Chapter 59 "Bakit mo ako sinusundan?" Nakasilip si Bible sa likod ng isang poste at sa hindi kalayuan nakatayo si Samantha. Lumingon ang babae at nanlaki ang nata ni Bible. Siya pala ang kausap nito. Agad na nagtago ang babae at umupo sa sahig. "Lumabas ka na diyan. Nakita na kita," ani ng babae at naglakad palapit sa direksyon ni Bible. "Sesermonan na naman ni Keith for sure ang mga bantay mo kapag nakita niya na nawala ka na naman sa room mo," ani ni Samantha at hinawakan ang poste. Sumilip ang babae then nakita niya si Bible. Nakatingala ang babae at nagmamakaaawa siya na tiningnan ni Bible. Muntikan na mapatili si Samantha dahil sa sobrang cuteness ni Bible. May weakspot talaga siya sa mga cute na bagay kaya naman ang nangyari imbis pabalikin ito sa room ay ini-invite niya an