KABANATA 11:

1100 Words
KABANATA 11: IBIG SABIHIN, TAMA ang hinala kong pakakasalan niya nga ako dahil gusto niyang gantihan ang kanyang Ama. He wants to get his revenge in the most impossible way he can! I smiled at him after he burst out. “Kung gusto mo talaga akong pakasalan, matuto kang sabihin sa akin ang mga plano mo. Ayaw ko sa lahat iyong wala akong alam.” Taas-baba pa ang dibdib niya habang nakatitig sa akin, unti-unting humupa ang galit sa kanyang mga mata. Napalitan iyon ng pagkakonsensya. Mas malambot ang puso nitong si Matias kaysa sa kanyang Ama. “We’ll have a civil wedding. I believe I can't take you inside the church because I don't love you…” Kung mahal ko itong si Matias, baka nasaktan na ako sa sinabi niyang hindi niya ako mahal. Pero tama nga naman siya, mas maigi na ring mag-civil wedding dahil nakakatakot humarap sa Diyos kung hindi naman pala namin talaga mahal ang isa’t isa. “Edi huwag ka nang magpagawa ng wedding gown! Pipili na lang ako ng magandang isuot. You don't have to put in too much effort, our relationship is fake.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin saka tumikhim. “If that’s what you want, okay.” “Sino ang imbitado sa kasal?” I asked. “Just our families. No friends but you can invite Kim if you want,” he replied. Marahan akong tumango at hindi na nagdagdag pa ng tanong. Iyon lang naman ang kailangan kong malaman, e. Kailangan pa naming mag-away! Bakit hindi na lang niya sinabi sa akin noong umpisa pa lang para hindi na ako nangangapa? “Tara na, pwede na tayong bumalik sa loob ng shop.” Hinawakan ko ang hamba ng pinto at lalabas na sana pero pinigilan ako ni Matias. “Ayaw ko. Let’s go somewhere else,” aniya. Kumunot ang noo ko. “Huh? Hindi kita maintindihan.” “I don't like that woman’s attitude, the sales lady. Hanap na lang tayo ng ibang boutique,” sagot niya. Lihim akong napangiti sa sinagot niya. Ibig sabihin, pareho kami ng pakiramdam doon sa sales lady na mapangmata! Tuluyan na nga kaming naghanap ng ibang boutique. Hindi kalayuan ay may nakita kaming boutique na mukhang mas matagal nang nakatayo kaysa sa naunang pinasukan namin. Pagkapasok sa loob, isang matandang babae ang bumati sa amin. Halata sa aura ng mukha niya ang pagiging likas na masiyahin. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan at nakangiting sumalubong sa amin. “Magandang tanghali sa inyong mag-nobyo’t nobya. Ano ang hanap n’yo?” tanong nito at tiningnan kami pareho. Her eyes lingered on my body then she smiled. “Mayroon akong bagong gawang trahe de boda, saktong-sakto sa iyo ‘yon!” bulalas niya. “Talaga po? Nasaan?” agad na tanong ko. Niyaya niya kaagad ako sa loob, nilingon ko pa si Matias pero nakatingin siya sa mga barong naka-display roon kaya hinayaan ko na. Pumasok kami sa fitting room. “Saglit lang at iaabot ko sa iyo ang mga kasya sa ‘yo. Mga bagong gawa ko,” aniya. Ayaw ko sa mga ganitong bigla na lang magdedesisyon. But somehow, I feel like I have trust in this old lady. Ilang saglit pa ay bumukas ulit ang pinto at isinampay nya sa sampayang nasa gilid ko ang mga wedding dress at gown. “Subukan mo ang mga iyan, kapag wala kang magustuhan, maaari kang magpatahi sa akin,” aniya sa malambing na tono. “Sige po, s-salamat.” Isa-isa ko nang tiningnan ang mga gown at dress na naroon. Hindi ko na sana gustong mag-gown dahil civil wedding lang naman. Kaya ang una kong isinukat ay ang isang wedding dress na lagpas hanggang tuhod ko lamang. Isang ruffled halter chic wedding dress ang una kong isinuot. Masyado iyong revealing sa likod pero ayos din. Matapos kong masigurong naayos na ang pagkakasuot ay lumabas na ako ng fitting room. Naabutan ko si Matias na kausap ang matandang babae. “Ayos na ba ito?” tanong ko para makuha ang kanilang atensyon. They both turned their attention to me. Wala pang segundo nang makita ako ni Matias ay nagsalubong na ang kanyang mga kilay. “Too revealing, change into another,” he replied. Nagkibit-balikat ako at muling pumasok sa loob ng fitting room. Ilang dress pa ang sinukay ko na hindi gusto ni Matias hanggang sa iyong mga gown na lang ang natira. Naiinis na sinubukan kong isuot iyong mermaid sleeves na wedding gown. Maganda iyon, hindi masyadong revealing kaya lang… hindi ko maisuot nang maayos! “Hala! Baka masira ko pa ito!” bulong ko sa aking sarili. “Nay, pwede po bang patulong sa pag-suot nitong gown?” tawag ko. Ngunit walang sumasagot kaya inulit ko iyon. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto, ngunit hindi iyong matandang babae ang pumasok. Kundi si Matias! “Bakit ka narito? Tawagin mo si nanay at magpapatulong akong magbihis!” sabi ko. Nasa kalahati pa lang ang pagkaka-zipper ng gown mula sa likuran ko at nakakailang na makita niya iyon. “She's not around. Nasa banyo yata. I can help you with that,” sagot niya. “Pero—” “Natatakot ka ba? I’ve already seen your body,” he chuckled. Umirap ako at saka tumalikod sa kanya. Bahala siyang maakit sa likod ko. Mula sa malaking salamin sa harap ko, nakita ko siyang napatingin sa aking likuran. Walang emosyong nilapitan niya ako at hinawakan ang aking likod. Hindi ako nakakibo nang maramdaman ang pagdampi ng daliri niya sa aking balat. Pakiramdam ko ay may dumaloy na init mula roon kasabay ng pagkakakiliti ko. Hindi nagtagal ay na-i-zipper niya iyon nang mabilis. Doon lang ako nakahinga nang maayos. But then he didn't stop there. Ipinatong niya ang malalapad niyang kamay sa magkabila kong beywang habang nakatitig sa akin mula sa salamin. We are now facing the mirror, he’s on my back. “What will happen after the wedding, Alana?” he asked. Umawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya mula sa salamin. Unti-unting bumilis ang pagtibok ng puso ko nang dahil sa matinding kaba. Hindi ko naisip ang susunod sa kasal… honeymoon! “K-kailangan pa bang gawin? Like you always said, we are not in a real relationship,” I replied. “Yeah…” he almost whispered. Kinilabutan ako nang mas ipulupot niya ang mga braso sa bewang ko at saka yumuko para abutin ang aking leeg. Mas lalo akong kinilabutan nang maramdaman ang paghinga niya roon! s**t! Ano bang ginagawa niya? “Pero lalaki pa rin ako, at hindi pwedeng magkahiwalay tayo ng kwarto.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD