Chapter 21 INAYA na ni Leah kumain sina Bible. Magkakatabi ang tatlong bata since talagang pinilit nina Sky at Dianna na mag-stay muna sila doon sandali at pumayag si Bible. Wala naman problema iyon kina Sandro as long as komportable ang batang babae. "Next time dadalhin ko dito iyong favorite book at toy ko pwede mo 'yon hiramin para gumaling ka agad," ani ni Dianna. Sinabi ni Bible na two or three days magaling na din siya at makakapasok sa school. "Mas lalo magkakasakit si Bible. Hindi mo pinalalabhan mga toys mo," banat ni Sky. Sandali napakalma si Bible ng mga asaran at ingay ng mga kaibigan habang kumakain sila. Mga hapon na din 'nong nag-decide na si Loki iuwi ang mga pinsan. "Wag ka na sa amin sumama palabas. Dito ka na lang. Kita-kita na lang ulit tayo sa school. Bye Bi