KABANATA 9:

1405 Words
KABANATA 9: “DAD!” Nang mabasag ang babasaging baso sa sahig, doon lang yata na-realize ni Demetrious na totoo ang nasa kanyang harapan. He quickly snapped out then turned his attention to the glass. “Tawagin mo si Yaya Mireng, at ipalinis natin itong mga nabasag,” utos ni Vito sa mas batang si Lucio. Agad namang tumayo si Lucio at umalis para tuluyan na ngang tawagin ang kasambahay. “Pasensya ka na sa inakto ng asawa ko,” nakasimangot na hinging paumanhin ni Tita Giselle. Nginitian ko siya bilang paninigurong ayos lang. “Ayos lang po, huwag kayong mag-alala.” Ayos lang dahil ganitong reaksyon naman talaga ang gusto kong makita. I want him to suffer, to feel the same feeling of what my Mother felt the moment he told her she’s just his mistress. Gusto kong makita sa mga mata niya ang sakit. Nang malinis na ang nabasag na baso ay saka pa lang nag-umpisa ang totoong usapan sa harap ng hapag-kainan. “Hindi ba’t parang ang bilis n’yo naman yatang magpakasal?” takang tanong ni Demetrious. Pagak na natawa si Matias sa tanong ng kanyang Ama. Mukhang nararamdaman na niyang iba na ang tensyon nito. “Isang taon na kaming magkarelasyon, Dad. Hindi ko pa lang siya ipinapakilala sa inyo noon dahil ang gusto kong iharap sa inyo ay ang babaeng sigurado akong pakakasalan ko na.” Nakita kong kumuyom ang mga kamao ni Demetrious nang marinig ang sagot ni Matias, his eyes were full of pain at the same time was mixed with this anger. Pero ang labi niya’y nakangiti, pilit na itinago ang nararamdaman. “Naitago mo siya sa amin ng isang taon? Oh sweety, it must be hard for you to kept a secret from us.” Hinawakan ni Tita Giselle ang kamay ko at marahan iyong pinisil. “Hindi naman po ako nahirapan,” sagot ko saka ngumiti. “Nahihiya rin po ako sa inyo.” “Naku, huwag ka nang mahiya sa amin mula ngayon dahil magiging mother-in-law mo na ako!” bulalas nito. Pareho kaming napalingon kay Demetrious nang malakas itong tumikhim. Tila hindi na yata nagugustuhan ang usapan. Kung tutuusin, pwedeng-pwede niya akong sumbatan ngayon din. Pwede niyang sabihin sa harap nila na may namamagitan sa aming dalawa. Pero sigurado akong hindi iyon ang iniisip niyang gawin. Dahil sa oras na paganahin niya ang galit, siguradong ngayon din ay masisira na nang tuluyan ang pamilyang matagal na niyang iniingatan. “Kailan ang kasal?” mariing tanong ni Demetrious. “Sa susunod na Linggo po, Dad,” prenteng sagot ni Matias. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang pumait ang timpla ng mukha ni Demetrious. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang reaksyon. “Bakit parang ang bilis naman yata? No, I object. Paghandaan ninyo ang kasal dahil hindi iyan basta-basta seremonya lang. Habambuhay na kayong magsasama! Naisip n’yo ba iyon?” sunod-sunod na aniya. “Dad, we love each other.” Hinawakan ni Matias ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. “Who knows? Paano kung isa sa inyo ay magloko pa?” he said, eyeing me. Alam ko na ang iniisip niya ngayon, na pinagsabay ko nga silang dalawa ng kanyang anak. “Demetrious!” saway ni Tita Giselle sa kanya. “Dad, we’re not that kind of person.” Nilingon ako ni Matias saka nginitian, “right, babe?” I smiled gently and then nodded. “Yes,” I replied. Hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin, he leaned to me then kissed right on my lips. “Good, I can’t wait to marry you, Alana.” Saglit lang ang halik na iyon pero tila sa sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako makapaniwalang hahalikan niya ako sa harap ng kanyang pamilya. Nang tuluyan siyang lumayo sa akin, I saw how his father’s expression becomes even bitter. Matapos no’n ay hindi na muling nagtanong pa si Demetrious. He just keep silent and then answer things that he should answer. He’s playing safe, I can feel that. Nang matapos ang dinner ay halos ayaw pa nga akong paalisin ni Tita Giselle. Gusto niyang sa mansyon na ako matulog pero minabuti kong tumanggi dahil hindi ko dapat madaliin ang lahat. Pagkatapos ng kasal, doon lang ako matutulog sa mansyon nila. Mabait ang kanilang Ina. Mahinhin ito kung magsalita at mukhang disiplinada. Halata sa kanya na hindi siya kagaya ng ibang byenan na aawayin ang manugang. She’s very sweet and I felt bad for it. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw isumbong ni Matias ang kanyang Ama? He’s afraid that her mother couldn’t take the pain of being cheated? Ang tanga lang, mas gugustuhin niya pang mabuhay sa kasinungalingan ang Mommy niya kaysa sabihin ang mapait na katotohanan! “Stop seeing my father from now on,” ani Matias. Nasa tapat na kami ng bahay namin ni Auntie pero nag-iwan pa siya ng sasabihin. “Sa tingin mo ba, kikitain niya pa ako sa lagay na ito?” tanong ko saka siya nilingon. His lips parted. “Who knows? Pwedeng makipagkita ka pa rin sa kanya at sabihing hindi mo naman talaga ako mahal.” Hindi ko napigilan na matawa. “Ang over-thinker mo naman. Nahuli mo na ako, takot akong bumagsak ang negosyo ko kaysa ang makipagkita pang muli kay Demetrious.” “Tito Demetrious,” he corrected. I gasped. “Okay, Tito… Basta, huwag mo nang isipin iyon.” Saglit na nagkatitigan kami, hindi ko alam kung ano pa ang gusto niyang sabihin kaya naghintay ako. Ngunit nang ilang segundo na siyang nakatitig lang at walang sinasabi, inalis ko na ang seatbelt. “Bababa na ako,” paalam ko. I was about to get out of the car when he stopped me with his question. “You were a virgin that night, Alana. Did you ever regret that you gave in to me?” Binalikan ko siya ng tingin saka nginitian. “Should I regret?” Nakita ko ang pag-angat at baba ng kanyang adam’s apple, senyales na napalunok siya maging sa balik-tanong ko. Pero, hindi ko naman hahayaang hayaan lang siyang hindi alam ako sagot doon. I leaned towards him. Hinawakan ko pa ang magkabilang gilid ng upuan. I saw how his eyes filled with lust. Ganito na ang epekto ko kay Matias, paano pa kaya kapag nagsasama na kami sa iisang bahay? Lumapit ako sa kanya hanggang sa maabot ko ang tungki ng kanyang tenga. “Hindi ko pagsisisihan ang gabing ‘yon, babe. You were amazing that night.” Saka lang ako lumayo sa kanya saka siya nginitian. “Good night!” Hindi ko na hinayaan pang magtagal sa kotse niya at baka kung ano pang maisipan niyang gawin. Knowing that he’s Demetrious’ son, at may nangyari na sa aming dalawa. Masaya akong pumasok sa loob ng bahay habang si Auntie ay nakangiti rin sa akin nang salubungin ako. Alam kong proud siya sa akin, na sa wakas ay umaayon ang lahat sa plano. Ito pa lang ang simula, mas marami pa kaming plano. Kinabukasan, hindi na ako nagulat nang dumating si Demetrious sa tailoring shop. He was fumming mad at me. Mabuti na lang at nakapag-usap kami ni Auntie na sasamahan niya ako sa shop tuwing umaga habang hindi pa natatapos ang kasal dahil pwedeng may masamang gawin sa akin si Demetrious. “Niloko mo ako,” mariing bungad niya sa akin. Nasa loob kami ng kusina ng shop, doon namin minabuting mag-usap. “Niloko mo rin naman ako, Demetrious. You said you’ll get an annulment, pero hindi mo naman ginawa. Naunahan ka tuloy ng anak mo,” sagot ko. He scoffed, his eyes widened. “Look at me, Alana. He is my son, so leave him alone. Ako ang nauna sa kanya–” “Siya ang nauna sa ‘yo. Did you hear him last night? Matagal na kaming may relasyon.” “Pinagsabay mo kaming dalawa. Niloko mo rin ang anak ko. Hindi ako papayag na magpakasal kayo,” dagdag niya pa. “Magpapakasal kami sa ayaw at sa gusto mo.” Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling lumabas ng kusina. Napapansin ko na kasing mas tumitindi na ang galit niya. “Alana! Hindi pa tayo tapos mag-usap–” Nahinto siya sa pagsasalita nang bumukas bigla ang pinto ng shop. Namilog ang mga mata ko nang si Matias ang pumasok. Tila hindi na yata nagulat nang makita ang kanyang Ama sa aking likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD