KABANATA 10:

1268 Words
KABANATA 10: I WAS SURPRISED to see Matias on the front door of our shop. Wala naman siyang sinabing magkikita kami ngayon, hindi siya tumawag. Hindi ko pa naman gusto iyong bigla na lamang manunurpresa. Gusto ko iyong nakapaghanda ako. “M-matias!” Halata sa boses ni Demetrious ang kaba. “Dad? What are you doing here?” takang tanong nito. Ngunit ang tono niya, tila hindi naman na nagulat. Kaagad akong naglakad palapit kay Matias. He quickly snaked his arms around my waist then kissed my left cheek. Nakaramdam ako ng kaunting hiya, pero dapat siguro masanay na akong ganito kami sa harap ng kanyang Ama. “I… am…” Hindi matuloy-tuloy ang isasagot ni Demetrious kaya naman ako na ang nagpatuloy no’n. “Napadaan lang, nakita niyang dito pala ang shop ko,” sagot ko. Matias’ eyes darted to mine, as if piercing me. “Hmm, gano’n ba?” “O-oo, anak,” sagot ni Demetrious. Pinihit ako ni Matias paharap sa kanyang Ama. Naabutan ko ang dismayadong ekspresyon ni Demetrious maging ang paghagod ng tingin nito sa akin. Siguro’y gustong-gusto na niyang sumabog sa inis. Inaamin kong kinakabahan din ako ngayon lalo pa’t hindi ko gustong mahuli kaagad kami ni Matias. Ayaw kong mahuli niyang alam ni Matias ang lahat. Dahil sa oras na malaman ni Demetrious, tapos ang plano ko. “Nandito ka na rin naman, samahan mo na kaming magpasukat ng isusuot para sa kasal,” ani Matias. Nagtatakang nilingon ko si Matias. Ang totoo’y wala pa akong alam tungkol sa kasal na gaganapin– kung civil ba o sa church kami ikakasal. Kung sino-sino ang dadalo, at kung ano-ano pa. Kailangan ko nang itanong iyon sa kanya. Kung hindi ba naman siya parang tangang gustong ikasal kami agad sa susunod na Linggo… “Oh no, sasabay na lang ako sa Mommy mo. Kayong dalawa na lang muna sa ngayon. Isa pa, kailangan ko ng bumalik sa bahay, may ipinapaasikaso ang Kuya Gideon mo…” sagot nito. Marahang tumango si Matias at hinayaan na namin si Demetrious na lumabas matapos magpaalam. Matias turned his attention to Auntie who’s sitting pretty near Kim. “Hi! You must be Alana’s Auntie?” he asked. Ibinaling ko na rin ang atensyon ko kay Auntie na ngayon ay mukang tuwang-tuwa sa kanyang napapanuod. Tumayo siya at mula sa pagkakaupo saka naglakad palapit sa amin. Ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagbeso nito kay Matias. “Advance congratulations sa inyong dalawa,” ani Auntie. Matias was surprised by then. “T-thank you,” he replied. “Siya pala ang mapapang-asawa mo, bakit hindi mo ipakilala sa akin?” Pare-pareho kaming napatingin kay Kim na ngayon ay nakabusangot na dahil hindi manlang namin siya napapansin. Bahagya akong natawa. “Si Kim, best friend ko,” pakilala ko kay Matias. Matias nodded then said his hello. Matapos niyang magpakilala kay Kim ay nagpasya na kaming umalis. Ni hindi manlang ako nakapagbihis ng maayos. I was just wearing a shirt and short shorts! Wala naman kasi kaming uniform sa shop, kung ano lang ang kumportableng suotin, iyon lang. “Nananahi ka na ganyan ang suot mo?” takang tanong niya. “Wala kaming uniform,” sagot ko. Hindi na siya kumibo at nagsuot na ng seatbelt, ganoon din ako. Habang nasa byahe, gusto ko sanang magtanong sa kanya tungkol sa kasal. Pero hindi ako makakuha ng tamang tanong. Hindi ko alam kung tama bang magtanong ako. “They didn’t know you're a mistress…” Naunahan na niya akong magsalita. “Hindi, bakit ko sasabihing kabit ako?” He chuckled. “That’s how strong-spirit you are, hmm?” I just rolled my eyes then turned my gaze outside the window. Bahala siya sa buhay niya kung ano ang gusto niyang isipin. Kailangan din namang ganoon ang nasa isip niya para mas kapani-paniwalang kabit nga ako. Hanggang sa makarating kami sa isang bridal boutique. Inihinto niya ang kotse sa tapat ng boutique na ang pangalan ay Wed To Be. Hindi kagaya noong inalalayan niya ako pababa ng kotse, ngayon ay hindi na. Nauna pa siyang bumaba at pumasok sa boutique kaya wala akong choice kundi ang bumaba nang mag-isa. Glass door ang pintong binuksan ko. Bumungad sa akin ang puro puti at kulay kahoy na furniture sa loob. Puti ang mga wedding dress na nakahilera malapit sa pinto. Sa harap ko’y mannequin na nakasuot ng isang magandang wedding gown. “Oh my, Sir! Siya na po ba ang bride mo?” Masayang bungad sa akin ng isang babaeng may mahabang buhok, hanggang tuhod yata ang haba. Ayos na sana ako sa ibinungad niyang salita sa akin, kung hindi lang niya pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan na para bang nanunuya. “Yes, she is.” Ngumiti siya sa akin, ngunit ang dating no’n ay naging ngiwi. Mukhang hindi siya satisfied na ako ang bride ng gwapong CEO ng Iba Wine Distillery. “Come on, babe!” Sinenyasan ako ni Matias na lumapit sa kanya. Halos mapairap ako sa inis. Matapos niya akong iwanan sa kotse, tatawagin niya akong babe? Hindi ko siya nilapitan, sa halip, nagtingin-tingin ako sa mga gowns na naroon. “May nagustuhan po ba kayo, ma’am? Ang sabi ng groom, magpapatahi raw…” anang plastic na babaeng saleslady yata nitong boutique. Hindi ako kumibo. Wala naman kasi akong alam sa kung ano ang plano niya para sa kasal. Ni hindi siya nagbabanggit kaya ano ang alam ko? Ilang saglit pa, sa paghahanap ko ay humaplos ang malapad niyang palad sa aking beywang na agad nagpakilabot sa akin lalo na nang bumulong siya sa aking tenga. “Come on, Alana. We have to be a real couple here,” he whispered, almost commanding me. Hinarap ko siya at saka nginitian. Tinitigan ko siya at nagpahiwatig, hindi ako makapagsalita dahil ang lahat ay nakatitig sa amin. Ilang saglit pa ay mukhang naintindihan na niya ako. “Excuse me, babalik kami mamaya. My bride’s sulking, I need to comfort her.” Nakita ko pang napaawang ang labi ng babaeng nag-a-assist sa amin bago ito tuluyang pumayag. “Sure, Sir! Balik po kayo anytime!” Nagpasalamat siya, pagkatapos no’n ay umalis na kami sa shop. Sa aming dalawa, mukha hindi naman ako ang naiinis, mukhang mas galit pa siya. Pero kailangang sa aming dalawa, ako pa rin ang manalo sa tagisan ng inis na ‘to. Nang makapasok kami sa kotse, wala siyang pinalampas na segundo at kaagad siyang nagtanong. “What the f**k is wrong with you, Alana?” he asked in frustration. I sighed. “Hindi ko alam na magpapatahi ka pa pala ng isusuot ko para sa kasal…” “What? It is better. Mas magandang ginawa talaga para sa ‘yo ang wedding dress!” Nilingon ko siya na may pagkadismaya. “Seriously? Ano bang klaseng kasal ang gaganapin? Civil o church wedding? Sino-sino ang bisita? I don’t know anything because you’re keeping it all by yourself. Oo, kabit ako ng Ama mo pero tayo ang ikakasal. Kasama ako sa pipirma sa marriage contract.” “Why are you taking this wedding seriously?” Nanliliit ang mga matang tanong niya. “Then why do you want to marry me?” matapang na balik-tanong ko. “If you keep on keeping things that I should know, then let’s just stop this. Pwede namang si Demetrious na lang ang pakasalan ko–” “Damn it!” he exclaimed. Nabigla ako sa biglaan niyang pagmumura. He leaned forward to me. “You have no right to ruin our family, Alana. You’ll marry me so you can’t ruin the Ibarras.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD