Chapter 22 "Keith? Leah!" Nakikita ko ang sarili ko sa room ko ngunit walang ilaw. Hindi ni Leah pinapatay ang ilaw sa room ko kaya naisipan ko bumaba ng kama. Napatigil ako dahil imbis na malambot na carpet. Dumikit ang paa ko sa magaspang na kahoy. Tumayo ako at tumingin sa paligid. Wala ako makita kaya naman umatras ako para bumalik sa kama since wala ako makita at baka saan pa ako bumangga. Para ako binuhusan ng malamig na tubig after maramdaman ang pamilyar na tigas ng kahoy na higaan. Unang pumasok sa isip ko ang attic. Napaatras ako hanggang sa napaupo ako sa sahig. Kakaibang takot ang naramdaman ko after ma-realize na bumalik ako sa attic at wala doon sina Keith. Pakiramdam ko nakakulong ako. Hindi ako makahinga. Napatakip ako ng bibig hanggang sa marinig ko ang mga fam