KABANATA 8:

1264 Words
KABANATA 8: HINDI AKO NAKATANGGAP ng sagot mula sa kanya nang sabihin ko iyon. Instead, hinayaan niya na lamang. Malaki ang pakialam ko sa opinyon niya, kaya hindi ako mapakali na hindi na niya ako sinagot pa. Pagkasakay namin pareho sa kotse, agad niyang ibinungad sa akin ang isang maliit na kahon, hula ko’y singsing ang laman. “You need this,” he said. Binuksan niya ang kahon at ipinakita sa akin ang laman. Isang diamond ring ang nasa loob. Ang ganda, halatang mamahalin. Kailangan niya ba talagang bumili ng ganito kamahal kung hindi naman niya ako mahal? “My Mom knows a lot about jewelry, hindi pwedeng bilhan lang kita ng mumurahin dahil malalaman niya.” Marahan akong tumango. Well, siguro understood na iyon. Ang mga mayayamang may-bahay talaga ay madalas na maraming alam sa mga alahas. “Hanggang kailan pala ang kasal natin?” I asked. Kumunot ang noo niya sa naging tanong ko. Hindi siya agad nakasagot, kinuha niya ang singsing sa kahon at saka inilapag sa lap niya ang kahon. Hinawakan niya ang kamay ko at isinuot sa ring finger ang singsing. “I don’t know either,” he replied. “Siguro kapag may babae na akong totoong pakakasalan.” Nainsulto ako sa sinabi niya. Ibig ba niyang sabihin na pwede siyang magkagusto sa iba habang ako ay hindi? Kung sabagay, kailangan ko nga palang magmukhang api. Pakakasalan niya ako bilang ganti sa kanyang Ama. That’s the purpose of this marriage. Nothing more for him. Sa mansyon nila, doon niya ako dinala. Sa tagal ko rito sa Malaybalay, madalas ko nang napapansin ang malaking gate na ito dahil nadadaanan namin ni Kim sa tuwing bibili kami ng supply ng mga tela sa bayan. May taga-bukas ng gate, guwardya. Pagpasok ng kotse ay mahabang destinasyon pa ang tinahak ng kotseng sinasakyan namin. Halos malula ako sa lawak ng bahay nila. Hardin ang dinadaanan namin, madilim nga lang at hindi ko masyadong matanaw ang iba pang lugaw na narito. Hanggang sa huminto kami sa harapan ng kanilang mansyon. Mukhang luma na ang mansyon na ito at pina-renovate lang, halata sa disenyo. Nang bumaba si Matias, bababa na rin sana ako ngunit hindi ako makapaniwala nang umikot siya patungo sa kabilang pinto kung saan ako dadaan at siya na mismo ang nagbukas. I was even more surprised when he held his hand to me then smiled. Ah, act lang ‘to. Bulong ko sa aking sarili. Kailangan nga pala naming magpanggap na nagmamahalan. Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya nginitian pabalik nang maalalayan na niya ako pababa. Mabilis na ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang braso. “Thank you,” I smiled. “You’re welcome babe,” he replied with all smiles. Babe. Gusto ko siyang murahin dahil tila nang-aasar pa siya. Iyon kaya ang itinawag niya sa akin noong may nangyari sa amin! Natatandaan niya pa ba iyon? O wala lang talaga siyang maisip na endearment? “Matias, anak! Siya na ba?” Pareho kaming napalingon sa hamba ng pintuan ng isang babae ang lumabas mula roon. Agad ko iyong namukhaan, si Giselle Ibarra, ang asawa ni Demetrious! Maganda siya sa picture, ngunit mas maganda siya sa personal. Kahit na almost 60 years old na siya’y kita pa rin ang kanyang ganda. Kamukhang-kamukha niya iyong kapatid nila Matias na si Sera… yes, we investigated each of their family member. Kailangang paghandaan ang lahat. “Yes, Mom!” Matias exclaimed. Agad na lumapit sa akin ang Mommy nila at hinawakan ang kamay ko. Halos kumislap ang kanyang mga mata nang matitigan ako sa malapitan. “Ang ganda mo naman iha,” bati niya sa akin. “Magaling talagang mamili ang anak ko!” “Salamat po Tita,” sagot ko. “Balita ko’y magpapakasal na kayo?” Kasunod ng tanong niya ang paghawak niya sa aking kamay. Nakita niya kaagad ang diamond ring na isinuot sa akin ni Matias kanina. “How pretty!” “We plan to get married as soon as possible, maybe next week,” sabat ni Matias. Gulat na napaangat ng tingin ang kanyang Mommy. “What? Paano kayo makakapaghanda kung ganoon kabilis? What about the engagement party?” magkakasunod na tanong nito. “Kahit wala na po, I’m excited to marry her,” Matias replied. “Anyway, where’s Dad?” “Ooh! Halikayo at pumasok tayo sa loob, doon tayo mag-usap-usap. Come on!” Nang papasok na kami sa loob ng mansyon, dumulas ang kamay ni Matias sa aking beywang na agad nagpakilabot sa buo kong katawan. I looked up at him to see his reaction but I saw nothing. Hinayaan ko na lamang at nagpatuloy sa paglalakad, sumusunod sa Mommy niya. Kung kanina ay wala akong nararamdamang kaba, ngayon ay unti-unti na iyong umuusbong lalo na nang nasa harap na kami ng hapagkainan. Ang kapatid lang niyang si Lucio at Vito ang naabutan namin, wala pa si Demetrious. “Lucio, Kuya, this is Alana, my fiancee,” pakilala sa akin ni Matias. Agad namang tumayo ang dalawa na nakangiti sa akin. Lucio gladly shook my hand. Magkahalong Demetrious at Giselle ang itsura ni Lucio habang mas matandang version naman ni Lucio si Vito. Mainit ang pagtanggap nila sa akin, halatang masaya sila para sa kapatid. Matias, pulled a chair for me then I sat. Walang tigil sa pagtahip ang dibdib ko dahil sa kaba, nanlalamig din ang aking mga kamay. “Nasaan ang Daddy n’yo?” Tita Giselle asked. “Ah, nagbanyo lang po,” sagot naman ni Lucio. “Hindi muna tayo mag-uumpisa habang wala siya. Anyway, what is your career? I heard you own a small business?” Tita Giselled asked me. Marahan akong tumango. “O-opo, garments shop at tailoring po,” sagot ko. “Ooh! Mahirap magtayo ng sariling business lalo na sa edad mo. You’re too young, hmm? Ano bang trabaho ng mga magulang mo? I bet they helped you.” Umiling ako. “Wala na po sila e. Pareho na po silang sumakabilang buhay.” Tita Giselle’s eyes widened as she shook her head. “I’m sorry, oh God. I didn’t know!” “Wala po ‘yon. Auntie ko nga po pala ang nagpalaki sa akin. Manager po siya ng isang Bar,” dagdag ko pa. Madadagdagan pa sana ang tanong niya sa akin kung hindi lang biglang dumating si Demetrious. Nahigit ko ang aking hininga nang nakangiti pa siyang naupo sa katapat na upuan ng kay Tita Giselle. “Where’s Matias’ soon-to-be wife?” he asked in excitement. Dinampot niya pa ang babasaging basong naroon saka uminom. “She’s here, Dad,” ma-awtoridad na ani Matias. He held me closer to him. Marahang pumisil pa ang kanyang kamay sa aking tagiliran. Demetrious was stunned to see me. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ako. “H-hello, I’m Alana Mariz po,” sabi ko saka naglahad ng kamay. Kitang-kita ko kung paano nanginig ang kanyang kamay hawak ang babasaging baso. Tila nakakita siya ng multo. Seeing his reaction made me feel so eager to make anger him more. Nawala ang kaba sa aking dibdib at napalitan iyon ng excitement. Ano ka ngayon, Demetrious? “Hon? Anong nangyayari?” takang tanong ni Tita Gisselle. He didn’t respond. Sa halip ay bumagsak ang babasaging baso sa lamesa at gumulong sa sahig na naging dahilan para iyon ay mabasag. “Dad, I know my fiancee is beautiful,” Matias chuckled. Nilingon ako ni Matias at tinitigan sa mga mata. Iyong titig niyang para bang sinasabing ang nakikita ko ngayon ay ang sinira ko. Ang sisirain kong pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD