Chapter 60 "Iyong lace ko," ani ni Bible habang nakaupo sa harap ng table at kinuha iyong bagay na inabot ni Warren. Basang-basa iyon at hindi na nagana iyong maliit na phone na nakasabit sa lace. "Maraming salamat. Akala ko nawala na talaga ito," ani ni Bible after iangat ang tingin kay Warren. Ngumiti si Warren at sumagot ng welcome. "Anyway, gusto mo ba treat kita. Pagpapasalamat ko na din sa pagligtas mo sa akin at pagbalik ng lace," ani ni Bible at nagtawag ng waiter. Nagdududa na tiningnan ni Jonas si Warren. Hindi naman kailangan ni Warren mag-abala pa na pumunta doon at papuntahin si Bible— pwede niya iutos sa secretary or tauhan nito since hindi naman magkakalayo hotel nila. Isa pa ilang beses na sila nagpabalik-balik sa hotel nina Warren at hindi 'man lang nito naisipan