Chapter 23 "Leah!" Hinila-hila ni Bible ang kamay damit ni Leah at tinuro 'yong mga banda na naglalakad at tumutugtog. Nasa harapan sila ngayon ng gate at pinanonood ang nga tao. Kinailangan ni Jonas iparada ang sasakyan sa loob ng subdivision dahil magiging malaking hara iyon sa parada kaya naiwan kasama ni Bible ay si Leah na natatawa habang nakikitang namamangha si Bible sa mga nakikita. "May malapit dito na plaza. May mga games doon at ilang events. Gusto mo pumunta?" tanong ni Leah. Agad na sumagot ng yes si Bible. Sinabi ni Leah na hintayin lang muna nila doon si Jonas tapos aalis na sila. Sa kalayuan may ilang lalaki ang pagtingin-tingin sa direksyon nina Bible. Isa sa mga ito ay kumakain ng street foods. "Ayon ba 'yong bata?" tanong ng isa sa nga lalaki. "Kasama niy