KABANATA 27: SINASABI KO NA nga ba at talagang mapapansin nila Mommy ang bite mark sa leeg ni Matias. Naiinis ako dahil kahit na hindi nila sabihin ay mukhang naaaliw silang makita ang bite mark ni Matias sa leeg. Kung alam lang nila na hindi ako ang kumagat no’n! Imbes na makarinig pa ng mga pasaring tungkol sa markang nasa leeg ni Matias, nag-desisyon akong humilata na lang sa kama buong maghapon. Nag-aalala pa rin ako kay Auntie Thelma pero ang sabi ni Kim ay magkasama naman sila kaya napanatag ako. Linggo ngayon at rest day yata ni Matias kaya hindi siya nagtatrabaho at kagabi rin ang uwi, hindi ko alam kung anong plano niyang gawin ngayong Linggo pero kung ano man, wala akong pakialam. Tanghali nang pumasok si Matias sa loob ng kwarto, nakabusangot. He quickly shut the door behind

