” Nakita ko pa ang pagkasuya sa kanyang ekspresyon. Mabuti na lang talaga at sa loob ng dalawang buwan na nililigaw-ligawan ako ni Demetrious, hindi niya ako kailanman pinagbalakang hawakan ng may malisya o kahit ang halikan. Ipinagpapasalamat ko na rin iyon. Hindi ba naman siya matatakot sa sinabi ko sa kanyang idedemanda ko siya kung sakaling bastusin niya ako e. Matapos naming mag-usap ni Auntie, sabay na kaming pumasok sa kanya-kanyang kwarto para matulog. Pagod na pagod ako sa maghapon dahil sa dami ng ginawa. Maging ang utak ko yata’y napagod sa kaiisip tungkol sa susunod kong magiging hakbang. Nagising akong pakiramdam ko’y hindi rin ako nakatulog. Kung hindi lang nag-ring ang cellphone ko nang dahil sa alarm, hindi talaga ako magigising. Nang ma-i-off ko na ang alarm, inaantok na bumangon pa ako mula sa malambot na kama. Aalisin ko na sana ang kumot ko nang muling mag-ring ang cellphone. I quickly took it and look at the caller. Actually, it was a video call and… “Matias?” Tila nagising ako nang makitang Matthew Ibarra ang pangalang nakasulat sa video call. Sa pagmamadali, agad-agad ko iyong sinagot nang walang pakundangan at nakita ang kunot na kunot niyang kilay. Ang aga namang busangot nito! “Oh s**t!” malutong na mura niya kasunod ng pagpikit niya ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang sunod-sunod na napamura at minadali ring in-off ang camera. “Bakit ka nag-video call?” tanong ko. “How did you know my social media account?” “What the heck? Did you just woke up?” he asked. “Ano?” “Huwag kang sasagot ng video call kung wala ka pang suot na bra…” Kumunot ang noo ko at bumaba ang tingin sa aking dibdib. I am wearing a thin silk lingerie and my n*****s are both… visible! For godsake! Napapikit ako nang mariin dahil sa labis na kahihiyan. Pero imbes na iparamdam sa kanyang nahihiya ako, I just chuckled. “Ano naman? Parang hindi mo pa iyan nakita,” I replied. “I bet you like it, do you want to see these again? Open your camera–” “Damn it! J-just… let’s meet later. We’ll talk about the wedding.” “What–” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay binabaan na niya ako ng tawag. Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Hindi ko man nakita ang mukha niya, paniguradong namumula na iyon sa inis! Nilingon ko ang salamin sa may gilid ng higaan ko at nakitang namumula ang buong mukha ko. Grabe, nakakahiya talaga! Sa susunod, hindi na ako agad-agad sasagot ng tawag na hindi pa ako ready. But then at least, nakatulong din naman ito para inisin ko siya. Sigurado akong pagsisisihan niya ang desisyong pakasalan ako. Bumangon ako sa kama at saka naligo at nagbihis ng magandang damit. Hindi ko alam kung anong oras kami magkikita pero mas maigi nang ready para mamaya ay wala na akong iintindihin. Hindi na muna ako dumiretso sa tailoring shop ngayong araw kundi sa garments. Every week ay nag-iinspect kami ni Kim sa garments shop. Twice a week iyon, ako sa tuwing Linggo at siya naman sa tuwing Hwebes. “Good morning madam! Ang ganda po natin ngayon, ah?” nakangiting bati sa akin ni Amy, isa sa sales lady ng shop. “Good morning din,” sagot ko. “Kumusta ang shop? Wala naman bang aberya?” “Ma’am! May dumating po palang lalaki kahapon!” Nilingon ko si Betty na bigla na lang sumulpot sa kung saan. “Sino?” tanong ko habang patuloy na naglalakad patungo sa opisina. “Ma’am, hindi ko po alam kung kilala n’yo ho siya pero may-ari siya ng winery dito sa Bukidnon. Si Sir Matias!” Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ang pangalan ng Matias na iyon. Nagpantig ang tenga ko at nilingon ko si Betty. “Bakit daw?” Bahagyang umawang ang labi niya at mukhang nabigla sa naging tanong ko. “A-ano ma’am, hinahanap po ang may-ari nitong shop…” Mabilis akong tumango. Sigurado akong kahapon iyon noong nahuli niya kami ni Demetrious. Talagang inimbestigahan niya pala ako na ultimo ang garments shop ko ay alam niya. “Sa susunod sabihin mong sa tailoring shop niya ako hanapin o kaya sa bahay,” sagot ko. Tinalikuran ko na si Betty at binuksan ang pinto ng opisina bago pa siya magtanong. I know my sales ladies, mga chismosa ang mga iyan. But still, they are the kind of gossipers who don't gossip about what they know to other people. Para sa kanila na lamang iyon, kaya malaki ang tiwala ko sa kanilang dalawa na isang taon na ring nagtatrabaho para sa akin at kay Kim. Nag-audit lang naman ako ng mga kinita sa ilang araw na hindi kami nakakapunta rito ni Kim, pagkatapos ay tumulong na rin ako sa ginagawa ng dalawa. Ang totoo’y nagrereklamo na nga sila dahil kulang daw sa tao. Marami na rin kasing customer. Magaganda kasi ang mga damit na kami na rin ni Kim ang nagdidisenyo. Mura pa dahil kami lang din naman ang gumagawa. Alas-singko ng hapon at kasalukuyan akong nagbibihis para sa pag-uwi nang muling mag-ring ang cellphone ko dahil sa video call. I rolled my eyes then quickly cancelled it. Bakit ba ang wrong timing niya kung tumawag? Ngunit ilang saglit pa ay muli rin siyang tumawag. Sinagot ko na lang at in-off ang camera. “Ano? Teka lang naman at nagbibihis pa!” reklamo ko. Mabuti na lang talaga at nagdala ako ng extra’ng isusuot. Maghapon akong naghintay sa kanya pero hindi siya dumating! “Magsuot ka ng casual, we’re meeting Mom… and Dad for dinner.” “Bakit ngayon mo lang sinabi?!” histerikal na tanong ko. “Just wear casual, okay? I’ll fetch you in ten minutes. Hurry!” “Ang bilis naman–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ay pinatayan na naman niya ako ng tawag. I gritted my teeth in frustration. Nakakabwiset! Lintek lang ang walang ganti sa ginagawa niyang ito sa akin. Lumabas ako ng opisina at nagmamadaling naghanap ng dress na babagay sa akin. Amy and Betty looked surprised when I got the pricy dress. “Ma’am ano pong gagawin n’yo?” takang tanong ni Amy. “Isusuot ko ito, obviously. Magbabayad ako for this para hindi tayo malugi,” sagot ko. Diretsong bumalik ako sa opisina at isinuot ang lagpas lang sa tuhod na dress, which is sage ruched midi bodycon na kulay mint green. Mabuti na lang at may nakatabi akong high-heels dito. Saglit lang din akong nag-retouch ng make up bago ko narinig ang pagkatok ni Betty sa pinto ng opisina. “Ma’am, si Sir Matias po nandito,” aniya. I quickly caught my bag then opened the door. Nagmamadali akong lumabas at sinabihan si Betty na sila na ang bahalang magsara ng shop and they both agreed Halatang pareho silang nagtataka, sa bagay, nakapagtataka nga namang bigla na lang magpaparada ng kotse sa harap ng maliit kong shop ang isang mayamang taong kagaya ni Matias. Nang makalabas ako ng shop, naabutan ko si Matias na tila inip na inip na kahit hindi naman siya inabot ng limang minuto sa paghihintay. Nakasuot siya ng simpleng button down long sleeves na kulay puti at itim na slacks. His eyes darted on my body down to my feet and then back to my face. “Your cleavage, Alana…” aniya sa nagbabantang tono. Tinaasan ko siya ng kilay at naglakad palapit sa kanya. Nag-angat ako ng tingin para matitigan ang gwapo niyang mukhang lagi na lang galit. “Kung sinabi mo sana ng maaga, edi sana nakapaghanda ako. Now, drool over my cleavage, I don’t care.” I rolled my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD